Chapter 7.4: First Mission (Bobbie Windsor)

9 1 2
                                    

Third Person's POV

Isang pagsabog ang nagmula sa kakahuyan na hindi kalayuan mula sa bahay ni Bobbie, dahilan upang maalerto ang mga armadong lalaking kasalukuyang nagbabantay sa labas ng mansion.

Lingid sa kanilang kaalaman ay unti unti ng inuubos ng tatlong babae ang iba sa kanila. Ang likurang parte ng mansion na kanina lamang ay may mga lalaking nagsusugal ngayon ay puro katawang tinanggalan na ng ulo ang makikita.


Ramona's POV

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos pugutan ng ulo ang lalaking nakasalubong ko. Agad akong nagtungo sa entrada ng mansion, mas pinagtibay ko p[a ang aking pakiramdam. Napangisi ako ng makita si Sandra na papalapit sakin.

'Let's go. Kailangan nating makabalik bago magalas tres ng umaga.' Saad ni Sandra matapos sulyapan ang kanyang wristwatch.

'Basic.' Napailing na lang ako ng marinig ang boses ni Beverly mula sa earpiece.

'Di man lang ako pinagpawisan.' Segunda naman ni Sylvia na kasalukuyang nasa kanang bahagi ng mansion.

'Papasok na kami ni Sandra, alam nyo ng dalawa ang gagawin nyo.' Saad ko sa dalawa.

'Roger that.' Rinig kong saad ni Beverly dahilan upang mapailing ako dahil sa pagsasalute nito habang naglalakad.

'We got your back.' Saad naman ni Sylvia na sa mga oras na to ay nagkakabit na ng mga bomba.

Sabay kaming pumasok ni Sandra sa bahay ni Bobbie, hindi maipagkakailang maganda at malaki ang bahay na ito ngunit nasisiguro kong mamaya lamang ay mawawala na ito.

Agad naming tinahak ang daan patungo sa kwarto ni Bobbie, tahimik kaming naglalakad ni Sandra na kapwa nakikiramdam sa aming paligid. Napangisi ako ng makita ang kwartong may naiibang kulay na pinto, walang pagdadalawang isip ay sinipa ko iyon.

Agad kong sinalo ang isang dagger na sumalubong sakin at mabilis na ibinato papasok ng kwarto, napansin ko ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Sandra ng makarinig kami ng pagdaing sa loob ng kwarto.

'Di ka pa rin pumapalya, asintado ka pa rin.' Saad ni Sandra.

Hindi ko na sya sinagot at agad ng pumasok sa kwarto, muli ay napangisi ako ng makita ang dagger ba binato ko na bumaon sa tiyan ni Bobbie.

'Anong kailangan nyo?! Sino kayo?!' Sigaw ni Bobbie habang pilit iniinda ang sakit na nararamdaman.

'Kami? Taga mental kami, at nandito kami para sunduin ka.' Saad ni Sandra bago sundan ng isang tawang mapang asar dahilan upang mamula sa galit si Bobbie.

'Fuck you!' Sigaw ni Bobbie habang masamang nakatingin kay Sandra na kasalukuyang nakangisi sa kanya.

'Oh my dear, hindi mo ko mapapatay sa tingin mong yan.' Saad ni Sandra at tinaasan ng kilay si Bobbie.

'Tita Sylvia, iiwan ko dito yung pinakamalakas na bomba.' Rinig kong saad ni Beverly mula sa earpiece.

'For sure bukas may mababalitang baliw na naletchon. ' Sagot naman ni Sylvia dahilan upang matawa kami ni Sandra.

Hindi kami matatapos kung aasarin lang ni Sandra si Bobbie, napatingin ako sa wristwatch ko at agad kong binunot ang baril na nasa bewang ko ng makitang kinse minutos na lang ang meron kami upang patayin si Bobbie.

'Papatayi---' Hindi na natapos ni Bobbie ang kanyang sasabihin ng sunod sunod ko syang binaril sa dibdib.

'KJ naman Ramona, nageenjoy pa kong asarin yang impakta na yan eh.' Nagmamaktol na saad ni Sandra.

'Kinse minutos na lang ang meron tayo upang patayin si Bobbie at bago tuluyan maging abo ang mansion na to.' Seryosong saad ko bago sya talikuran.

Agad ko naman nagrinig ang yabag ni Sandra sa aking likuran, mabibilis ang hakbang na ginawa ko upang makalabas sa mansion bago maubos ang oras na natitira. Pagliko namin sa pasilyo ay agad na bumungad samin si Beverly at Sylvia na parehas hinihingal.

'Limang minuto.' Saad ni Sylvia habang nakatukod ang dalawang kamay sa kanyang tuhod.

Nagkatinginan kaming apat bago sabay sabay na tumakbo palabas ng mansion, agad akong sumakay sa driver seat ng maraming ko ang sasakyan at ganun rin ang ginawa ng tatlo.

Hindi pa man sila nakakapagseatbelt ay pinaandar ko na ang sasakyan, buti na lamang ay Koenigsegg Agera RS ang sasakyan namin.

'Yes! Makakapagpahinga na rin.' Saad ni Beverly mula sa backseat.

'Finally.' Segunda ni Sylvia bago pumikit.

'Mission Accomplished.' Saad ni Sandra na nasa aking gilid.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa mansion ni Bobbie ng sumabog ang bomba, agad akong napangiti ng makita ang mansiong tinutupok ng apoy. Mas binilisan ko pa ang magpapaandar ng sasakyan upang makarating sa dalampasigan bago mag alas tres ng umaga.

Ang isa't kalahating oras na byahe ay naging trenta minutos lang, agad kong ipinarada ang sasakyan sa tabi ng isang Bugatti Chiron Super Sport. Napailing na lang ako ng makita ang tatlong sasakyan na nakaparada, agad kaming bumaba at nagtungo sa yateng aming sinakyan.

Hindi pa man kami lubusang nakakalapit ay rinig na ang ingay na nagmumula sa loob, marahil ay nagkakasiyahan na sila. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa yate.

'Job well done, Ramona. Natapos nyo ang mission nyo bago mag alas tres.' Saad ni Jarèa ng makapasok ako dahilan upang mapatingin sila sakin.

Nagthumbs up naman sakin si Ozel na syang nginitian ko na lang. Agad akong naupo sa bakanteng upuan na katabi ni Jarèa at tamad na tamad na sumandal sa sandalan ng sofa.

'Let's have a toast as a celebration for the success of our first mission here in England.' Saad ni Jarèa at itinaas ang kopitang may lamang red wine.

'Cheers.' Saad namin at sabay sabay na sumimsim ng wine.

'Sa ngayon magpanginga muna kayo, dahil ang susunod na mission ay para kay Beverly at Ionè.' Muling saad ni Jarèa at kininditan ang dalawa.

'Aunt, kasama ko talaga si Beverly?' Nakangiwing saad ni Ionè dahilan upang matawa kami.

'Yes, magkasama kayo but magkaibang tao ang tatrabahuhin nyo.' Saad ni Jarèa at nginitian ang dalawa.

'Ozel.' Saad ni Jarèa at tiningnan ng makahulugan si Ozel na syang tinanguan naman ni Ozel.

'Feeling ko di ako mageenjoy ang mission na to, masama ang kulob ko dito.' Saad ni Beverly ngunit isang ngisi lang ang isinagot ni Ozel dahilan upang mapailing ako.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon