Third Person's POV
Maagang nagising ang magkakapatid, tulad ng nakagawian ay sabay sabay silang kumain sa hapag. Masayang nagkukulitan ang bawat isa ngunit agad silang natigil sa pagkukulitan ng pumasok si Jarèa at Ozel na parehong bihis na bihis.
Jarèa's POV
'Good morning, Tata Jarèa and Tita Ozel.' Bati ni Beverly ng makita kami.
'Good morning, Aunt.' Bati ni Ionè.
'Good morning.' Sabay sabay na saad ng iba pa.
'Good morning.' Saad ko bago naupo sa upuang katapat ni Ramona.
'Good Morning, Nay.' Bati ni Ionè kay Ozel.
'Morning, Princess.' Matipid na sagot ni Ozel.
'May lakad kayong dalawa?' Tanong ni Ainè dahilan para mapatingin kami sa kanya.
'Ah yes, isasama namin si Ionè at Beverly para bumili ng gamit.' Saad ko na syang tinanguhan naman nya.
'Now na Tata?' Tanong ni Beverly na tila naeexcite.
'Yes. After kumain mag ayos na kayo ni Ionè.' Saad ko bago nagumpisang kumain.
Muli silang bumalik sa kani kanilang ginagawa bago kami dumating ni Ozel. Habang nakain ay pasimple kong pinagmasdan ang bawat isa sa amin, aakalain mong totoo ang lahat ngunit hindi, dahil may isang traydor.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami, nagpasya kami ni Ozel na sa yate na lang hintayin ang magpinsan na ngayon ay nag-aayos na.
'Wala ka bang napansin kanina?' Tanong ko kay Ozel na ngayon ay nakaupo na sa sofa.
'Wala. Masyado syang kampante na maniniwala ka sa palusot nya.' Saad nito na syang sinangayunan ko.
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Ionè at Beverly, na agad naupo sa bakanteng sofa sa harapan namin.
'Jarèa, mahihirapan ang mga bata kung dito pa sila uuwi.' Saad ni Ozel na syang ikinatango ko.
'Yes, araw araw kakailanganin nilang bumiyahe ng madilim para lang makapasok. What if bumili na lang tayo ng condo na pagsstay-an nila?' Tanong ko kay Ozel na seryosong nakatingin sakin.
'Pwede, pwedeng sa condo sila mamamalagi mula Lunes hanggang Biyernes at kung gusto nilang umuwi sa isla ay Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng hapon.' Saad nya bago tumingin sa dalawang tahimik na nakikinig.
'So papayagan nyo kaming magcondo?' Tanong ni Beverly na pinipigilan ang pagngiti.
'Yes pero magkasama kayo.' Saad ko dahilan para mapangiwi sya, batid kong inaasahan nyang magkaibang condo ang titigilan nila.
'Ano nga ulit mission namin sa Medzelle University Tata?' Tanong ni Beverly.
'Babantayan nyo ang bawat kilos ni Lucille at Gwyneth Mountbatten - Windsor.' Saad ko na syang ikinakunot ng noo ni Ionè.
'Kung hindi ako nagkakamali sila si Euna at Eiya Miscrèant, tama ba ako Nay?' Tanong ni Ionè sa kanyang ina.
'Yes, sila nga. How did you know?' Saad ni Ozel habang nakataas ang kilay.
'Uhm, nakita ko sa laptop mo. I'm sorry, Nay, hindi ko naman po sinasadya.' Nakayukong saad ni Ionè dahilan upang mapangiti si Ozel.
'It's fine. I'll trust you, alam kong safe ang mga files na nakita mo.' Nakangiting saad ni Ozel dahilan upang mapatango't mapangiti si Ionè.
'Now, pagdating natin sa City bibili muna tayo ng condo nyo at pagkatapos ay pupunta na tayo sa Westfield London para bumili ng school supplies at ilang kagamitan na magagamit nyo sa condo.' Mahabang litanya ko na syang tinanguan naman nila.
Makalipas ang halos isang oras na byahe sa karagatan ay narating rin namin ang pampang kung saad may naghihintay saming isang Bugatti Chiron Super Sport 300+. Agad kaming sumakay at nagdrive na si Ozel papunta sa Hollandgreen, isa sa pag-aari ng pamilya nila Zion.
Agad naman kaming nakakuha ng condo unit para sa dalawa, malaki at malawak ang napili ng dalawa. Matapos mabili ang unit na nagustuhan ni Ionè at Beverly ay dumiretso naman kami sa Westfield London para bumili ng kanilang gagamitin para sa kanilang pagpasok bukas at maging ng ilang kakailanganin para sa pamamalagi nila sa condo.
Ngang makarating sa Westfield London ay agad kaming dumiretso sa Heaven's Paper para bilin ang kanilang mga kakailanganin, makalipas ang ilang minuto ay nakita na naming naglalakad papalapit samin ang dalawa.
'Tapos na ba kayo? Ionè iyan lang ang gagamitin mo?' Kunot noong tanong ko ng makita na ang laman ng cart ni Ionè ay isang pad paper, isang binder at tatlong ballpen lang.
'Yes, Aunt. Tsaka na lang ako bibili kapag kailangan na.' Kibit balikat na saad nya.
'Let's go, maggogrocery pa tayo.' Saad ni Ozel bago iabot ang credit card nya sa cashier.
Matapos mabayaran ang kanilang mga pinamili ay agad kaming nagtungo sa Supermarket para bumili ng ilang pangunahing kakailanganin nila sa pang araw-araw.
'Para mabilis, kayo ang kumuha ng mga foods na magiging stocks nyo at kami naman ni Jarèa ang sa iba pang kakailanganin.' Saad ni Ozel na sinangayunan naman ng dalawa.
Agad kaming nagtungo ni Ozel sa mga personal na gamit tulad ng sanitary napkin, sabon, shampoo at iba pa.
'Anong mas mabango? Itong strawberry o itong vanilla scent na shampoo?' Tanong ko kay Ozel ngunit nagkibit balikat lang ito.
'Bilin mo na lang parehas, malay mo mabango naman yang dalawa.' Saad nya bago nagpatuloy sa pamimili ng sabon.
'Alright, kukuha na rin ako ng magagamit natin sa isla.' Saad ko at kumuha ng tig-aapat.
Mabilis kaming natapos kung kaya't nauna na kaming pumila para magbayad, ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na rin si Ionè na may tulak tulak na push cart kasunod ang pinsan nyang si Beverly na may push cart rin ngunit ito'y puno ng mga chocolates at junk foods.
'Iyan lang ang iistock nyo? Really? Mabubusog ba kayo jan?' Kunot noong tanong ni Ozel ng makita ang push cart ni Beverly.
'Ipila nyo na yan kami na ni Ozel ang kukuha.' Saad ko bago higitin si Ozel na salubong na ang kilay.
Mabilis kaming kumuha ng mga frozen goods, can goods at nang ilan pang kailangan sa pagluluto. Kumuha na rin kami ng isang sakong bigas para hindi na sila bibili pa. Nang matapos kong mailagay ang ilang noodles ay napatingin ako kay Ozel na ngayon ay busy sa pamimili ng palaman habang may hawak itong limang balot ng tasty. Hindi ko maiwasang matawa dahil sinisiguro nitong mabubusog ang dalawa.
'Tama na yan, tara na at ipila na natin ito.' Saad ko habang itunuturo ang push cart.
'Tara na.' Saad ni Ozel matapos kumuha ang tatlong klase ng palaman.
Nang matapos ay agad na kaming bumalik, sakto naman ang pagdating naming dahil malapit na silang matapos at hindi nakaligtas sakin ang pagpipigil ng tawa ni Ionè ng makita ang push cart namin ngunit ng makita ni Ozel ang reaction ng anak ay sinamaan nya ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Miscrèants: A Crime for Love
ActionHindi sila takot mamatay. Sa katunayan sila pa mismo ang humahabol kay kamatayan, mula pagkabata hinasa na sila upang pumatay. Sa halip na laruang pambabae ang hawak nila ay mga baril, kutsilyo at mga patalim na maaaring magwakas sa isang buhay. Wal...