Ozel's POV
Matapos ang pag-uusap namin ni Zion ay mas pinili ko na lang abalahin ang sarili ko sa pagkalikot sa aking cellphone. Kumunot ang aking noo ng may isang message ang pumasok mula sa isang Unknown Number.
Masaya ka ba dahil napatay mo na ang kapatid ko? Masaya ka ba dahil pwede na ulit kayo ng Prinsipe ng England? Magsaya ka lang, dahil sisiguiraduhin kong hindi magtatagal ay ikaw naman ang mamatay.
- Y.V.
Hindi ko maiwasang mapangisi sa nabasang text message, akala ata nya ay matatakot nya ko sa isang simpleng threat. He or she must be out of her mind, I chuckled on my own thoughts. Agad kong kinuha ang laptop na itinatago ko sa cabin na nakalaan sakin, mabibilis ang kilos na nagtipa ako ng codes sa aking laptop at makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang mapa kung saan nandoon ang lokasyon ng taong nagsend ng text message sakin.
Muling kumunot ang noo ko ng makita na ang tinutukoy na lokasyon sa mapa ay ang islang tinitirhan namin. Agad na may pumasok na isang idea sa aking isip at sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement. Excitement para sa taong traydor.
'Young mistress, nandito na po tayo. Nakahanda na rin po ang sasakyang gagamitin nyo.' Saad ng isang katiwala na syang naghatid sakin.
Agad kong isinara at itinago ang laptop sa aking kwarto. Nang maibalik ko na ang laptop sa aking pinagkuhanan ay agad kong inilock ang kwarto at bumalik sa sala ng yate.
'Thank you, magpahinga muna ho kayo.' Saad ko at bahagya siyang ngitian bago lumabas ng yate at doon ay bumungad sa akin ang isang itim na Koenigsegg CCX.
Agad akong sumakay sa sasakyan at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago ito paandarin. Sinulyapan ko ang aking cellphone kung saan nandon ang mapa papunta sa Corrigan's Mayfair, maluwag ang kalsada kaya't ayos lang kung matulin ang aking pagpapatakbo. Alam kong labag ito sa traffic law but I don't care, sinulyapan ko ang aking wristwatch at ng makitang limang minuto na lang ang natitira bago mag ala-una ng hapon ay mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan.
Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang nasabing Restaurant, agad akong nagpark ng sasakyan at bumaba upang magtungo sa loob. Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang mula sa entrance ng Corrigan's Mayfair ay isang waiter ang lumapit sakin at bahagyang yumuko.
'Are you Miss Ozel Micrèant?' Tanong ng lalaki matapos mag-angat ng ulo mula sa bahagyang pagkakayuko.
'Yes.' Simpleng saad ko.
'This way, Madame.' Saad nya at bahagyang ngumiti.
Agad syang naglakad papunta sa isang tagong lugar na sa tingin ko ay para sa mga bigating panauhin, tahimik akong sumunod sa kanya hanggang sa tumigil kami sa isang kwartong tanging salamin lamang ang nagsisilbing dingding at doon ay nakita ko ang isang Zaeron Medzelle na prenteng nakaupo habang sumisimsim ng red wine sa isang kopita. Walang pagaatubili namang binuksan ng lalaki ang glass door at nagmuwestra sa aking pumasok na.
'Thank you.' Saad ko sa lalaking naghatid sakin na tinugon nya naman ng isang ngiti bago ako tuluyang makapasok.
'You're here.' Magiliw na bati ni Zae at agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, walang pagdadalawang isip syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
'Fuck off, Zae.' Malamig na saad ko ng maalalang muli ang pambubulabog nya kaninang madaling araw, na syang ikinatawa nya ng makita ang aking mukha na may bahid ng pagkaasar.
'I'm sorry, ok? I didn't mean to wake you up that early. I was just so excited that's why I called you right after I got your phone number from my brother.' Saad nya habang nagtataas ng kamay na animoy sumusuko, tinanguan ko na lamang sya bago naupo sa katapat nyang upuan.
'I have a favor.' Saad ko ng sya ay makaupo na sa kanyang inuupuan kanina.
'What is it?' Saad nya habang titig na titig sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
'Can you do something about sa pagpasok ni Ionè at Beverly sa Medzelle University?' Diretsahan kong turan dahilan upang mapakunot ang kanyang noo.
'Pero hindi na tumatanggap ng new students and Medzelle University, lalo ngayong nasa kalagitnaan na ng school year.' Seryosong saad nya.
'Idiot. That's why I'm asking you if you can do something about it.' Saad ko bago agawin ang basong hawak nya at diretsong inumin ang laman nito.
Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang itong tuamawa at pailing iling habang may mapaglarong ngiti na nakapaskil sa kanyang labi, dahilan upang mapairap ako.
'Kakaiba talaga. Ikaw na nga ang nanghihingi ng pabor, ikaw pa ang nagsusungit.' Saad nya habang naiiling na syang inirapan ko sa ikalawang pagkakataon.
Zae's POV
'Pasalamat ka dahil bata pa lang tayo ay mahal na kita.' Bulong ko habang natatawa, dahilan upang kumunot ang kanyang noo.
'Binubulong bulong mo jan?' Taas kilay na tanong ni Ozel.
'Wala naman akong binubulong. Sabi ko, Oo, gagawan ko na ng paraan.' Natatawang saad ko na syang ikinatango naman nya.
'Kayo ang may gawa non, hindi ba?' Tanong ko bago lumagok sa aking kopita na syang ikinakunot muli ng kanyang noo at maya maya ay isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
'How did you know?' Natatawang tanong nya.
'Dahil ako si Zaeron Medzelle, walang kahit na ano ang nakakalampas sakin lalo na pagdating sayo.' Saad ko at kinindatan sya.
'Yeah right, nakalimutan kong chismoso nga pala ang kapatid ni Zion.' Nakaismid na saad nya.
Ilang sandali pa kaming nag-usap tungkol sa mga bagay bagay ng mapagpasyahan nyang umuwi na dahil alas-kwatro na rin ng hapon, at kung hindi ako nagkakamali ay mahaba habang byahe pa bago sya makauwi dahil sa isla sila ni Tito Jaime tumitigil.
Sabay kaming nagtungo sa parking lot ng restaurant ngunit hindi muna ako sumakay sa sasakyan ko. Binuksan ko ang driver seat ng kanyang sasakyan ng makalapit kami sa isang itim na Koenigsegg CCX. Bago pa man sya makasakay ay hinawakan ko ang kanyang pulsuhan upang pigilan sya at agad ko syang niyakap.
'Tatawagan na lang kita bukas kapag naayos ko na. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, papakasalan pa kita.' Saad ko bago sya kintalan ng isang halik malapit sa kanyang labi dahilan upang kurutin nya ako sa aking tagiliran at panlisikan ng mata.
'Sige na mahaba haba pa ang byahe mo.' Saad ko habang natatawa ngunit isang irap lamang ang kanyang naging tugon bago sumakay sa kanyang sasakyan at mabilis itong pinaandar.
BINABASA MO ANG
The Miscrèants: A Crime for Love
ActionHindi sila takot mamatay. Sa katunayan sila pa mismo ang humahabol kay kamatayan, mula pagkabata hinasa na sila upang pumatay. Sa halip na laruang pambabae ang hawak nila ay mga baril, kutsilyo at mga patalim na maaaring magwakas sa isang buhay. Wal...