Third Person's POV
Agad na bumyahe patungo sa islang pag aari ng yumaong si Jaime Miscrèant ang grupo nila Jarèa. Hindi pa man sumisikat ang araw ngunit sunod sunod ang humaharurot na sasakyan sa pagdaan sa kahabaan Tower Bridge.
Lihim na napangisi ang isang babae ng mapansin nya ang tatlong sasakyan na tila sasakyan ng mga pulis na sumusunod sa kanila. Agad nyang itinurn on ang earpiece na nagkokonekta sa kanya sa sasakyan ng kanyang mga kasama.
'Looks like hindi pa man tayo nagtatagal dito mapapasubo na agad tayo.' Saad ni Stephanie na napangisi matapos balingan ang side mirror ng kanyang sasakyan.
'Atleast hindi boring ang pagkakatapak natin sa London.' Naeexcite na saad ni Margarita
Stephanie's POV
Agad akong napangisi ng makita kong hindi nalalayo ang agwat ng mga pulis sa sasakyan namin ni Sandra at mas lalo pa kong napangisi ng marinig ko ang sinabi ni Margarita.
'Ioopen ko GSP ko, sundan nyo na lang ako.' Biglang saad ni Jarèa bago mas pabilisin ang takbo ng kanyang sasakyan.
'Lets get it on dickheads.' Narinig kong saad ni Ozel sa kabilang linya bago pabilisin ang sasakyan kasunod ni Jarèa.
'Tingnan mo tong dalawang to, mang-iwan daw ba? Hello, Nay may anak ka dito.' Saad ni Ionè dahilan upang magtawanan kami.
Napailing na lang ako sa mga kabaliwan nila, nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago muling sumilyap sa side mirror, nang makita kong halos dalawang dipa na lang ang layo nila sa sasakyan ako ay agad kong binilisan ang pagpapatakbo ko.
Orio's POV
Napailing ako ng makita kong lumagpas sakin ang sasakyan ni Ozel, napiguradong sila na naman ni Jarèa ang mauunang dumating dahil sila lang naman ang hindi nageenjoy kapag nasa ganitong sitwasyon kami.
'Uso iwanan ngayon.' Narinig kong saad ni Olivia.
'Tama na yan. Alam nyong ayaw ni Jarèa ng pinaghihintay sya.' Saad ni Ainè bago lampasan ang sasakyan ni Ishè at Ionè.
Napailing na lang ako dahil tama sya, ayaw ni Jarèa na pinaghihintay sya. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng aking sasakyan at ganon rin ang ginawa ng iba pang naiwan. Hindi kalayuan ay natanaw ko ang sasakyan ni Jarèa, Ozel at Stephanie na nakatigil malapit sa pampang. Agad ko namang itinigil ang aking sasakyan at ganun rin ang ginawa nila Ishè.
'Mula dito ay sasakay tayo sa yate.' Saad ni Jarèa at tumingin sa yateng hindi kalayuan sa amin.
'Pano ang mga sasakyan?' Takang tanong ni Sylvia.
'May kukuha dito at maghahatid ng mga sasakyan doon.'Simpleng sagot naman ni Ozel.
Sandra's POV
Napatango na lang ako dahil sa sinabi ni Ozel, iba talaga si Tito Jaime. Masyado syang magaling sa pagpapatakbo ng business maging sa organisasyong nabibilang sa Dark Society kaya hindi na nakakapagtaka na maging ang mga anak nya ay ganun rin.
'Tara na, may pag uusapan pa tayo.' Muling saad ni Jarèa bago lumakad patungo sa yate na agad naman naming sinundan.
'Susunod ako, may kukunin lang ako sa sasakyan.' Saad ni Ozel bago muling tinahak ang daan patungo sa kanyang sasakyan.
'Nagugutom na ko.' Bulong ko sa katabi kong si Ionè.
'Tita kung hindi mo na matiis pwede kang manghuli muna ng isda, tutal nasa dagat naman na tayo.' Nakangisi nyang saad dahilan para mapasimangot ako.
Ionè's POV
Napangiwi ako ng makita kong sambakol ang mukha ni Tita Sandra pero agad rin akong napangisi ng lumitaw sa balintataw ako ang imahe ng isang Janitor Fish.
'Tita wag kang sisimangot, nagmumukha kang Janitor Fish.' Natatawa kong sabi dahilan para samaan nya ko ng tingin.
'Para kang Nanay mo minsan, sarap nyong ibaon ng una ulo.' Pikong sagot naman ni Tita Sandra.
'May sinasabi ka Sandra?' Saad ni Nanay na kasunod na pala ni Tita Sandra habang dala ang Laptop at isang backpack.
Napatawa ako ng makita kong tila natuklaw ng ahas si Tita Sandra. Literal na nanigas at nanlalaki ang kanyang mga mata.
'Huh? Wala naman akong sinasabi ah?' Namamawis na sagot ni Tita Sandra.
'Tss.' Tanging naiusal ni Nanay bago naunang maglakad.
'Baka gusto nyong dalian?' Saad ni Tita Ishè bago kami tingnan ng matalim dahilan upang bilisan namin ni Tita Sandra ang paglalakad.
Ozel's POV
Pagkapasok ko sa yate ay agad na sumalubong sakin ang tahimik at seryosong atmospera, nagtataka ko silang tiningnan dahil bago ito sa akin.
'Ozel.' Seryoso at makahulugang saad ni Jarèa na agad ko namang tinanguan.
'Magsiupo na kayo.' Saad ni Ishè sa bagong pasok na si Ionè at Sandra na tila nararamdaman ang tensyon.
Agad akong naupo sa katabing upuan ni Jarèa at binuksan ang laptop na dala-dala ko. Tumikhim muna ko upang kunin ang kanilang atensyon.
'Si Domenic Mountbatten - Windsor at Thaddeus Mountbatten - Windsor ay magkapatid. Pinsan ng magkapatid na Mountbatten - Windsor ang magkakapatid na Ferrell na sina Archer, Zacharias at Parker habang stepbrother naman nila Archer si Theodore Sandoval. Ang pamilyang Mountbatten - Windsor ang kasalukuhang humahawak ng Trono o ang nagsisilbing Royal Family dito sa England.' Panimula at mahaba kong saad dahilan upang mabakas ang pagkagulat sa mga mukha nila.
'Mountbatten - Windsor? Hindi ba't Ex nyo yun?' Nagtatakang tanong si Sylvia.
'Oo. At sila rin ang pumatay sa mga magulang natin, si Kade Mountbatten - Windsor ang nagutos na patayin sila. Or should I say Queen Kaderina Mountbatten - Windsor na syang kasalukuyang Reyna ng bansang to.' Malamig at seryoso kong saad habang isa isang inoobserbahan ang mga reaction nila.
Mababakas sa mukha nila ang halo-halong emosyon. Akmang magsasalita si Orio pero agad ko syang tiningnan ng malamig na tingin dahilan upang mapatigil sya.
'Si Yana Valdez, Bobbie Windsor naman ay magpinsan habang malapit na kaibigan naman ng pamilya nila ang mga magulang nina Valerie Lopez at Karina Condello at mag kababata silang apat. Si Yana ang kasalukuyang kasintahan ni Domenic habang si Thaddeus naman at Valerie ay nakatakdang ikasal sa susunod na taon. Si Parker at Bobbie naman ay nakatakda na ring ikasal ilang araw mula ngayon habang si Karina at Archer ay masalukuyan ring magkasintahan.' Mahabang litanya ko at isa-isang tiningnan sila Ainè, Jarèa, Orio.
Si Orio na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon at seryosong nakatitig sakin, habang si Ainè ay parang balewala lang at si Jarèa naman ay nakangisi.
'I know it. So tama nga ang balitang nakita ko.' Nakangising saad nya upang mapatingin sa direksyon nya ang lahat.
'Anong balita ang sinasabi mo?' Takang tanong ni Stephanie.
'Tungkol sa nalalapit na kasal ni Parker at Bobbie.' Nakangising saad ni Jarèa dahilan upang mapataas ang kilay ko.
'Alam mo na pala tapos pinahanap mo pa sakin?' Nakataas ang kilay kong tanong.
'Nga pala, susunod satin si Barbara. Bukas ng umaga ay nandito na sya.' Saad ni Jarèa na halatang umiiwas sa tanong ko.
'Natapos nya ba ang pinapagawa mo?' Tanong ko kay Jarèa patungkol sa missiong ipinagawa nya kay Barbara.
'Yes, dala nya na bukas ang iba pa nating kakailanganin.' Tipid na sagot nya bago tumayo.
'Pagpahinga na kayo. Bukas ng gabi ay may uumpisa na tayo sa tunay nating pakay dito.' Muling saad nya bago kami talikuran.
BINABASA MO ANG
The Miscrèants: A Crime for Love
ActionHindi sila takot mamatay. Sa katunayan sila pa mismo ang humahabol kay kamatayan, mula pagkabata hinasa na sila upang pumatay. Sa halip na laruang pambabae ang hawak nila ay mga baril, kutsilyo at mga patalim na maaaring magwakas sa isang buhay. Wal...