Chapter 11: Doubt

5 0 0
                                    

Third Person's POV

Pasado ala-sais na ng dumating si Ozel sa islang kanilang tinutuluyan. Nang makapasok sa bahay ay sumalubong sa kanya ang maingay na si Beverly at Marga na nagtatalo sa kung anong palabas ang kanilang papanoorin. Agad na natigil ang dalawa sa pagtatalo ng mapansin si Ozel.

'Good evening, Tita.' Bati ni Beverly na syang tinanguan lang ni Ozel bago umakyat sa hagdan, hindi maiwasan ng dalawa ang magkatinginan dahil sa iniasta ni Ozel ngunit ipinagsawalang bahala na lang nila ito.


Ozel's POV

Nang makarating ako sa ikalawang palapag ng mansion ay pinuntahan ko agad ang kwarto ni Jarèa. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay agad akong kumatok at wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto at bumungad sakin si Jarèa na nakapantulog na. Sinenyasan nya akong pumasok na agad ko namang ginawa, nangunot ang aking noo ng mapansin ako na inilock nya ang pinto matapos masigurado na walang tao sa labas. Marahil ay masyadong sensitibo ang aming pag-uusapan.

'So bat mo ko pinapunta dito?' Tanong ko ng makaupo ako sa kanyang kama.

'Yung Office ni Dad, alam mo namang tayo lang nakakapasok dun dahil maging ang mga kapatid natin ay pinagbabawalan ni Dad na pumasok doon kahit noong nabubuhay pa sila.' Seryosong saad nya nang makaupo sa sofang katapat ng kanyang kama.

'Oh? Anong meron don?' Nakataas ang kilay na tanong ko.

'Kaninang umaga, nakita ko si Sylvia na may hinahanap sa office table. Sabi nya libro daw ang hinahanap nya dahil akala nya library rin yun pero ng icheck ko ang table ng makaalis sya ay nakuha ko ang chip na inilagay nya, hindi lang sa table maging sa ilang gamit doon.' Seryosong saad nya dahilan upang mapaseryoso rin ako.

'Ilang chips ang nakuha mo?' Kunot noong tanong ko.

'Lima at sinira ko na lahat ng iyon.' Saad nya dahilan upang mapangisi ako.

'I have to tell you something.' Saad ko dahilan upang mapakunot ang kanyang noo.

'Kanina may natanggap akong text message mula sa isang unknown number.' Saad ko at ibinigay sa kanya ang cellphone ko, makalipas ang ilang sandali ay ibinaling nya ulit ang tingin sakin.

'Y.V?' Nagtataka ngunit seryosong tanong nya.

'Kanina tinrack ko ang number na yan, and guess what? Dito ang lokasyon na lumabas.' Makahulugan kong saad.

'So posibleng may isang traydor dito? At Y.V? Wala akong kilalang may ganyang initials kundi si Yana Valdez.' Saad ni Jarèa na syang ikinatango ko.

'Yes, at sa tingin ko parehas tayo ng nasa isip. Imposibleng ring mabuhay pa si Yana dahil sinugurado kong mamamatay sya sa pagsabog, so I guess, ang Y.V na yan ay kapatid ni Yana.' Saad ko dahilan upang mas lalo syang sumeryoso.

'At kasama natin sya dito. Ozel, gusto kong ihack mo ang mga files ng bawat isa sa nakakasama natin dito. Hangga't maaari wala muna sanang makakaalam nito bukod satin, dahil mas konti ang nakakaalam mas madali tayong makakagalaw.' Saad ni Jarèa na syang tinanguan ko bilang tanda ng pagsang-ayon.

Hindi pa man ako nagsisimula sa pangangalap ng impormasyon pero may nabubuo na akong conclusion at mas lalo pa akong kinutuban na nandito nga sya dahil sa sinabi ni Jarèa. Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang mapangisi at maexcite para sa posibleng mangyari sa traydor kung mapapatunayan kong meron nga.

'Mauuna na ko.' Saad ko at tumayo na sa kama at naglakad papalapit sa pinto. Akmang bubuksan ko na ito ng magsalita si Jarèa na syang ikinangisi ko.

'Kapag sya nga, hindi ako magdadalawang isip na padanakin ang dugo nya.' Seryoso at mapanganib na turan nito.

Agad na akong lumabas sa kwarto ni Jarèa at nagtungo sa aking kwarto, mabibilis ang kilos na nagtungo ako sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin bago matulog. Nang matapos ay agad akong nagtungo sa aking kama upang makapagpahinga na ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa kama ay tumunog ang aking cellphone. Agad na kumunot ang aking noo ng makita kung sino ang tumatawag.

'What do you want, Zae?' Tanong ko pagkasagot ko ng kanyang tawag.

'Nothing. Gusto ko lang malaman kung nakauwi ka na.' Saad nya ng may bahid ng pag-aalala sa kanyang boses.

'Yes, in fact, patulog na nga ako.' Malamig na saad ko dahilan upang mapatawa sya.

'Wag mo kong gamitan ng cold voice mo dahil hinding hindi yan tatalab sakin, sige na magpahinga ka na.' Saad nya ngunit hindi nakaligtas sa aking pandinig ang kanyang pagngisi dahilan upang mapairap ako sa kawalan.

'Wala ka ng sasabihin? Pwede na ba kong matulog?' Masungit na saad ko.

'Yes. Good night, my Queen.' Malambing na saad nito dahilan upang mapangiwi ako.

Agad ko ng pinutol ang tawag dahil paniguradong hahaba pa ito, knowing Zae? Gustong gusto nya ang kinukulit ako lalo na kung bored sya. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos ko mailapag sa bed side table ang aking cellphone at napagpasyahan kong matulog na dahil mahaba haba ang magiging araw ko bukas.


Third Person's POV

Tulog na ang lahat ng tao sa Mansion ngunit hindi ang isang babae na nababakasan ng galit sa kanyang mukha. Nanggigigil nitong sinara ang laptop at padabog na tumayo sa sofang inuupuan. Mabibigat ang hakbang na lumapit ito sa bintana ng kanyang kwarto kung saan tanaw ang malawak na bakuran ng mansion na syang napupuno ng kumikinang-kinang na ilaw pagsapit ng gabi habang hawak ang kopitang naglalaman ng pulang likido.

'Bullshit! Masyado kang matalino Jarèa, hindi ko inaasahan na makikita mo agad ang mga inilagay ko.' Nangingigil nitong bulong sa hangin.

'Damn you, Ozel. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pagpatay mo sa kapatid ko.' Muling saad nito bago uminom sa kopitang kanyang hawak hawak.

'Gaganti ako. Igaganti ko ang kapatid ko, sisigiuraduhin kong magsisisi kayo.' Madilim ang mukhang saad nito habang mababatid sa kanyang boses ang panganib.

Muling bumalik ang dalaga sa sofang kanyang inuupuan habang hawak ang litrato ng dalawang babaeng may markang X. Hindi nya maiwasang mapangisi sa isiping aagos mismo sa kanyang kamay ang dugo ng dalawang babae. Hindi maalis alis sa kanyang labi ang isang demonyong ngiti dahil sa kanyang pananabik na magtagumpay. Magtagumpay sa pagpapabagsak sa magkakapatid na Miscrèant, ang pamilyang kumupkop sa kanya ng ipaampon sya ng kanyang magulang.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon