Chapter 8: News

7 1 1
                                    

Third Person's POV

Isang yate ang dumaong sa dalampasigan at bumaba ang labing apat na kababaihan, mababatid mo ang antok at pagod sa bawat isa ngunit hindi maiaalis sa kanilang labi ang mga ngiti.

'Let's sleep. Kailangan natin ng energy para mamaya.' Saad ng isang babaeng papikit pikit na ng makaupo sa sofa.


Jarèa's POV

Napailing ako dahil sa inasta ni Ishè ngunit hindi maitatangging tama sya, mas kakailanganin namin ng lakas para mamaya dahil natitiyak ko na puputok ang isang balita na magpapayanig sa mga Mounbatten.

'Una na ko.' Matipid na paalam ni Ozel, as expected sya ang unang aalis.

'Sabay na ko, nay.' Saad ni Ionè at dali daling sumunod kay Ozel na ngayon ay paakyat na ng hagdan.

Naupo ako sa tabi ni Ainè na kasalukuyang nakasandal sa sofa habang nakapikit, hindi man sya magsalita ngunit batid ko ang sayang nararamdaman nya. Ngayon ko naramdaman ang antok at pagod ng dahil sa ginawa namin.

'Magpapahinga na rin ako.' Saad ko bago tumayo at talikuran sila.

'Sabay na tayo.' Saad ni Ainè na syang ikinalingon ko ngunit nginitian nya lang ako.

Sabay kaming naglakad papunta sa mga kwarto namin, binalot kami ng isang napakakumportableng katahimikan.

'Good night, Ainè.' Saad ko bago buksan ang pinto ng kwarto ko.

'Likewise, Ja.' Matipid na saad ni Ainè bago pumasok sa kwartong katapat ng aking silid.

Agad akong naglinis ng katawan at nagpalit ng pantulog, mabilis akong nahiga sa aking kama at hindi nagtagal ay hinigit na akong antok.


Ozel's POV

Isang sigaw ang nagpagising sakin, agad akong nagtakip ng unan sa aking mukha ngunit hindi man lang nabawasan ang lakas ng boses na aking naririnig.

'Fuck!' Bulong ko bago bumangon sa kama.

'Tata! Tata, gising na!' Sigaw ni Beverly mula sa hallway, batid kong kinakalampag nya ang pinto ni Jarèa.

Dumiretso ako banyo upang maghilamos at magsipilyo. Nang matapos ay agad akong nagpalit ng isang kumportableng damit, agad akong lumapit sa study table ko at kinuha ang laptop bago nagpasyang lumabas.

'Tata! Tata breakfast is rea---' Agad na nahinto si Beverly sa pagsigaw ng makita nyang naglalakad ako papalapit sa kanya.

'Good morning Tita Ozel.' Saad nya at nginitian ako. Isang tango lang sa isinagot ko.

Agad akong dumiretso sa kusina at hindi na ko nagulat ng makitang nandito na ang iba, batid kong nagising rin sila sa sigaw ni Beverly. Tahimik akong naupo sa bakanteng upuan na katapat ni Stephanie.

'Nay.' Saad ni Ionè bago ilapag ang isang baso ng kape sa aking harapan.

'Thank you, Princess.' Saad ko at nginitian sya.

'Si Aunt Jarèa, Nay?' Tanong nya ng makaupo sa aking tabi.

'Ginigising pa ni Bev---' Natigil ako sa pagsasalita ng buksan ni Olivia ang TV at bumungad samin ang isang balita.

Royal Massacre On England.

Yana Valdez was the soon to be wife of Prince Domenic Mountbatten, while Valerie Lopez the fiancè of Prince Thaddeus Mountbatten were found dead on their own land. On the other hand, Princess Bobbie Windsor, the cousin of the Mountbatten Princes was also found dead on her own palace. While Karina Condello, the fiancè of Archer Ferrell was also found dead on her own house. Archer Ferrell is a Mafia Royalty who's a family friend of Mountbatten-Windsor Royalties. Four different crime scenes were set on fire that gave the investigators a hard time on finding out the real motive of the death of the Royalties. The fire made the tremendous event more suspicious as the policemen couldn't trace the root of these horrible incidents. It seemed like some skilled arsonist were hired to assassinate the Future Crown Princess of England. The team who are investigating the incidents refused to gave their statements due to the command of the Mountbatten - Windsor Royalties. As of now, all we know is the investigations are still on-going until they find the suspects behind these crimes. Alyssa Perry, BBC News Update, reporting.

'I knew it.' Saad ni Jarèa na kakapasok pa lang sa kusina kasunod si Beverly.

'Success ang first mission natin.' Nakangising saad ni Margarita bago isubo ang ham na nasa tinidor nya.

'Ngumit huwag munang magpakampante, may mga susunod pa.' Saad ni Ramona.

'Let's eat, hindi magandang pinaghihintay ang pagkain.' Saad ni Ainè na sinangayunan naman ng lahat.

Habang nakain ay hindi maitatanging masaya ang bawat isa dahil sa misyong napagtagumpayan namin, balik na ulit sa normal ang bawat isa. May nagkukulitan at napuno na naman ng natawanan ang hapag.

'Ozel, any update?' Saad ni Jarèa na katabi ni Stephanie dahilan para mabaling ang tingin ng iba samin.

'I'm working on it, maybe later sasabihin ko na ang mga nakuha kong impormasyon upang makapaghanda na sila.' Saad ko at sinulyapan si Ionè at Beverly.

'Feeling ko hindi ko magugustuhan to.' Nakangusong saad ni Beverly.

'Don't worry,hindi ka rin naman gusto ng mission.' Mapaglarong saad ni Ionè dahilan upang matawa kami ng makita ang pagbusangot ng mukha ni Beverly.


Third Person's POV

Nang matapos ng umagahan ay napagpasyahan nilang magtigil sa salas at magmovie marathon, ngunit hindi si Ozel. Mas pinili ni Ozel na gawin ang ipinapagawa ni Jarèa kung kaya't mas pinili nyang magpaiwan sa kusina habang nasa harapan ang laptop ang isang baso ng strawberry juice.

Tanging ang pagtitipa lang nya sa keyboard ang maririnig sa kusina, agad syang napangiti ng hindi nagtagal ay nakuha nya ang mga imposmasyong dapat nyang makuha. Agad nyang sinave ang mga nakuhang impormasyon sa isang USB na lagi nyang dala.

Nagtungo sya sa kanyang kwarto upang ibalik ang laptop bago napagpasyahan na makisali sa iba pang nagkakasayahan sa salas. Naupo sya sa katabing upuan ni Ramona na kasalukuyang tutok na tutok sa palabas.

Nang matapos ang palabas ay nagyaya si Jarèa sa library ng mansion. Sabay sabay silang nagtungo sa library ngunit ng makapasok ay agad na lumapit si Ozel sa isang pintong nakatago, nagtataka man ang iba ngunit hindi si Jarèa.

'Tara, may pag uusapan tayo.' Saad ni Jarèa bago nagtungo sa pintong pinasukan ni Ozel.

Bumungad sa kanila ang isang conference room. Isang mahabang lamesa na may mga swivel chair sa magkabilang gilid at sa harap nito ay isang malaking flat screen TV malapit sa tinatayuan ni Ozel na abala sa pagkalikot sa laptop na nakapatong sa lamesa.

Agad silang nagsiupuan at umayos naman ng tayo si Ozel, nabaling ang tingin nya kay Jarèa ng tumukhim ito. Nang mapansing nakuha na ni Jarèa ang atensyon ng kapatid ay agad nya itong tinanguan, sinaksak na ni Ozel ang USB sa laptop at makalipas ang ilang sandali ay lumitaw ang dalawang litrato sa flat screen TV.

'Si Euna at Evie yan, hindi ba?' Gulat na tanong ni Marga.

'Si Lucille Mountbatten o mas kilala nyo bilang Euna Miscrèant, ang batang inampom nila Dad ay isang Prinsesa dito sa England. Ganon rin si Gwyneth Mountbatten o mas kilala natin bilang si Evie Miscrèant na isa ring Prinsesa sa bansang to.' Saad ni Ozel bago inilipat sa susunod.

'Sila ay nag-aaral sa Medzelle University. Kailangan nyong mag-ingat dahil hindi magiging madali ang gagawin nyo Beverly, Ionè' Saad ni Ozel at binalingan ang dalawang magpinsan na tahimik na nakikinig.

'Pwede nila kayong makilala, at kapag nakilala nila kayo nasisiguro kong papalpak kayo sa mission nyo dahil malalaman na ng mga Mountbatten na nandito na tayo.' Muling saad ni Ozel na syang ikinatango ng dalawa.

'So magpapanggap kaming nerd?' Seryosong saad ni Ionè na nakatingin sa kanyang ina.

'Hindi kayo magpapanggap na nerd, pero aarte kayong matured.' Saad ni Jarèa at sinulyapan si Beverly.

Unti unting nanlaki ang mata ni Ionè ng mapagtanto ang sinabi ng kanyang tiyahin, habang si Beverly naman ay halos mapunit na ang labi sa ngiti.

'Don't tell me na gagamit kami ng make ups?' Seryosong tanong ni Ionè na syang tinanguan ni Jarèa.

'Exactly.' Nakangising saad ni Jarèa.

'What the fuck?!' Sigaw ni Ionè.

'Don't worry, hindi nyo naman kailangang magmukhang clown sa sobrang kapal ng make up nyo.' Natatawang litanya ni Ainè.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon