Chapter 9: Talk

5 0 0
                                    

Third Person's POV

Nagising si Ozel dahil sa tunog ng kanyang cellphone, irita man ay pinili nya pa ring sagutin ang tawag. Hindi maiwasan ng dalagita na mapairap ng makita na ang ng istorbo sa kanyang pagtulog ay isang Unknown caller.

Agad nyang pinindot ang answer button at kunot noong itinapat ang cellphone sa kanyang tenga, inaantok man ngunit nangingibabaw sa kanyang ang inis. Isa sa pinakaayaw nya ay ang ginigising sya ng maaga lalo na kung wala namang mission na dapat paghandaan.


Ozel's POV

'Who the fuck are you?! Alam mo ba kung anong oras pa lang? For fuck's sake, it's fucking four in the morning.' Nanggagalaiting saad ko sa taong nanira ng tulog ko.

'Chill ka lang, it's me.' Agad na kumunot ang noo ko ng maranig ang pamilyar na boses sa kabilang linya.

'Who. The. Hell. Are. You?' Saad ko ng may diin sa aking boses.

'It's Zaeron Medzelle, babe.' Saad ng mapaglarong tinig sa kabilang linya.

'Bullshit, Zae! Hindi ka ba makapaghintay na umaraw at kailangan mo kong gisingin ng ganitong oras?! Fuck! Make sure na importante ang sasabihin mo kundi, hindi ako magdadalawang isip na baunan ka ng katana sa leeg.' Malamig kong saad.

'Easy, Zel. Let's meet at Corrigan's Mayfair at exactly one in the afternoon.' He said with a serious tone.

'Tch. Is that all? Pwede na ba kong matulog ulit?' Nakataas ang kilay na tanong ko.

'Go and sleep tight my, Queen.' He said sweetly before he hang up the call.

'Damn you, Zae.' Bulong ko matapos maibalik sa bedside table ang cellphone ko.


Jarèa's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Agad akong bumangon at nagtungo sa aking banyo upang gawin ang aking morning routine, tulad ng nakagawian ko.

Nang matapos ay agad akong lumabas ng kwarto, tahimik kong binabagtas ang pasilyo patungo sa unang palapag ng mansion. Agad na kumunot ang aking noo ng mapansin na bukas ang opisina ni Dad, walang ibang nakakapasok dito dahil tanging kami lang ni Ozel ang maaring makapasok dito.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto at mas lalong kumunot ang noo ko ng makita si Sylvia sa loob. Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay ng mapansin kong parang may hinahanap sya sa mga drawers.

'What are you doing here?' Seryosong saad ko dahilan upang mabato sya sa kanyang pwesto.

'Uhmm m-may hinahanap lang akong books.' Nauutal na saad nya, base sa itsura nya ay kinakabahan sya. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pawis na namumuo sa kanyang noo.

'Pero hindi ito ang library. Nakapunta ka na sa library ng mansion na to, imposibleng maligaw ka pa.' Nakataas ang kilay na tanong ko.

'Sorry, akala ko library rin to.' Saad nya bago ako lampasan upang mauna ng lumabas.

Nang makaalis si Sylvia ay isinara ko ang pinto bago lumapit sa office table ni Dad. Napangisi ako ng makita ang isang chip na halatang inilagay bigla, agad ko itong kinuha at inapakan. 

Matapos maalis ang mga chips na inilagay ni Sylvia ay agad akong lumabas na parang walang nangyari. Nagtungo ako sa kusina ng naramdaman ang pagkalam ng aking sikmura.


Ainè's POV

Kumunot ang noo ko ng makita kong pumasok sa kusina si Jarèa. Agad akong napatingin sa wallclock na nakasabit sa entrada ng kusina.

'San ka galing? It's already 11:30, ngayon ka pa lang kakain? Sa pagkakaalam ko hindi ka tinatanghali ng gising.' Hindi ko maiwasang itanong sa kakaupo lang na si Jarèa.

'Naglakad lakad lang ako sa labas.' Saad ni Jarèa at binalingan ako ng tingin, ngunit halata ko sa kanyang mga mata na salungat sa sinasabi nya ang nangyari.

Napailing na lang ako ng may mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Akmang susubo na ko ng beef steak ng mapatingin ako sa isa pang babaeng kakapasok lang ng kusina at bihis na bihis.

'Good morning, Zel.' Bati ko bago magpatuloy sa pagkain.


Ozel's POV

'Morning.' Bati ko pabalik sa kumakaing si Ainè, tahimik akong naupo sa katapat na upuan ni Jarèa at isinawalang bahala ang tingin ng iba pa.

'Aalis ka?' Basag ni Jarèa sa katahimikan na namumuo sa hapag kainan.

'Yes, tumawag sakin si Zae kaninang alas kwatro ng umaga.' Nanggigigil kong saad.

'Ask him about Medzelle University.' Saad ni Jarèa dahilan upang mapaangat ang tingin ko.

'And Nay, wag mong imurder yung beef steak na ulam.' Saad ni Ionè na nasa aking tabi.

'Gigil na gigil, gustong manakit.' Mapaglarong saad ni Margarita dahilan upang mapatawa ang iba.

Napailing na lang ako dahil sa kabaliwan nya bago muling nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ay agad akong bumalik saking kwarto upang kunin ang pouch at susi ng aking sasakyan, nang makuha ko ang aking gamit ay mabilis akong lumabas ng aking kwarto at nagtungo sa unang palapag ng mansion. Doon ay masaya silang nagkukulitan na nakasanayan na nilang gawin kapag wala kaming mission.

'Aalis na ko, baka gabihin ako.' Saad ko ng makababa ako ng hagdan.

'Take care, Nay.' Saad ni Ionè habang ang mata ay nakatutok sa action movie na kanyang pinapanood.

'Ingat.' Saad ni Jarèa dahilan upang pabaling ang tingin ko sa kanya.

'I will.' Saad ko at akmang lalabas na ko ng mapansin ko ang pagtayo ni Jarèa, agad syang sumunod sakin dahilan upang kumunot ang noo ko.

'Pag-uwi mo dumiretso ka sa kwarto ko. Mag-uusap tayo.' Seryoso ngunit mahinang saad ni Jarèa.

'Why?' Nagtatakang tanong ko ng makalapit na kami sa yate.

'Confidential.' Simpleng sagot nya na agad ko namang naintindihan.

'Alright. I'll go ahead.' Saad ko na syang ikinatango nya, agad akong sumakay sa yate at walang pagdadalawang isip na sumalampak ng upo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata.

Ngunit agad rin akong napadilat ng tumunog ang aking cellphone. Pikit matang sinagot ko ang tawag kahit hindi ko pa man nakikita kung sino ang tumatawag.

'Zel?' Saad ng isang tinig ng lalaki mula sa kabilang linya.

'Zion? Napatawag ka?' Saad ko ng makilala ang kanyang tinig.

'Nagkausap na ba kayo ni Kuya Zae? Hiningi nya sakin ang number mo.' Saad nya sa kabilang linya.

Muling nanumbalik ang inis ko ang maalala ang pagtawag ni Zae kaninang alas-kwatro ng madaling araw.

'Tss. Yes, nagkausap na kami and guess what? Alas-kwatro ng umaga ay tumawag na ang magaling mong kapatid.' Saad ko na hindi maitago ang inis sa aking boses dahilan upang mapatawa sya.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon