Chapter 7.1: First Mission (Yana Valdez)

24 3 1
                                    

Third Person's POV

Nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay ulit silang naghapunan ngunit iba ngayon, ang bawat isa ay seryoso at kung hindi mo sila kilala ay magdadalawang isip kang lapitan sila dahil sa awrang kanilang ipinapakita.

Kung dati si Ozel na ang may pinakamalamig na tingin, nagyon ay halos dumoble ang kalamigang pinapakita nito maging ang magtita na si Beverly at Marga ay hindi na rin mababakasan ng mapaglarong awra.

'Maghanda na kayo. May isang oras kayo para ihanda ang sarili at ang mga kailangan nyo, mas maaga tayong aalis kesa sa oras na napag-usapan.' Saad ni Jarèa.

Agad na kumilos ang lahat, hindi nagtagal ay naihanda na nila ang mga dapat ihanda. Puro itim lamang ang makikitang suot nila, mga kasuotang madaling ikubli sa dilim.


Jarèa's POV

'Handa na ba ang lahat?' Tanong ko matapos magsuksok ng sampung pocket knife sa boots ko.

'Yeah.' Napatingin ako kay Ozel na nagsusoot ng black leather jacket habang pababa ng hagdan.

'Let's go.' Saad ko matapos ilagay sa gun holster na nasa magkabilang hita ko ang dalawang baril at ilang magazine.

Agad akong lumubas at sumakay sa yateng naghihintay samin ng hindi nag-abalang hintayin sila dahil alam akong susunod sila dahil ang mga ganitong klase ng mission o gawain ang gusto nila.


Stephanie's POV

Agad kaming sumunod kay Jarèa at agad na sumakay sa yateng magdadala samin sa syudad. Nang makapasok ay agad kaming umupo sa sofa samantalang si Marga ay dumiretso sa kusina upang kumuha ng maiinom.

'Here.' Saad ni Marga at inilapag sa center table ang labing apat na beer in can.

'Sikapin nyong tapusin ang mga mission nyo bago mag-umaga.' Saad ni Jarèa.

'What the? Seryoso ka? Remind lang kita Jarèa, hindi malapit ang mga lugar na pupuntahan natin maliban sa grupo ni Ozel.' Saad ni Orio.

'Don't worry, isa sa pinakamabibilis na sasakyan dito sa London ang gagamitin nating lahat so we can make it bago pa man mag-umaga.' Kampanteng sagot naman ni Ainè at tinungga ang beer na hawak nya.

'Nice.' Maiksing turan ni Marga habang nilalaro laro ang beer in can na hawak nya.

'Here.' Saad ni Ozel matapos ilapag sa center table ang labing tatlong relo.

'What's that? Anong gagawin namin sa relo?' Takang tanong ni Sylvia.

'Watch? Yes, pero hindi sya ordinaryong relo. Kapag pinindot mo ang button sa gilid lalabas jan ang mga dot. Green, ang lokasyon kung nasaan kayo habang ang pula naman ay kung nasan ang target nyo.' Saad ni Ozel at pinindot ang button ng relong suot nya dahilan upang lumabas ang isang scanner kung saan may nagbiblink na mga dot.


Sandra's POV

Namangha ako dahil sa ipinakita at sinabi ni Ozel tungkol sa device na syang magtuturo samin ng eksaktong lokasyon ng aming target. Walang duda kung bakit sya ang pinagkakatiwalaan ni Jarèa sa pangangalap o pagtatrack ng mga nagiging target naming.

'Isuot nyo na to.' Saad ni Jarèa bago kami isa-isang inabutan ng earpiece.

'Wag kayong gagawa ng bagay na alam nyong makakasira sa plano nyo. Siguraduhin nyong uuwi kayo ng buhay.' Seryosong saad ni Jarèa.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon