Chapter 2: The Miscrèants

51 3 3
                                    

Third Person's POV

Tanging ingay lamang ng keyboard ang maririnig sa silid ni Ozel hanggang sa muling basagin ni Jarèa ang katamihikang namumuo sa kanilang tatlo.

'Mag ayos na kayo ng mga dadalin nyo, pagpatak ng alas dos ng madaling araw ay aalis na tayo.' Seryosong saad ni Jarèa na syang tinanguan lamang ng dalawa.

'Mauuna na ko sayo, Jarea.' Saad ni Ainè ng maalalang kailangan pa nga pala nyang magempake.

'Anong gagawin mo kung magkita kayong muli?' Bilang tanong ni Jarèa na syang dahilan upang matigilan si Ozel.

'Wala.' Maagap na sagot ng dalaga bago muling ipagpatuloy ang ginagawa.

'Hindi na kita muling tatanungin dahil sigurado akong sa mga oras na to may plano ka ng nagagawa. Mag iingat ka Ozel, ayokong magkawatak watak na naman tayong muli.' Sinserong saad ni Jarèa.


Jarèa's POV

Nang wala akong sagot na nakuha mula sa kay Ozel ay napagpasyahan kong lumabas na ng kanyang silid. Muli ay katahimikan ng pasilyo ang sumalubong sakin, mapait akong napangiti nang maalala ang mga alaala namin noong buhay pa ang aming mga magulang. Naputol ang aking pag-iisip ng tawagin ako ng isa sa aking pamangkin.

'Aunt? Are you ok? Mukha kang baliw na naglalakad dito sa hallway habang nakangiti't umiiyak.' Saad ni Ionè ng may pagaalala. 

Owtomatikong mapahawak ako sa aking pisngi at tama sya, napailing na lang ako ng muli ay nadala na naman ako ng aking emosiyon. Agad ko itong pinunasan at bahangya syang nginitian. 

'Yes, I'm fine. May naalala lang ako.' Saad ko bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

'Anyway, Aunt, nasabihan ko na sila Aunt Stephanie and she said that later they will going to stay here para daw po hindi na hassle.' Saad nya at nangunyapit sa aking braso.

Lihim akong napangiti dahil sa kanyang naging asal, sinong magaakala na ang isa sa kinatatakutang assassin sa Underground Society ay may tinatagong pagkaisip bata? 

'Mabuti kung ganun. Sige na magempake ka na dahil alas dos nang madaling araw ay aalis na tayo.' Saad ko bago sya ngitian.


Ainè's POV

Nang makapasok ako sa aking silid ay agad akong nagtungo sa aking walk in closet upang magempake ng mga damit na aking dadalin. Nasa kalagitnaan ako ng pageempake ng makita ko ang isang kwintas na may pendant na snowflakes na kilalang kilala ko. Agad na bumalik sakin ang araw na ibinigay nya to, ang araw kung saan masaya pa kaming magkasama. Matapos kong pakatitigan ito ay nagdesisyon akong itago ito. Akmang ilalagay ko na ito sa taguan ng isang katok ang pumigil sakin.

'Aunt Ainè?' Saad ng tinig mula sa labas, kung hindi ako nagkakamali ay si Ionè.

'Pasok.' Sagot ko bago muling nagpatuloy sa aking pageempake.

'Aunt pinapasabi ni Aunt Jarèa na nasa baba na sila Aunt Marga.' Saad nya habang nakangiti.

'Pasabi susunod na lang ako, tatapusin ko lang ito.' Saad ko habang nakangiti na syang tinanguan nya lamang bago lumabas.

Agaran kong tinapos ang aking pageempake at bumaba na rin. Nasa hagdanan pa lamang ako ay rinig ko na ang pagatungal ng isa ko pang pamangkin, marahil ay inaalaska na naman sya ng kanyang pinsan na ginagatungan naman ng magagaling kong mga kapatid at pinsan.

'Kanina pa kayo?' Saad ko ng makababa ng handan.

'Mga ten minutes ago. Mamaya pa dapat kami kaso itong si Beverly pinagmamadali kami.' Saad ni Olivia na naiiling.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon