Chapter 12: Phone Call

7 0 0
                                    

Ozel's POV

Maaga akong nagising upang masimulan na ang pangangalap ng impormasyon, maging ang aking mga kapatid ay binackground check ko rin tulad ng gusto ni Jarèa. Nang sumapit ang alas-onse ng umaga ay tsaka ko lang naisipan lumabas ng aking kwarto, ngunit bago yon, sinuguro ko munang walang makakapansin na ako ay may tinatrabaho kung sakali mang may pumasok sa aking kwarto.

Nang marating ko ang unang palapag ay agad akong nagtungo sa kusina at doon ay naabutan ko si Jarèa na nagkakape.

'Kape?' Tanong nya na agad ko namang tinanguan bago lumapit sa coffee maker.

'Nasan sila?' Tanong ko habang nakuha ng mug.

'Pool side.' Saad nya na syang ikinatango ko.

Nang maisalin ko na ang kape sa mug ay agad na akong umupo sa katabing upuan ni Jarèa na ngayon ay kumakain na.

'Ngayon ka lang mag-aalmusal?' Kunot noong tanong ko.

'Yes. Hindi ako bumaba kanina dahil nagmamasid ako mula sa aking silid.' Mahinang saad nya ngunit sapat na upang ito'y marinig ko.

'Kaya pala.' Maikling sagot ko bago magumpisang kumain.

'Kamusta?' Tanong nya dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

'So far wala pa namang kahina hinala sa mga impormasyong nakuha ko.' Seryosong saad ko na syang ikinatango nya.

'Kung mapapatunayan ngang sya, kikilos agad tayo.' Saad ni Jarèa.

'Anong meron?' Tanong ng kakapasok lang na si Marga.

'Saan?' Patay malisyang tanong ko.

'Dito. Nasa labas kaming lahat tapos kayo andito?' Nakataas ang kilay na tanong nya samin ni Jarèa.

'Kasi kakagising lang namin.' Simpleng saad ni Jarèa bago tumayo upang ilagay sa lababo ang kanyang pinggan.

'I'm done. Mauuna na ko, marami pa kong gagawin.' Saad ko bago iligpit ang aking pinagkainan.

'Sige, mauna na ko. Kinuha ko lang talaga to.' Paalam ni Marga bago itaas ang isang bote ng red wine.

Matapos kong makapagpunas ng kamay ay lumapit ako sa counter table upang kunin ang aking cellphone ngunit hindi ko pa man nakukuha ay tumunog na ito. Agad ko itong kinuha ng makita ko kung sino ang tumatawag, walang pagdadalawang isip na sinagot ko ito.

'Hello?' Saad ko.

'Pwede na silang pumasok sa Lunes.' Bungad ni Zae dahilan upang mapangiti ako.

'Really? Sige sasabihin ko kay Beverly at Ionè.' Saad ko na syang ikinatawa nya.

'May utang ka sakin babe.' Mapaglarong saad nya mula sa kabilang linya dahilan upang mapairap ako.

'Damn. Isa pa Zae, baka makalimutan kong kapatid ka ni Zion.' Napipikong saad ko dahilan upang matawa sya.

Agad kong pinutol ang tawag bago muling bumalik sa aking kwarto upang ipagpatuloy ang aking trabaho. Mabilis akong bumalik sa aking ginagawa at inabala ang sarili sa pagtatype ng ilang codes. Makalipas ang ilang sandali ay napatigil ako dahil sa isang katok, kunot noo kong isinara ang aking laptop bago tumayo sa aking inuupuan para buksan ang pinto.

'Pasok.'Saad ko ng makitang si Jarèa ang kumatok, agad naman syang pumasok kung kaya't sinara ko na ang pinto at inilock ito bago bumalik sa aking inuupuan upang ipagpatuloy na ang aking ginagawa.

'Tumawag na si Zae.' Saad ko habang ang mata ay nasa aking laptop.

'Anong sabi?' Tanong nya at naupo sa aking tabi.

'Pwede na raw silang pumasok sa Lunes.' Saad ko at sandali syang sinulyapan.

'Mabuti naman ang nagawan nya ng par---' Hindi na natapos ni Jarèa ang kanyang sasabihin dahil sa aking biglang paghiga sa sofa habang kalong kalong ang aking laptop.

'Done. Nakuha ko na lahat.' Mapaglarong saad ko bago sya kindatan dahilan upang mapangisi sya.

'Ano ba nga ba ang aasahan mo sa isang Ozel Miscrèant?' Nangingising tanong nya dahilan upang mapailing ako.

Isa isa kong binasa ang mga files na nakuha ko, so far wala namang kahina hinala sa aming magkakapatid. Makalipas ang tatlong oras ay natapos na namin ni Jarèa na basahin ang files ng halos lahat sa amin at tanging isa na lang ang natitira, si Sylvia.

Kumunot ang aking noo sa aking nabasa. So hindi sya isang tunay na Miscrèant? Adopted sya ni Tito at ang malala sa lahat kapatid nya ni Yana Valdez at ang tunay nyang pangala ay Yanika Valdez. Nagkatinginan kami ni Jarèa dahil sa aming mga nababasa.

'So all these time may kalaban pala sa pamilya natin?' Bulong nya na narinig ko naman.

'At impossibleng hindi ito alam nila Tito unless hindi nila pinabackground check si Sylvia or should I say Yanika noong inampon nila ito.' Saad ko na syang ikinalingon nya.

'Tama. Umpisa pa lang ay nakaplano na ang lahat.' Saad nya na ikinatango ko.

'Magaling silang magtago huh?' Saad ko ng may ngisi sa aking labi.

'Pero hindi sila magtatagumpay, dahil umpisa pa lang talo na sila.' Makahulugan nyang saad bago ngumiti ng malademonyo.

'Ano ng balak mo?' Saad ko dahilan upang mapaseryoso sya.

'Hindi na sya magtatagal, unti unti tayong gagalaw.' Madilim ang mukhang saad nya.

'Pano ang iba? Wala kang balak na sabihan sila?' Tanong ko na syang ikinailing nya.

'Tayong dalawa ang palihim na kikilos, bukas ng gabi tahimik natin syang dadalin sa torture room at doon isa isa syang pahihirapan ng bawat isa satin.' Seryosong saad nya na syang ikinatango ko.

'Ok. Ako na ang bahalang magdala sa kanya don.' Saad ko bago isara ang aking laptop upang itago ito.

'I'll help you. Di naman ako mageenjoy ng nanonood lang kung paano mahuhuli ang traydor.' Nakangising saad ni Jarèa.

Matapos makapagplano ay sabay kaming lumabas upang magtungo sa unang palapag ng bahay, hindi pa man kami tuluyang nakakababa ay rinig na naming ang malakas na boses ni Beverly na marahil ay pinagtutulungan na naman ng kanyang mga tiyahin sa pangunguna ng pinsan nyang si Ionè.

'Oh buti at naisipan nyo pang bumababa? Akala ko dun lang kayo sa taas maghapon.' Kunot noong tanong ni Stephanie ng makita kaming kakababa lang ng hagdan.

'May inasikaso lang ako. Anyway, may sasabihin si Ozel.' Saad ni Jarèa na syang ikinalingon ko sa kanya.

'Ah yes, tumawag si Zae kanina. Ionè at Beverly pwede na raw kayong pumasok sa Lunes, naayos na lahat ni Zae ng requirements nyo.' Saad ko dahilan upang mapangiti ng malawak si Beverly habang bumusangot naman si Ionè.

'Ito yung mission na sinasabi mo Aunt Jarèa?' Nakasimangot na tanong ni Ionè sa kanyang tiyahin na syang tinungon naman nito sa pamamagitan ng pagtango.

The Miscrèants: A Crime for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon