Chapter 3: Last Night

21 2 5
                                    

Beverly's POV

Sabay kaming napasimangot ni Ionè dahil sa naging bilin ni Tita Jarèa bago sya umalis upang sundan sila Tita Ozel, mas talo pa kaming napasimangot ng nagsitayuan ang iba pa naming tita.

'Tawagin mo na lang ako Beverly kapag nakarating na sila, mageempake muna ako.' Saad ni Tita Ishè bago tuluyang lumabas ng dinning area.

'Same here, Beverly. Hindi pa nga pala ako nakakapagempake.' Natatawa namang sagot ni Tita Orio.

'Magpapahinga muna kami.' Sabi ni Tita Stephabie na tinanguan naman namin ni Ionè.

Nang makaalis sila ay sandaling katahimikan ang bumalot saming dalawa ngunit agad rin nawala ng ako ay mangtanong.

'Tingin mo magtatagal tayo sa England?' Tanong ko kay Ionè na kasalukuyang nagsasabon ng mga pinggan.

'Maybe.' Sagot naman nya.

'Ah basta, kung tumagal man tayo dun susulitin ko yun.' Sagot ko habang nagpupunas ng mesa.

'Bahala ka.' Simpleng saad ni Ionè na patuloy lamang sa kanyang ginagawa, agad naman akong lumapit sa kanya upang tumulong.

Pagkatapos maghugas ay agad akong naupo sa sofa upang magpahinga, ipipikit ko pa lamang ang aking mga mata ng makarinig ako ng isang busina. Tamad na tamad man ay pinili kong lumabas upang tingnan kung sino iyon.

Agad ako lumapit kay Tita Ainè upang kunin ang ilan sa dala nito. Saktong paglingon ko sa likod ay nandoon si Ionè at Tita Olivia na agad na lumapit kay Tita Jarèa at Tita Ozel upang tulungan sila.

'Ang dami naman ata ng binili nyo?' Tanong ni Tita Olivia matapos ipatong ang panghuling supot na pinaglalagyan ng alak.

'Babaunin na lang natin yung matitira.' Saad ni Tita Jarèa.

'Tawagin ko po muna sila para sabihin na nandito na kayo.' Saad ko at akmang tatalikod na.

'Wag na, hayaan mo silang makapagpahinga.' Pigil sakin ni Tita Ainè.

'Punta muna ko sa kwarto.' Paalam ni Tita Ozel bago lisanin ang dinning area.

'Beverly iset-up nyo na papanoorin, kami na maghahanda ng popcorn.' Saad ni Tita Jarèa habang inaayos ang mga pinamili nila.

'Tawagin nyo na rin sila pagkatapos nyo.' Dugtong ni Tita Ainè bago tulungan si Tita Jarèa.

Agad kong hinila si Ionè palabas ng dinning area, upang gawin ang iniuutos samin . Hindi naman nakaangal ang huli dahil alam nyang wala rin syang magagawa. Nang matapos kami ay agad naming tinawag ang ibang Tita namin gaya ng iniuutos samin.

'Susunod na raw sila.' Saad ko ng makitang nakaupo na agad si Ionè.

'Sila Nanay pababa na rin.' Sagot naman nya bago pumikit.

'Nakapili na kayo?' Saad ng isang tinig na nagmumulang sa aking likuran na nagpalingon sakin.

'Not yet Aunt.' Tipid na sagot ni Ionè sa tanong ni Tita Stephanie.

'Mamili na kayo.' Saad ni Tita Jarèa matapos ilapag ang bowl na naglalamang ng popcorn sa center table.

'The Prodigy.' Saad ni Ionè na ngayon ay katabi na si Tita Ozel.

'The Curse of La Llorona.' Saad ni Tita Ishè na kakababa lang ng hagdan.

'Child's Play, maganda daw yun.' Saad naman ni Tita Stephanie.

'Barney na lang.' Sabay naming saad ni Tita Marga, rason para sabay sabay silang mapairap.


Ishè's POV

Agad na umikot ang mata ko dahil sa sinabi ni Margarita at Beverly, hindi na ko magtataka kung mapagkamalan mang magnanay ang dalawang to.

'Seriously? Sure ba kayong hindi nahanginan ang utak nyo? For pete's sake ang tanda nyo ng dalawa tapos Barney pa rin?' Naiirita kong saad.

'Cute naman si Barney.' Bulong ni Beverly na narinig ko kung kaya't sinamaan ko sya ng tingin.

'Shut up Beverly. Lahat yan panonoorin natin, except to that fucking Barney.' Malamig na saad ni Ozel na syang sinangayunan namin at ikinatango na lang ni Beverly at Marga.

'Come on, magsiupo na kayo.' Saad ni Jarèa bago maupo sa tabi ni Ozel.

Agad namang pinlay ni Sylvia ang unang movie, tahimik kaming nanonood hanggang sa lumipas ang oras at nakatapos kami ng dalawang palabas. Kung kanina'y tahimik lang kami at tanging bulungan lang kapag nag-uusap ngayon naman ay puro tilian na.

'Patayin nyo na!' Tarantang sigaw ni Sandra na hindi malaman kung magtatakip ba ng mukha o iiyak.

'Sandra ikaw na pumatay, ikaw ang pinakamalapit.' Saad ni Olivia habang nakatakip ng unan ang mukha.

'Sylvia patayin mo, ikaw bumuhay nyan.' Saad naman ni Sandra habang nagtatago sa likod ni Orio.

'Margarita patayin mo na, manonood na tayo ng Barney.' Saad ni Orio habang itinutulak palapit sa TV si Margarita.

'Holy shit!' Sigaw ni Margarita ng pagtulak sa kanya ni Orio ay lumabas ang imahe ni La Llorana.

'Shit!' Sigaw ko ng makita ko ang mukha ni La Llorana.

'Fuck! Ozel patayin mo!' Sigaw ni Jarèa habang nagtatakip ng mukha.

'No way! Hindi ko lalapitan yan!' Sigaw naman ni Ozel na pilit iniiwas ang tingin sa TV.

'Patayin nyo na!' Sigaw ni Ainè habang nakatingala upang maiwasang tumingin sa TV.

'Fuck!' Sigaw ni Stephanie ng itulak sya palapit ni Beverly.

'Ahhhh!' Tili ni Ionè ng sa pangalawang pagkakataon ay lumabas ang imahe ni La Llorana.

'Shit!' Sigaw ni Ramona at biglang binaril ang TV.

Saglit kaming natahimik dahil sa ginawa ni Ramona ngunit agad ring nagtawanan ng mapagtanto namin ang kanyang ginawa. Si Orio at Olivia ay halos malaglag na sa kanilang kinauupuan dahil sa kakatawa ganon si Jarèa.

'Note to self, wag gugulatin o tatakutin si Ramona.' Naiiling ngunit natatawang saad ni Ozel.

'Ayusin nyo yan, tara ng maghanda ng hapunan at magswiswimming pa tayo.' Saad ni Ainè na unang nakabawi dahil sa ginawa ni Ramona.


Third Person's POV

Sama samang nagtungo sa kusina si Jarèa, Ionè, Ozel, Stephanie, Ainè at Ramona upang maghanda ng hapunan. Si Jarèa at Romana ang sa pagluluto habang si Ainè at Ozel naman ay naghahanda ng dessert. Agad naman inayos ni Ionè at Stephanie ang hapagkainan.

Sa kabilang parte naman ay magkatulong na ipinuwesto ni Ishè at Orio ang isang cooler na syang lalagyan mga ng alak habang si Olivia, Sylvia at Sandra ang abala sa paglalabas ng mga alak at ang magtita na si Beverly at Margarita ay ang syang inutusan ni Ishè upang bumili ng yelo sa pinakamalapit na convenient store.

Sumapit ang oras ng hapunan at masaya nilang pinagsasaluhan ang mga pagkain sa hapag. Matapos kumain ay napagpasyahan nilang ubusin ang oras sa paliligo sa swimming pool kahit pasado alas nueve na ng gabi, agad silang nagpalit ng damit pang ligo at tumungo sa likod bahay kung saan naroroon ang swimming pool.

'May matutuluyan na ba tayo ron?' Tanong ni Stephanie matapos uminom sa kanyang kopita.

Dahil sa tanong ni Stephanie ay natigilan ang iba pa nyang mga kasama ng mapagtantong wala pa nga pala silang tutuluyan sa bansang England.

'Meron, hindi naman tayo susugod sa isang gyera ng hindi tayo handa.' Makahulugang turan ni Jarèa bago sumimsim sa kopitang kanyang hawak hawak.

Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Ozel dahil sa itinuran ng kanyang kapatid. Batid nyang hindi napansin ng iba pa na may iba pang mensahe sa sinabi ng kanyang kapatid.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon