Third Person's POV
Matapos mabili ang mga kakailanganin ay nagpasya na silang umuwi, ngunit si Jarèa at Ozel ay nagpasyang ihatid na lamang ang magpinsan upang mas maagang makabalik sa islang kanilang tinutuluyan.
'Babalik kami mamaya dala ang ilang gamit nyong nandon.' Saad ni Jarèa na kasalukuyang nasa driver seat.
'Sasama na lang kami Aunt, may mga babies pa akong dapat kunin.' Saad ni Ionè patungkol sa kanyang mga armas.
Jarèa's POV
'Kami na ang bahala, ayusin nyo na ang condo nyo. Marami pa kayong dapat gawin dito, don't worry pagbalik namin dala na namin ang mga weapons nyo.' Saad ni Ozel dahilan upang mapatango si Ionè.
'Sige na, mauuna na kami.' Paalam ko bago paandarin ang sasakyan.
Ang isang oras na byahe ay naging trenta minutos lang, hindi naman traffic kaya mabilis kaming nakarating na yateng sinasakyan namin, nang makapasok ay agad na dumiretso ako sa sofa at tamad na tamad na sumandal habang si Ozel naman ay nahiga sa katapat kong sofa.
'Ako na ang bahalang mag-ayos ng mga gamit ni Ionè, ikaw na kay Beverly. May dalawang malaking box rin sa kwarto ko pwedeng paglagyan ng mga weapons nila.' Saad nito bago ipikit ang kanyang mata.
Hindi na ako sumagot at pumikit na lang rin, sandali kaming binalot ng katahimikan ng may maalala ako dahilan upang mapaayos ako ng upo.
'Tingin mo ba magiging ayos lang sila?' Tanong ko dahilan upang mapadilat si Ozel.
'Malalaki na sila. Isa pa, sanay sila sa pakikipaghabulan kay kamatayan. Kumalma ka, mas mukha ka pang nag-aalala kesa sakin eh.' Natatawang saad nya dahilan upang mapangiwi ako.
'Akala mo sya hindi nag-aalala, samantalang kanina halos punuin nya na ng masusustansyang pagkain yung push cart.' Bulong ko dahilan upang tingnan nya ako ng masama.
'Narinig kita.' Saad nya sa malamig na tinig.
'Wala naman akong sinasabi.' Patay malisya kong sagot habang nakatingin sa kanya.
'Tch.' Bulong nya bago ako irapan dahilan upang mapatawa ako.
Ozel's POV
Mabilis kaming nakarating sa isla, agad na kaming bumaba ng yate upang maiayos ang mga gamit nila Ionè at Beverly na dadalin namin. Nang makapasok sa bahay ay bumungad samin si Marga, Orio at Sylvia na nagkukulitan sa salas.
'Nakauwi na pala kayo?' Tanong ni Marga ngunit nilampasan lang namin sila, habang papaakyat ng hagdan ay nakita ko sa mukha nila ang pagtataka sa inakto namin.
Agad akong pumasok sa kwarto ni Ionè at dumiretso agad ako sa kanyang closet. Pinili ko na ang malaking maleta na lang ang lalagyan ko ng kanyang mga damit, mabibilis ang kilos na inempake ko ang kanyang mga damit. Nang matapos mailagay ang lahat ng damit ay isinara ko na ito at inilagay sa isang gilid, muli akong kumuha ng isang maliit maleta upang lagyan ng kanyang gadgets at ilan pang bagay na magagamit nila sa misyon.
Matapos magempake ay agad akong nagtungo sa aking kwarto upang kunin ang isang box na paglalagyan ko ng weapons ni Ionè, akmang bubuksan ko na ang aking kwarto ng tawagin ako ni Jarèa.
'Tapos ka na?' Tanong ko bago buksan ang pinto at pumasok sa loob.
'Yes, weapons na lang ang hindi ko pa nailalagay.' Saad nya habang nakasunod sakin.
BINABASA MO ANG
The Miscrèants: A Crime for Love
ActionHindi sila takot mamatay. Sa katunayan sila pa mismo ang humahabol kay kamatayan, mula pagkabata hinasa na sila upang pumatay. Sa halip na laruang pambabae ang hawak nila ay mga baril, kutsilyo at mga patalim na maaaring magwakas sa isang buhay. Wal...