CHAPTER 25

264 6 0
                                    





NANG makarating sila Kian sa lugar nakita niya agad si Annah na tumatakbo habang umiiyak palabas ng gusali. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa saka niyakap ng mahigpit.

"Are you okay?" tanong niya rito.

"Daddy, si Mommy." iyak pa rin nito.

"Where is Mommy?"

"Inside."

Nagsipasukan naman ang mga pulis pati ang mga kaibigan nia. Dinala naman niya ang anak sa sasakyan niya. May tauhan pa siya don kaya pinabantayan niya ito.

"Dito ka lang muna. Pupuntahan ko si Mommy, okay?"

Tumango naman ang anak niya.

"Bantayan niyo siya." ustos niya sa tauhan niya.

Sumunod naman siya papasok sa gusali. Paakyat pa lang siya nang makarinig siya ng putok ng baril sa loob.

"Shit."

Tumakbo siya sa loob at hinanap kung saan nanggaling ang putok ng baril. Pero hindi niya nagawa nagbarilan sa loob. Marami ang tauhan ni Levi. Nahihirapan siyang gumawa ng paraan dahil dami nila. Nahagip niya ang isang lalaki sa dulo na may dalang container. Sinundan niya iyon hanggang sa makaabot siya sa taas. Ngunit nagulat siya dahil sa dami ng lalaki ang naroon.

Napatingin ang mga ito sa kaniya. Nakita niya si Levi sa isang gilid.

"Wow! Bravo!"

"Where is Hanna?" malamig niyang tanong.

"Oh! She's probably dead now."

Dumating amg mga kaibigan niya. Hindi pa rin tapos ang putukan sa baba. Si Andrei lamang ang wala dito dahil sa kalagayan ng asawa nito.

"Ay nakalimutan ko. Nandito pala sa akin ang controller. Isang pindot ko lang. Bogsshh!!!. Patay."

"Where is she?"

"Secret."

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito, Levi."

"Hindi ako Kian. Sa katunayan ako na ngayon ang naniningil sa lahat ng ginawa mo sa akin. Tapusin niyo sila!" matapos nitong sumigaw bigla itong umalis.

Dahil sa nanggigigil siya, kung sino man ang nabibigyan niya ng suntok ay tulog agad. How he wish na mukha ni Levi ang nasasapak niya. Kahit babae ito papatulan niya ito dahil sa ginawa nito sa pamilya niya.

"Kami na ang bahala dito, hanapin mo na si Hanna." sabi sa kaniya ni Luke.

Tumango siya rito bago umalis. Hinanap niya ito kada isang palapag. Hanggang sa umabot siya sa rooftop. Pagbukas niya ng pinto tumambad sa kaniya si Hanna na walang malay. Agad niya itong dinaluhan. Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya nang makita ang asawa. May tama ito sa balikat. Nakita niya rin ang bomba na nakakabit rito. It's only 2 minutes.

Agad niyang kinalas rito ang bomba. Naririnig pa rin niya ang putukan sa loob ng gusali.

"Shit."

Napamura siya nang mahirapan siyang tanggalin ang tali. Isang minuto nalang. Pag hindi niya ito matanggal sigurado siyang sasabog ito.

Naramdaman niya ang paggalaw ni Hanna. Nabaling ang atensyon niya rito.

"Go. Save yourself." mahinang sabi nito.

"No. Ililigtas kita rito."

"J-just go. Ilig-tas mo si Annah. Wala ng oras."

Tumulo ang luha nito. Bumalik siya sa pagtatanggal sa tali. Hindi niya kayang umalis na hindi kasama ang asawa niya.

"K-kian. Makinig ka. Iligtas mo ang sarili mo. Kapag hindi mo yun ginawa walang magpoprotekta sa anak natin."

Tumingala siya para pigilin ang pag iyak.

"Umalis kana. UMALIS KA NA!" sigaw nito.

Wala siyang nagawa. Umalis siya sa rooftop. Iniwan niya ang asawa. Iniwan niya ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila. Hinang hina siya nang makalabas siya ng gusali. Tapos na ang putukan.

Nilapitan siya ni Alexis na nakakunot ang noo.

"Where is Hanna?" tanong nito.

Sasagot palang sana siya nang makarinig sila ng pagsabog sa itaas. Nabaling ang atensyon niya doon. Tumulo ang luha niya.
Hindi niya nailigtas ang mag ina niya. Pinatay niya ang mag ina niya.

"What did you do, Kian?" tanong uli nito.

"Hindi ko siya nailigtas. Pinatay ko ang mag ina ko." sagot niya na humahagulgol.

Napahilamos si Alexis sa mukha. Ito na siguro ang karma ko sa lahat ng ginawa ko. Ang sakit mawalan ng taong mahal mo.

"Daddy."

Napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ng anak niya. Yinakap nniya ito ng mahigpit.

"Where is Mommy?"

Mas lalong umiyak siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. Masakit para sa kaniya kung magsasalita pa siya. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ito.

"Mommy." usal ng anak niya.

Hinigpitan niya ang pagyakap rito. Nasasaktan siya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Mommy." usal ulit nito at pilit na kumakalas sa kaniya.

Nagtatakang pinakawalan niya ito. Bigla itong tumakbo sa likod niya.

"MOMMY!"

Natulos siya sa pagkakaupo at dahan dahang lumingon. Nanlaki ang mata niya nang makita si Hanna na yakap ng anak niya. Tumingin siya kay Alexis. Nakangiti ito. Binalingan niya uli ang mag ina niya. Tumingin sa kaniya si Hanna habang yakap si Annah.

Lumapit ang ito sa kaniya. Hinawakan ang mukha niya.

"I'm sorry." usal niya bago ito yinakap.

Buhay nga ito. Hindi siya namamalik mata. Buhay ang asawa niya.

"Thank you." mahinang sabi nito.

"Okay lang ba si baby?" tanong niya sabay haplos sa tiyan ng asawa.

Nakangiting tumango ito. "He's okay."

Hinalikan niya ito at yinakap. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil naligtas ang mag ina niya. Kanina sobra ang takot na naramdaman niya at sakit sa kalooban niya pero ngayon walang katapusan ang kasiyahan niya nang makita niya itong buhay. Ang akala niya wala na ito panghabang buhay. Mabuti nalang at tunay na mabait ang Panginoon.

"Si Levi?" tanong nito.

"Dinala na ng mga pulis." sagot naman ni Luke.

Maya't maya dumating ang isang ambulansiya. Saka isinakay si Hanna. Sumama siya naman siya rito habang si Annah pinasakay kay Alexis.

Tumunog ang cellphone niya. Nang makita ang pangalan ng ina niya sinagot niya agad ito.

"Kumusta na kayo diyan?"

"Ma, pauwi na kami. Ligtas silang dalawa."

"Thank God."

"Hintayin niyo nalang diyan si Annah. Papunta kami ngayon sa Hospital dahil may tama ng baril si Hanna."

"What? Okay lang ba siya?"

"She's fine, Ma. No need to worry."

"Okay."

Pagkababa ng linya tinitigan niya si Hanna. Nakapikit na ito. Sigurado siyang pagod na ito. Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa mga labi niya.

"I love you." usal niya rito.








_________________

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now