Third Person's POV
Hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin upang maawat ang magkakapatid at magpipinsan, ngunit hindi nagtagal ay umahon si Sylvia at agad na tinungo ang upuan na pinagpatungan nila ng mga tuwalya kani-kanina lang. Nang mahagip ng kanyang mata ang oras sa kanyang cellphone ay agad syang lumapit sa iba pa.
'Guys 12:30 na.' Saad nya ng sya'y nahagyang makalapit sa swimming pool.
'Tara na, mag aayos pa tayo.' Saad ni Ramona at na nauna ng umahon.
'Mabuti pa nga at kanina pa ko nilalamig.' Segunda naman ni Orio na syang sinangayunan ng iba.
Agad namang nagsunuran ang iba at agad na tinungo ang kanilang sariling kwarto. Tanging ang magkapatid na Jarèa at Ozel na lamang ang nahuhuli, agad na pinigilan ni Jarèa ang kapatid ng makitang aakyat na ito.
'Ozel.' Tawag ni Jarèa na syang ikinatigil ni Ozel at dahilan upang lumingon ito sa kanya.
'I want you to get some informations about these certain persons named Yana Valdez, Bobbie Windsor, Valerie Lopez and Karina Condello.' Seryosong saad si Jarèa.
'Yun lang ba? Isasabay ko na lang sa unang pinapatrabaho mo.' Seryoso ring saad ni Ozel na syang tinanguan na lamang ni Jarèa.
Agad nagtungo sa kanya-kanyang silid ang magkapatid upang makapaghanda na, hindi nagtagal ay halos magkakasunod rin silang natapos at sabay sabay nagtungo sa rooftop ng mansion kung saan nandoon ang eroplanong magdadala sa kanila sa bansang England.
Margarita's POV
Mangha akong nakatitig sa eroplanong kaharap ko, sinong magaakala na ang isang mansion ay merong ganito? Ngunit hindi naman na iyon nakakapagtaka dahil sadyang mayaman naman si Tito Jaime at Tita Alessana.
'Tatayo ka na lang ba jan?' Masungit na saad ni Ishè na kasalukuyang malapit na sa hagdan ng eroplano.
Agad akong natauhan dahil sa kanyang sinabi, masyado na pala akong humanga kung kaya't hindi ko napansing lahat sila ay nakapasok na at tanging ako na lamang ang naiiwan, agad akong sumunod habang hila ang dalawang maleta na syang dadalin ko.
'Akala ko wala ka ng planong pumasok at tutunganga ka na lang don.' Saad ni Ramona ng makita akong papunta sa sa direksyon nila.
'Masyado atang naamaze dahil wala sa bundok nito.' Nakangisi at mapang asar na turan ni Orio dahilan para samaan ko sya ng tingin.
'Masama na bang iappreciate ang mga bagay bagay?' Pikon kong saad bago tumabi kay Ozel na hindi pa nag iinit ang pang-upo sa upuan ay abala na agad sa kanyang laptop.
'Yana Valdez. Sino yan?' Tanong ko matapos kong makita ang screen ng laptop.
'Isang taong mamaalam na.' Malamig nyang sagot habang patuloy pa rin sa pagtitipa sa keyboard dahilan para manindig ang balahibo ko.
'Lipat muna ko.' Saad ko at agad na lumipat sa tabi ni Sylvia na kasalukuyang busy sa pagbabasa.
Sylvia's POV
Napatigil ako sa pagbabasa ng maramdam kong may tumabi sakin, agad ko itong tiningnan ngunit agad ko ring ibinalik ang aking tingin sa librong kasalukuyang binabasa ko.
'Sa tingin mo gaano katagal ang byahe?' Tanong nya dahilan upang mapatigil na naman ako.
'One hour and fifty minutes.' Saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa aking binabasa.
'Matutulog muna ko, gisingin mo na lang ako kapag nandon na tayo.' Saad nya bago pumwesto ng kumportable at pumikit.
Muli akong nagbatuloy sa pagbabasa at hindi na binigyang pansin pang muli ang paligid.
Olivia's POV
Nilibot ko ang aking paningin upang tingnan ang mga kasama ko, si Margarita ay natutulog habang katabi naman nito si Sylvia na busy sa pagbabasa. Tumingin naman ako sa kaliwa ko at doon ay nakita ko si Jarèa na busy sa pagbabasa ng hawak nyang folder habang katabi si Ramona na busy sa pagkain ng Ice cream na hindi ko alam kung saan nya nakuha at si Ainè naman na nasa harap nila na busy sa pakikipaglaro sa alaga nitong tuta.
Napatingin naman ako sa kanan ko upang makita si Ozel na busy sa kanyang laptop at sa hindi kalayuan sa kanya at si Ionè at Beverly na kasalukuyang nagaasaran. Agad akong napatingin sa likod ko ng may marinig akong nagtatalo, si Sandra at Orio na nag aagawan sa isang box ng pizza habang si Ishè at Stephanie naman ay busy sa pagkain ng fries. Napailing na lamang ako at lihim na napabuntong hinga.
Third Person's POV
Hindi nagtagal ay napagdesisyonang nilang umidlip maliban kay Ozel na tutok pa rin sa Laptop upang mangalap ng impormasyong kailangan nila na makakatulong sa kanila. Agad syang napangiti ng makuha nya ang impormasyon para sa huling taong kailangan nyang itrack. Kasunod nito ay ang pagpop up sa screen ng laptop ang mga salitang Access Granted na nangangahulugang natukoy nya na kung nasaan ang mga ito, agad syang napangisi ng makita na nasa magkakaibang lugar ang mga ito.
'Lincoln, Birmingham, Manchester at London? Kahit saang lugar pa kayo magtago, mahahanap at mananahap ko sayo.' Nakangisi nyang bulong sa sarili.
Agad nyang gisingin ang mga kasama upang magsiayos na matapos nyang marinig ang sinabi ng Piloto na malapit na sila sa bansang England. Matapos gisingin ang makasama ay agad rin syang bumalik sa kanyang upuan.
'Ladies, as we start our descent, please make sure your seat backs. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you.' Saad ni Zion na syang kaibigan nila na kasalukuyang Piloto ng eroplano.
Mababatid ang excitement sa mata ng bawat isa, excitement para sa mga maaring mangyaring ngayong nasa iisang bansa na lamang sila ng mga taong may kasalanan sa kanilang pamilya. Pagkaraan ng ilang minuto'y mula nilang nirinig ang tinig ng Piloto.
'Ladies, we have just been cleared to land at the All London Airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened.' Saad muli ni Zion.
Isang makahulugang tingin ang ibigay ni Jarèa kay Ozel na sya namang naunawaan nito. Agad nya itong tinanguan at ngitian ng makahuluguan at agad namang nakuha ni Jarèa ang nais sabihin ng kapatid.
'Ladies, welcome to All London Airport. Local time is Two-fifty in the midnight and the temperature is Twenty-three degrees celsius. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.' Muling wika ni Zion.
Kinse minuto pa ang nakalipas bago nila napagpasyahang lumabas ng eroplano ngunit isang tinig ang pumigil sa kanila. Agad nilang binalingan ang taong pumigil sa kanila at nginitian ito.
'Ladies, mag iingat kayo.' Saad ng lalaki bago isa-isang yakapin ang mga babae na sinuklian naman nila ng isang yakap kasabay ng pagtapik sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
The Miscrèants: A Crime for Love
AcciónHindi sila takot mamatay. Sa katunayan sila pa mismo ang humahabol kay kamatayan, mula pagkabata hinasa na sila upang pumatay. Sa halip na laruang pambabae ang hawak nila ay mga baril, kutsilyo at mga patalim na maaaring magwakas sa isang buhay. Wal...