Chapter 7.2: First Mission (Karina Condello)

13 1 1
                                    

Third Person's POV

Pagpatak ng alas dose ng gabi ay tatlong babae ang bumaba sa pumaradang Bugatti Chiron Super Sport 300+, maingat at tahimik silang nagtungo sa bahay na kasalukuyang pinalilibutan ng mga lalaking armado, mababatid mong matataas na calibre ng baril ang dala ng bawat isa.

Agad na nagtungo ang bawat isa sa mga lugar kung saan sila nakatoka. Si Ishè na syang nakaasign sa kanang bahagi ng mansion, si Barbara na agad nagtungo sa kaliwang bahagi ng mansion habang si Jarèa naman ay kasalukuyang naglalakad palapit sa gate ng naturang mansion. Hindi ito mababakasan ng takot gayong batid nya ang panganib na maaaring naghihintay sa kanya.


Jarèa's POV

Agad akong umakyat sa gate at tahimik na tumalon pababa. Napangisi ako ng wala akong makita ni isang nagbabantay, mukhang tama nga si Ozel, hindi malalakas makiramdam ang mga bantay dito katulad ng kanilang binabantayan. Hahakbang na sana ako ng maramdaman ko ang isang malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko.

'Sino ka?' Tanong ng isang tinig sa aking likuran.

Agad akong napangisi bago dahan dahang humarap dahilan para mas lalo nyang idikit ang baril sa ulo ko. Mas napangisi ako ng makita ko ang saglit na pagrehistro ng takot sa kanyang mga mata.

'Ako? Ako ang papatay sa amo mo.' Saad ko bago mabilis na kinuha ang isang kutsilyong itinago ko sa likuran ko.

'Mauun---' Hindi ko na sya pinatapos at agad kong itinarak sa leeg nya ang kutsilyong dala ko dahilan para lumabas ang masaganang dugo, agad kong binunot ang kutsilyo at walang pagdadalawang isip na sinaksak sya sa dibdib.

Agad kong hinila ang bangkay papunta sa gilid bago magpatuloy sa paglalakad na para bang walang nangyari. Narinig ko ang putukan sa kanang bahagi ng mansion at alam kong naguumpisa na sila sa pagubos sa mga tauhan ni Karina.

Tahimik akong naglalakad papasok sa mansion, agad akong napangisi ng marinig ang isang tinig hindi kalayuan sa aking pwesto.

'Ilayo nyo na si Miss Condello. Dalin nyo sya kay Mr. Ferrell, kami na ang bahala dito, magmadali!' Rinig kong saad ng isang tinig ng lalaki na may katandaan na, kung hindi ako nagkakamali ay ito ang butler ni Karina.

Napangisi ako dahil sa aking narinig, tahimik at mabilis akong nagtungo sa kanilang pwesto at mas lalo pang lumapad ang ngisi ko ng makita ang lalaking paalis na sana. Agad kong binato ang kutsilyong kanina ko pa hawak, nakita ko ang panlalaki ng mata ng lalaking kausap nya lamang kanina at mas napangisi pa ko ng makitang bumaon sa kanyang ulo ang kutsilyong hawak ko.

'Not so fast, darling.' Nakangisi kong usad bago dahan dahang magpakita sa madilim na parte ng mansion. Kita ko ang gulat sa mga mata ng butler na aking kaharap.

'Hindi ko hahayaang masaktan mo si Miss Condello.' Matapang na saad nya ng makabawi sa pagkagulat at akmang bubunot ng baril sa kanyang tagiliran.

'Yun ay kung mabubuhay ka pa.' Saad ko at walang pagdadawalang isip na kinuha ang baril na nasa aking hita, agad ko syang binaril sa dibdib dahilan ng unti unting pagbagsak nya sa malamig na simento.

'Clear.' Saad ng isang tinig mula sa suot kong earpiece, na kung hindi ako nagkakamali ay si Barbara. Tiningnan ko ang bangkay sa aking harapan bago magpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto ni Karina.

'Me too.' Saad ni Ishè makalipas ang ilang minuto.

'Jarèa, nailalagay ko na ang mga bomba.' Saad ni Barbara makalipas ang ilang minuto.

'Good. Papunta na ko sa kwarto ni Karina.' Saad ko bago lumiko sa pasilyo, napangiti ako ng makita ang kwartong kinalalagyan ni Karina.

Malakas kong sinipa ang pinto dahilan upang mapalingon si Karina na aking direksyon, napangisi ako ng makita ang takot sa kanyang mga mata. Tumigil ako ilang hakbang ang layo mula sa kanya dahilan upang hindi makaligtas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang mga kamay.

'A-anong kailangan mo?!' Sigaw nya ngunit hindi nakaligtas sakin ang panginginig ng kanyang boses.

'Ang buhay mo at buhay ng mga Ortega at Ferrell.' Nakangising saad ko dahilan upang matigilan sya.

'Anong kasalanan namin sayo?' Tanong nya habang pilit na pinatatatag ang boses.

'Marami.' Saad ko at naupo sa kanyang kama at sa muling pagkakataon ay nakita ko ang panginginig nya.

'Malalaman nila to!' Sigaw nya at akmang kukunin ang cellphone na nakapatong sa lamesa ng mabilis kong binaril ang kanyang kamay.

'Not so fast, bitch.' Mapaglarong saad ko bago sya binaril sa dibdib. Kita ko ang panlalaki ng mata nya bago dahan dahang bumagsak sa malamig na sahig.

Nakangisi ko syang tiningnan bago muling binaril sa dibdib, agad akong tumalikod at lumabas ng kwarto ng masiguradong hindi na nga sya humihinga. Nakakailang hakbang pa lang ako ng makita si Ishè at Barbara na tumatakbo papalapit sakin.

'Tara na, five minutes na lang at sasabog na ang mga bombang nilagay ko.' Saad ni Barbara na agad ko namang tinanguan at mabilis kaming tumakbo palabas ng mansion.

Mabilis kaming nagtungo sa sasakyang sinakyan namin kanina, agad akong pumasok sa driver seat at ganon rin ang ginawa ni Ishè at Barbara. Napatingin ako sa wristwatch ko at napangisi ako ng makitang tatlumpong segundo na lang ay mabubura na ang mansion.

'Buti naman at natap---' Hindi na natapos ni Ishè ang kanyang sasabihin dahil sa isang malakas na pagsabog na nanggaling sa aming likuran. 

Napatingin ako sa rearview mirror upang makita ang mansiong pinanggalingan namin na unti unting nilalamon ng apoy.

'Mission Accomplished.' Nakangising usal ni Barbara sa likod na syang ikinalingon ni Ishè sa kanya, kita ko sa gilid ng aking mata ang unti unting pagsilay ng isang ngisi sa labi ni Ishè na syang ikinailing ko habang may mapaglarong ngiti sa aking mga labi.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakarating na kami sa yateng sinakyan naming kanina at tulad ng aking inaasahan ay nandirito na ang grupo nila Ozel.

Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok na sa yate, agad na sumalubong sakin ang ingay na nagmumula speaker na pinapatugtog ni Stephanie. Agad akong naupo sa tabi ni Ozel na kasalukuyang umiinom ng wine habang si Margarita naman ay nagpaparty sa harap dahilan na syang ikinahalakhak ni Stephanie at ikailing namin ni Ozel. Hindi nagtagal ay nakisali na rin si Ishè at Barbara sa kabaliwang ginagawa ni Margarita.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon