CHAPTER 3: Colton

1.7K 43 0
                                    

SM MEGAMALL
MEN'S WEAR DEPARTMENT

"Beb, daan tayo ng NBS, ha. Bibili ako ng stationery," aniko kay bff Zyra habang naririto kami sa men's wear department.

Nagpipili-pili kami ng mga polo-shirt ng boys. Bibilhan daw niya kasi ang daddy niya dahil magbi-birthday daw bukas at iyon daw ang ibigay niyang regalo.

Nagtingin-tingin na rin ako nang maaari kong bilhin bilang gift ko na rin kay tito.

"Bakit mag-stationery ka pa? Yellow pad na lang ang gamitin mo, p'wede na 'yon. Marami ka pang maisusulat," sagot niya habang itinataas sa harapan niya ang isang naka-hanger na polo shirt na color white.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Grabe naman, hindi naman si madam Charo 'yong susulatan ko, eh," nakanguso kong sabi habang lumilinga sa paligid. Naghanap pa ako ng ibang maaarin kong ipang-gift din kay tito. Ayoko naman ng damit din. Para iba naman 'yong sa akin.

"Susulatan mo na naman si mahal mong prinsipe. Hindi ka ba nagtataka sa kanya? Ni hindi niya maibigay ang full Name niya. Walang social media account at naririto lang siya sa Pilipinas. My God, beb. Pinagtitripan ka lang niyan," mahabang sabi niya habang naglalakad naman kami kung saan. Tulak niya ang isang pushcart.

Alam ko naman na concern lang siya sa akin, kahit minsan ay nasasaktan din ako sa mga sinasabi niya. Pero pinapaliwanag at ginigising lang daw niya ako sa mga kahibangan ko.

Sino nga ba naman ang mukhang tanga ang makipagsulatan sa lalaki na hindi mo pa nakikita ni minsan. Ang masaklap pa sinagot ko sa liham lang din at nag-one year na kami last february.

Take note, three years na namin itong ginagawa at sa loob ng three years na 'yon ay maraming beses na kaming nagpalitan ng mga liham.

Noong unang taon ay hindi ko gaanong pinapansin ang mga sulat niya.
Actually, bigla na lang may dumating sa aking liham, isang araw.

THREE YEARS AGO

                                                                                                                                                               Nov. 4, 2015



Magandang Binibini,

        "Alam mo bang kasing-ganda mo ang araw-araw na dumadaan sa buhay ko simula nang masilayan ko ang iyong kagandahan?"

Unang talata pa lang ng kanyang liham ay agad na niya akong napangiti.

        "Kasing ganda ng rosas sa umagang namumukadkad. Kasing ganda ng anghel sa kalawakan sa tuwing ika'y ngingiti. Kasing ganda ng paligid kapag ikaw ang aking napagmamasdan. Kasing ganda ng ulap sa aking paninging dati ay kay dilim."

        "Sana ay huwag mong masamain kung aking nanaisin, na ang iyong ganda ay pansamantalang maging akin."

Sa umpisa pa lang ng kanyang liham ay nahulog na ako ng hindi ko namamalayan.

         "Sa aking unang liham sana ay iyong pagbigyan. Ang aking hiling, sa iyong matamis na kasagutan."

                                                                                                                                                                    Umaasa,

                                                                                                                                                            Mahal na Prinsipe

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon