Third Person's POV
Maaga nagising ang magpinsan para maghanda sa unang araw nila sa pagpasok sa Medzelle University. Maging ang magkapatid na sila Jarèa at Ozel ay maaga ring nagising upang maghanda ng almusal.
Jarèa's POV
'Good morning, Aunt.' Bati ni Ionè mula sa aking likuran.
'Good morning, ang aga mo yata?' Tanong ko ng sulyapan ko ang direction nya at makitang nakaayos na ito.
'Masyadong excited yung isa jan Aunt, akala mo naman nag-aaral talaga.' Nakasimangot na saad ni Ionè dahilan para mapatawa ako.
'Good morning.' Saad ni Ozel na kakapasok lang ng kusina, habang dala ang paper bag na naglalaman ng binili sya sa convenience store.
'Good morning, Nay.' Bati ni Ionè at humalik sa pisngi ng Nanay nya.
'Good morning, maupo ka na at handa na ang almusal.' Saad ko kay Ozel.
Kumunot ang noo ko ng makitang wala pa si Beverly gayong nandito na ang kanyang pinsan. Agad kong binalingan ng tingin si Ionè na ngayon ay sumisimsim sa kanyang kape.
'Ionè, tawagin mo muna ang pinsan mo. Hindi magandang pinaghihintay ang hapag.' Saad ko na agad nya namang sinunod.
Ionè's POV
Agad akong nagtungo sa kwarto ni Beverly upang tawagin na ito, nang makarating ay agad akong kumatok sa pinto. Kumunot ang noo ko ng pagkalipas ng ilang minuto ay hindi nya pa rin binubuksan ang pinto kung kaya't nagpasya na akong pumasok na.
Pagpasok ay nakita ko syang nakaupo sa kama habang may apat na envelope sa kanyang harapan dahilan upang mapataas ang kilay ko.
'Lumabas ka na don kung ayaw mong malate.' Blangko ang mukhang saad ko ng makalapit ako sa kanya dahilan upang itago nya sa kanyang likod ang mga envelope, ngunit hindi nakaligtas sakin ang pagiging tense nya.
'Sige susunod na ko.' Saad nya bago tumayo at ilagay sa drawer ang mga envelope.
'Sumunod ka na agad kung ayaw mong magalit sila Aunt.' Saad ko bago nauna ng bumalik sa hapag.
Jarèa's POV
Agad kaming napatigil sa pag-uusap ni Ozel ng bumalik si Ionè habang kasunod nito si Beverly na nakaayos na rin.
'Maupo na kayo, kami na ang bahalang magligpit ng pinagkainan at baka malate pa kayo.' Saad ko na syang sinunod naman ng dalawa.
Katahimikan ang namayani samin habang kumakain, tanging tunog lamang ng kubyertos ang maririnig sa buong kusina ng biglang magsalita si Ozel.
'Ionè, dumiretso kayo sa Dean's Office, nandun si Zae at sya ang magbibigay ng schedule nyo.' Saad ni Ozel na syang ikinatango naman ng dalawa.
Ilang sandali pa ang lumipas at natapos na rin kaming kumain, agad ng nagtungo sa kani-kanilang kwarto ang magpinsan marahil ay upang kunin ang kanilang gamit.
'Aunt, Nay mauuna na kami.' Saad ni Ionè na ngayon ay dala dala na ang bag nya, lumapit sya samin ni Ozel at humalik sa pisngi namin. Ganun rin ang ginawa ni Beverly bago sila tuluyang umalis.
'Ako na ang magliligpit nyan, ikaw na ang magwalis.' Saad ni Ozel na ayaw na ayaw ang paghawak ng walis dahil mas gusto nya raw hawakan ay ang kanyang katana.
Hindi na ko sumagot at kinuha ko na lang ang walis, agad akong nagtungo sa kwarto ni Ionè upang walisan ito. Mabuti na lamang dahil hindi ito masyadong magulo kung kaya napadali ang aking gawain. Sunod ko namang nilinis ay ang kwarto ni Beverly ngunit agad na kumunot ang aking noo ng makita ang isang envelope na nasa sahig.
Agad kong pinulot ito sa pag-aakalang ito kanyang nakalimutang dalin, akmang ilalagay ko na ito sa drawer ng bumulaga sakin ang tatlo pang envelope. Dahil sa curiosity ay binuksan ko ito ang agad na tumaas ang kilay ko ng makita na litrato ito ng ilan sa kailang mga mission.
Mas lalong tumaas ang kilay ko ng malalag ang isang papel, agad ko itong pinulot at gayon na lamang ang pagdagsa ng galit dahil sa aking nabasa.
Mom I did everything to fail our mission, but Ionè is too smart. She have her own ways on how to accomplish our mission.
- B.M
Agad kong itinago ang apat na envelope bago muling nagpatuloy sa paglilinis, nang matapos ay agad na kaming nagdesisyon ni Ozel na umuwi na sa Isla. Habang nasa sasakyan kami ay hindi ko maalis alis sa aking isip ang nakita ko sa kwarto ni Beverly.
'Anong iniisip mo?' Tanong ni Ozel na kasalukuyang nasa driver seat.
'Naisip ko lang, pano kung may isa pa palang traydor sa pamilya natin? I mean pano kung hindi lang pala si Sylvia?' Tanong ko dahilan upang mapangisi sya.
'Ako na mismo ang papatay sa kanya, mali sya ng pinili nya pang magstay sa pamilya natin.' Nakangising demonyo na saad ni Ozel dahilan upang mapailing ako.
'May ipapagawa ulit ako sayo.' Saad ko dahilan upang mapasulyap sya sakin.
'What is it?' Tanong nya bago iparada sa tagong lugar ang sasakyan.
Agad kaming bumaba at nagtungo sa yateng dalawang metro ang layo mula sa pinaghintuan ng sasakyan namin.
'Gusto kong kuhanin mo ang mga impormasyon bago pa man ampunin ni Eiya si Beverly.' Seryosong saad ko dahilan upang mapataas ang kilay nya.
'And why is that?' Tanong nya, agad kong kinuha ang apat na envelope sa aking bag at iniabot sa kanya na agad nya namang kinuha.
Nang makapasok sa yate ay agad na naupo si Ozel sa sofa at agad nyang binuksan ang mga envelope. Tahimik akong naupo sa kanyang tabi at inaabanggan ang kanyang magiging reaction.
'So all this time, daga na ang pumapasok sa tirahan ng mga pusa?' Nakangising saad nya dahilan upang mapatawa ako.
'Masyadong malakas ang loob ng mga daga na yan pero sisiguraduhin ko na hindi na sila makakalabas ng buhay.' Seryosong saad ko.
'May mga mawawala ngunit may isang magbabalik.' Pagkaraa'y makahulugang saad ni Ozel dahilan upang kumunot ang aking noo.
'May isang magbabalik?' Takang tanong ko dahilan upang mapangisi sya.
'Malalaman mo rin, hindi pa ngayon pero malapit na malapit na. Baka magulat ka na lang kumakatok na sya sa kwarto mo.' Natatawang sagot nya dahilan upang mapataas ang kilay ko.
'Ako ba pinaglololoko mo?' Seryosong tanong ko dahilan upang mapatawa sya.
'Wag mo ng alamin kasi, hindi ba't mas maganda kung hindi mo inaasan ang mga mangyayari?' Mapaglarong saad nya.
'Shut up, Ozel. Mas bagay pa sayo ang tahimik kesa dumadaldal ka nga ngunit kung anu-ano namang kabaliwan ang sinasabi mo.' Nakasimangot na saad ko.
BINABASA MO ANG
The Miscrèants: A Crime for Love
ActionHindi sila takot mamatay. Sa katunayan sila pa mismo ang humahabol kay kamatayan, mula pagkabata hinasa na sila upang pumatay. Sa halip na laruang pambabae ang hawak nila ay mga baril, kutsilyo at mga patalim na maaaring magwakas sa isang buhay. Wal...