Chapter 7.3: First Mission (Valerie Lopez)

5 2 1
                                    

Third Person's POV

Tumigil ang isang itim na Bugatti Veyron Super Sport hindi kalayuan mula sa bahay ni Valerie. Tahimik na bumaba ang apat na babae ngunit ang dalawa dito'y dumiretso sa likurang bahagi ng sasakyan at binuhat ang dalawang box na may kalakihan, iisipin mong may transakyong magaganap mula sa magkabilang panig dahil sa kanilang suot at sa kanilang dala.

Tahimik silang nagtungo sa kagubatan, at kanya kanyang nagtungo sa mga pwestong nakaasign sa kanila tulad ng napagplanuhan. Sa tulong na kanilang kasuotan ay mabilis silang nakapag kubli sa dilim.

'In position, just give me your signal Ainè so I can start to fire the flying bullets.' Saad ng isang babaeng nakadapa sa damuhang bahagi ng kagabuhatan habang nasa harap nya ang isang Blaser 93 Tactical. Agad nyang kinuha ang binocular na inilapag nya sa kanyang gilid matapos iassemble ang baril sa kanyang harapan kani kanina lang.


Ainè's POV

'Now, Olivia.' Saad ko bago nagkubli sa punong kanina ko pa sinasandalan.

Hindi nagtagal ay umulan na ng bala sa buong paligid, mula sa pinagtataguan ko ay kita ko ang ngising namumutawi sa labi ni Olivia habang nakadapa sa madilim na bahagi ng kagutan.

'Easy.' Saad ni Ionè na nasa kaliwang bahagi ng mansion. Napangisi na lang ako dahil sa kanyang tinuran.

'Same here.' Saad naman ni Orio na nasa kanang bahagi naman ng mansion.

'Papasok na ko sa bahay, Orio alam mo na ang gagawin mo. Ionè at Olivia, sumunod kayo sakin.' Saad ko bago pumasok sa mansion.

Tulad ng inaasahan ko hindi pa nauubos ang mga bantay ni Valerie, napangisi ako ng may bumaril sa direksyon ko. Agad akong nagtago sa pader at mabilis na binaril ang tatlong lalaking nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko. Agad akong napangiti ng magkakasunod silang bumagsak sa marmol na sahig.

'Aunt Ainè ako ng bahala dito, puntahan mo na sya, isusunod ko ang isa pa.' Nakangising saad ni Ionè dahilan upang mapangisi't mapailing ako.

'Maglalaro muna kami.' Nakangising saad ni Ionè bago ko sya talikuran upang tahakin ang daan patungo sa kwarto ni Valerie.

Agad kong tiningnan ang relong binigay ni Ozel kanina at hindi ko maiwasang mapangisi ng makitang tama ang tinatahak kong pasilyo. Sisiguraduhin kong hindi matatapos ang gabing ito ng hindi sya naghihirap.

'What the hell Ionè?! Pwede mo namang pugutan ng ulo yang mga yan, hindi mo na kailangan datiin sa dalawa.' Napailing na lang ako ng marinig ang boses ni Olivia sa earpiece, paniguradong nandidiri na to sa nakikita.

'What the fuck?! Bat puro lamang loob?' Dinig kong saad ni Orio makalipas ang ilang minuto, marahil ay tapos na sya sa pagkakabit ng mga bomba.

Binuksan ko ang pindo at hindi ko maiwasang mapangiti ng tumambad sakin ang mahimbing na natutulog na si Valerie. Batid kong soundproof ang kwarto nya dahil hindi man lang sya nagising sa ingay kanina mula sa mga baril.

Binaril ko sya sa binti dahilan upang magising sya, agad na rumehistro ang pagkagulat at takot sa kanyang mga mata ng makita nya ko. Agad syang napaupo at napahawak sa kanyang binti.

'Anong ginagawa mo dito?!' Sigaw nya ng makabawi sa pagkagulat.

'Nandito ako para patayin ka.' Nakangisi kong saad.

'Hayop ka!' Sigaw nya habang nakatingin ng masama sakin.

'Don't worry magkikita rin kayo, batid kong sa mga oras na to ay patay na rin sila.' Mapaglarong saad ko matapos mapatingin sa aking wristwatch. Napansin ko ang magkunot ng kanyang noo, marahil ay naguguluhan sya sa aking sinabi.

'Hindi bat kaibigan mo si Yana Valdez, Karina Condello at Bobbie Windsor?' Mapaglarong saad ko habang pinapaikot ang baril sa aking daliri.

'Hayop ka! Papatayi----' Saad nya at akmang tatayo ng muli ko syang binaril sa binti dahilan upang mapaupo sya sa sahig.

'As if you can, bitch.' Saad ko bago sya ngisian.

Akmang magsasalita pa sya ng biglang pumasok si Ionè at Olivia habang dala ang dalawang box na naglalaman ng mga ahas habang kasunod naman nila si Orio.

'Sana magustuhan mo ang supresa ko bago ka mamaalam.' Mapaglarong saad ko bago senyasan si Ionè at Olivia na ilagay na sa kanya ang mga laman ng kahon.

Agad naman silang sumunod at ng mailabas na ang mga ahas ay nakita ko ang pamumutla ni Valerie at ang butil butil na pawis sa kanyang noo. Mas napangisi pa ko ng ihagis sa kanya ni Orio ang isang python na bumagsak sa kanyang mga hita hindi ko maiwasang mapangisi lalo ng makita ko syang manigas sa kanyang inuupuan habang napapaligiran sya ng mga ahas.

'Kailangan na nating umalis, tatlong minuto na lang ay sasabog na ang mga bombang inilagay ko.' Saad ni Orio habang nakatingin sa kanyang wristwatch.

Agad ko syang tinanguan bago lumabas ng kwarto at sabay sabay kaming tumakbo palabas ng mansion. Hindi ko maiwasang mapangiti ng rumehistro sa isip ko ang itsura ni Valerie kanina.

Agad kaming nagtungo sa sasakyan at mabilis itong pinaandar ni Olivia, at matapos ng ilang segundo ay tatlong magkakasunod na pagsabog ang narinig namin dahilan upang sabay sabay kaming mapalingon sa likod. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita kung paano lamunin ng apoy ang mansion at mas lalo pa kong napangiti ng maalalang nandoon sa loob si Valerie kasama ang mga ahas na dala namin kani kanina lamang.

'Mission Accomplished. Makakapagliwaliw na rin ako.' Saad ni Orio habang nakangiti na syang ikinailing ko.

Alam kong umpisa pa lang ito, marami pang susunod sa apat at sisiguraduhin kong maghihirap ang Reyna ng bansang ito. Sisiguraduhin kong mabubura sila sa bansang England.

'Rest here I come.' Narinig kong bulong ni Olivia na nasa tabi ko bago mas pabilisin ang takbo ng sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa dalampasigan kung saan nandoon ang yateng maghahatid samin sa isla. Hindi ko maiwasang mapailing ng makita ang dalawang sasakyan na nakaparada, batid kong nandito na ang grupo ni Jarèa at Ozel dahil pagdating sa ganitong mission silang dalawa ang akala mo laging nagpapaunahan.

Agad akong pumasok sa yate habang kasunod ang tatlo nang agad na bumungad sakin ang dalawang grupo habang nakaupo sa sofa at may kanya kanyang kopita na naglalaman ng alak.

'How's your mission? For sure may isang naglaro.' Malamig na saad ni Ozel ng makaupo ako sa kanyang tabi bago mapaglarong tinapunan ng tingin ang anak na may hindi maitagong ngiti.

'Nakakadiri. Nagkalat ang mga lamang loob dahil Ionè.' Saad ni Olivia at umaktong pa na parang masusuka dahilan upang matawa kaming lahat.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon