Chapter 17: Meeting Them

2 0 0
                                    

Third Person's POV

Usap-usapan ngayon sa Medzelle University ang muling pagpasok ng magkapatid na sila Gwyneth Mountbatten – Windsor at Lucille Mountbatten – Windsor matapos ang pagkamatay ng kanilang pinsan na si Bobby Windsor. Ngunit maging ang pagdating rin ng magpinsang si Beverly at Ionè ay hindi rin pinalagpas ng mga estudyante.

'May new students?' Takang tanong ni Gwyneth sa pinsang si Lucille na ngayon ay nakakunot anSg noo.

'Pamilyar.' Saad ni Lucille dahilan upang kumunot ang noo ni Gwyneth.

'Pamilyar? Ang alin?' Tanong nito dahilan upang ituro ni Lucille ang direksyon na kanyang tinititigan.


Ionè's POV

Tumaas ang kilay ko ng maramdaman na may nakatingin samin, palihim kong inikot ang aking tingin at tama nga ako. Hindi kalayuan sa puno na tinatambayan namin ay naroon ang taong nagmamasid samin, ang magkapatid na Mountbatten – Windsor. Palihim akong napangisi ng mapansin ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata. Agad akong tumayo sa pagkakaupo dahilan upang maagaw ko ang attention ni Beverly.

'San ka pupunta?' Takang tanong nya habang hawak ang cellphone.

'Papasok na. Ayaw mo naman sigurong malate?' Saad ko dahilan upang mapatayo sya.

'Shit! Tara na, five minutes na lang malelate na tayo.' Saad nito at walang pakundangang hinablot ang kanyang bag.

Naiiling na sumunod ako sa kanya, tahimik kaming naglalakad sa hallway na ngayon ay mabibilang na lang ang mga estudyante. Nang makarating sa aming classroom ay agad kaming pumasok at dumiretso sa aming upuan.

Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang magpinsang Mountbatten – Windsor. Ramdam ko ang tinging ipinupukol nila sa aming direksyon ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na rin ang Professor namin para sa unang subject namin para sa araw na ito.


Lucille's POV

Anong ginagawa nila dito? Sila ba ang may kakagawan ng pagkamatay nila Bobby? Iyan ang mga tanong na umiikot sa aking isipan mula pa kanina ng makita namin sila sa hallway. Kung nandito sila, maaaring nandito rin sila Barbara.

'Miss Mountbatten? Are you ok?' Nag-aalalang tanong ng Professor dahilan upang maputol ang aking pag-iisip.

'Yes Ma'am.' Saad ko at binigyan ito ng isang tipid na ngiti.

Muling bumalik sa pagtuturo ang guro na parang walang nangyari, agad akong napatingin sa aking gilid ng kalabitin ako ni Gwyneth.

'What?' Pabulong kong tanong sa kanya.

'Anong iniisip mo? Natutulala ka na lang bigla.' Taas kilay na tanong nito.

'Wala, may naalala lang ako.' Saad ko dahilan upang tumango sya ngunit kita pa rin sa kanyang mata ang pagdududa.

Mabilis na natapos ang klase, pinili kong magpahuli at sakto namang hindi pa nakakaalis ang magpinsang si Beverly at Ionè. Agad akong lumapit sa kanila dahilan para mapahinto sila sa pag-aayos ng kanilang gamit.

'Kayo ang may gawa non, hindi ba?' Diretsong saad ko dahilan para mapatayo ng tuwid si Ionè.

'May gawa ng ano?' Takang saad ni Beverly dahilan upang tumaas ang kilay ko.

'Ang pagpatay kay Bobby at sa mga kaibigan nya.' Diretsong saad ko.


Ionè's POV

Hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi ni Lucille dahilan upang kumunot ang kanyang noo. Matalino sya, hindi ko inaasang maghihinala sya sa amin.

'Huwag kang magbibintang kung wala kang sapat na ebidensya. Tandaan mo, hindi lang kami ang may galit sa pamilya nyo.' Mapaglarong saad ko bago sya ngisian dahilan upang mapatigil sya.

Agad kong dinampot ang bag ko at iniwan sila doon, ramdam ko ang pagsunod ni Beverly mula saking likod. Mas kailangan naming mag-ingat sa bawat kilos na aming gagawin lalo na ngayong naghihinala na sya. Mabibilis ang hakbang na tinungo ko ang aming sasakyan at agad na pumasok sa driver seat, ganon rin ang ginawa ni Beverly.

Mabilis akong nagmaneho ngunit ilang sandali pa lang ang lumilipas ay napansin ko ang pagsunod ng isang itim na sasakyan samin. Napangisi ng masiguro kong kami nga ang sinusundan nito.

'Anong nginingisi ngisi mo?' Takang tanong ni Beverly na kasalukuyang nasa passenger seat.

'Nothing.' Maikling saad ko at mas pinabilis pa ang takbo ng sasakyan dahilan upang mapasigaw sa gulat si Beverly.

'Holy shit! Slow down, Ionè!' Sigaw ni Beverly na ngayon ay nakakapit na sa seatbelt.

'No. Edi nasundan tayo kung babagalan ko.' Saad ko bago tumingin sa rearview mirror.

Nang makitang malayo layo na ang distansya at agad kong ibinalik ang aking tingin sa daan at lumiko sa shortcut, nang masigurong nailigaw ko na ay muli kong binagtas ang daan patungo sa highway. Agad na napabaling ang tingin ko Beverly ng magpakawala ito ng isang buntong hininga.

'Thank's God at buhay pa ko. Mas mauuna pa ata akong mamatay sa kaba kesa sa tama ng bala.' Saad nito ng nakasimangot dahilan upang mapatawa ako.

Makalipas ang ilang sandali ay narating na rin namin ang condo, agad kaming pumasok sa loob. Nang makapasok ay dumiretso agad ako sa aking kwarto upang magpahinga, masyadong nakakadrain ang araw na ito.

Pabalya akong nahiga sa aking kama, akmang pipikit na ako ng tumunog ang aking cellphone. Kunot noong kinuha ko ito ngunit ng makitang si Nanay ang natawag ay agad ko itong sinagot.

'Nay?' Saad ko at muling nahiga sa aking kama.

'Kamusta?' Tanong nya mula sa kabilang linya dahilan upang mapabuntong hininga ako.

'Naghihinala na si Lucille Nay, pero nalusutan naman and kanina, habang pauwi na kami ay may sumusunod samin.' Saad ko dahilan upang matahimik sa kabilang linya.

Agad na kumunot ang aking noong wala akong marinig na kahit anong ingay mula sa kabilang linya, tiningnan ko ang screen ng aking cellphone ngunit on going pa rin ang tawag.

'Nay?' Saad ko at ilang minuto pa ang lumipas bago muling nagsalita si Nanay.

'Mag-iingat kayo. Mag-iingat ka, anak.' Makahulugang saad ni Nanay dahilan upang kumunot ang aking noo, akmang magtatanong pa ako ngunit agad nya ng ibinaba ang tawag.

Naguguluhan man ay pinili ko na lang na manahimik. Ipinatong ko ang aking cellphone sa bed side table at muling humiga sa aking kama, at hinayaan ang sariling lamumin ng antok dala na rin ng pagod sa mga nangyari sa araw na ito.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon