Third Person's POV
Isang buntong hininga ang muling pinakawalan ng isang babaeng tahimik na naglalakad sa isang pasilyo. Mababatid ang awtoridad sa awrang nakapalibot dito na kahit sino'y magdadalawang isip kung sya ba'y kakausapin, ngunit hindi lingid sa kanyang kaalaman na kahit ganoong awra ang kanyang ipakita ay hindi pa rin ito tatalab sa kanyang mga kapatid. Isang buntong hininga ang muli nyang pinakawalan bago pihitin ang seradura ng pinto.
Tulad ng kanyang inaasahan, lahat ng kapatid nya ay kumpleto at tanging sya na lamang ang hinihintay. Sa kanyang pagpasok ay siyang pagtigil ng kanyang mga kapatid sa kanya kanyang nilang ginagawa at ramdam nya ang pananayo ng kanyang balahibo dahil sa isang pares ng mata na matiim na nakatitig sa kanya, hindi nya man ito lingunin batid naman nya kung sino ito.
'Ipinatawag ko kayo dito dahil may importante akong ipapagawa sa inyo.' Wika ng babaeng kasalukuyang nakatayo sa gitna habang seryosong inoobserbahan ang kanyang mga kapatid.
'Nasa England sya hindi ba?' Saad ng isang malamig na tinig.
'Oo, ngunit hindi ito magiging madali dahil sya ay bantay sarado ng dalawa sa pinakamaimpluwensyang Mafia sa underground.' Saad ng babaeng kasalukuyang nakatayo sa gitna.
'Alam kong alam nyo na walang sasantuhin yan kapag pamilya na ang pinag-uusapan.' Saad ng babaeng kanina pa tahimik.
Jarèa's POV
Lihim akong napangiti sa itinuran ni Ishe, tama sya. Kapag usapang pamilya ay walang makakapigil samin, lalong lalo na kay Ozel at gaya ng inaasahan ko kahit hindi ko pa man sinasabi ang mismong pakay ko pagdating sa usaping to, batid kong may mga impormasyon na syang nalalaman.
'Bukas na bukas rin ay aalis tayo patungo sa England. Aine ikaw ang bahala sa mga sasakyang gagamitin natin doon, Ishe at Orio kayo naman ang sa mga weapons at ikaw naman Ione, sabihan mo ang iba pang maghanda. Ozel maiwan ka may pag-uusapan pa tayo.' Saad ko at agad naman silang nagsikilos, batid kong nangangati na silang patayin ang mg kalaban.
'Now, what?' Saad ni Ozel ng kaming dalawa na lang ang natira.
'Gusto kong alamin mo kung ano ang kinalaman ng mga yan sa nangyari sa mga magulang natin.' Saad ko bago ilahad sa kanyang harapan ang isang folder na agad nya namang kinuha.
'Ito lang ba?' Saad nya habang malamig na nakatingin sa folder na animo'y isa itong specimen na kanyang iniinspeksyon.
'Yes, and please Ozel kung ano man ang malaman mo ay sa atin muna.' Saad ko na agad nya namang tinanguan.
'Alright. I'll give you informations about them when we get there.' Saad nya bago tumayo.
'I know you can do it, Zel.' Nakangiti kong saad na naging dahilan upang sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi.
'Mauuna na ko para magawa ko na to.' Saad nya bago ako iwan.
Ozel's POV
Tahimik akong nagtungo sa aking kwarto at agad kong tinungo ang mesang kinalalagyan ng aking laptop. Agad kong binuklat ang folder na kanina lamang ay ibinigay sakin ni Jarèa, ngunit agad rin akong natigilan ng mapagtanto ko kung tungkol kanino ang nilalaman nito.
'Dominic Mountbatten - Windsor, Thaddeus Mountbatten - Windsor, Parker Ferrell, Archer Ferrell, Zacharias Ferrell at Theodore Sandoval? Anong kinalaman nyo sa pagkamatay ng mga magulang namin?' Tanong ko sa aking sarili habang pinupukol ng matalim na titig ang folder na aking hawak-hawak.
Hindi pa man ako nag-uumpisa sa pangangalap ng impormasyon ngunit may mga kongklusyon na akong nabubuo. Lihim kong naikuyom ang aking kamao, mapatunayan ko lang na tama ang hinala ko hindi ako magdadalawang isip na isa-isahin sila. Mabibigat man ang kamay ay inumpisahan ko ng magtipa sa keyboard. Sandali akong natigilan sa aking ginagawa ng may marinig akong katok mula sa aking pinto, isinara ko ang laptop at pasimpleng itinago ang folder na aking hawak-hawak.
'Come in.' Maikling saad ko bago ipikit ang aking mga mata.
'I know may ipinapagawa sayo si Jarèa. Tungkol ito sa mga Mountbatteh - Windsor hindi ba?' Seryosong saad ni Ainè dahilan upang mapadilat ako.
'Alam kong alam mo ang sagot sa sarili mong tanong Ainè.' Seryosong saad ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.
'So tama nga ak--' Naputol ang sasabihin ni Ainè ng dahil sa isang katok.
'Come in.' Sagot ko matapos magpakawala ng isang buntong hininga.
'Tulad ng inaasahan ko, magtataka at magtataka si Ainè kung bakit pinahuli ko ang sayo.' Saad ng bagong dating na si Jarèa, dahilan upang mapalingon si Ainè sa kanya.
'Marahil ay pare-parehas tayo ng hinala ngunit kailangan pa rin nating makasigurado.' Simpleng saad ni Jarèa, bago ilipat sa akin ang kanyang tingin.
'Isa pa lang ang nasisiguro ko. Stepbrother ni Parker at Archer Ferrell si Theodore Sandoval.' Saad ko bago muling buksan ang laptop na kanina kanina lamang ay isinara ko.
'Isa rin ba sa plano nila na paibigin ang mga kapatid natin?' Seryoso ngunit nababatiran ng panganib na saad ni Ainè.
'Pwede. Ngunit isang bagay lang ang nasisiguro ko, kapag napatunayan kong may kinalaman sila, wala akong sasayangin na pagkakataon.' Malamig kong saad.
'Hindi kita masisisi Ozel ngunit hindi pa ito ang tamang oras para patayin sila.' Nakangiting demonyo na saad ni Jarèa.
'Hindi pa nila nararanasan ang sakit na ipinaranas nila satin ng patayin nila ang mga magulang natin.' Nanggigigil na saad ni Ainè.
BINABASA MO ANG
The Miscrèants: A Crime for Love
ActionHindi sila takot mamatay. Sa katunayan sila pa mismo ang humahabol kay kamatayan, mula pagkabata hinasa na sila upang pumatay. Sa halip na laruang pambabae ang hawak nila ay mga baril, kutsilyo at mga patalim na maaaring magwakas sa isang buhay. Wal...