Nancy
Hinang-hina ang aking katawan. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ako makakilos. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasaan ako?
Nilingon ko ang buong paligid. Isang lumang kwarto ang bumungad sa akin—hindi kalakihan, parang dating opisina, ngunit wala nang mga gamit.
"Hmmp!" pilit kong sigaw nang makita ko si Zyra sa isang sulok ng kwartong ito, walang malay at nakalugmok sa sahig.
Na-realize kong nakatali pala ang bibig ko ng tela na paikot, at ang mga kamay ko ay nakagapos sa likod. Ganun din ang mga paa ko!
"Hmmp!!" pilit kong sigaw kahit walang boses na lumabas sa akin upang magising siya. Hindi naman siya kalayuan sa kinaroroonan ko, pero hindi ko pa rin siya maaabot.
Nakatali din ang mga kamay at paa niya, katulad sa akin. Ganun din ang kanyang bibig.
Gusto ko sanang lumapit sa kanya, pero hindi ko mahila ang sarili ko. Pakiramdam ko ay nakakabit pa ang tali sa likod ng pader na sinasandalan ko!
Nilingon ko ang likod ko at napansin kong isang poste pala ang sinasandalan ko, at dito nakakabit ang tali sa aking mga kamay.
Napalingon ako sa pinto nang maramdaman kong pumihit ang seradura nito.
"Oh, gising ka na pala, magandang binibini. Paliliguan na sana kita, eh, kaya 'yong isang sleeping beauty na lang," aniya habang may dalang timba na puno ng tubig at basta na lang ibinuhos kay Zyra.
"Hmmp!" Napapula si Zyra sa pagkakatulog niya, at mabilis siyang napaupo, ngunit hirap siyang kumilos dahil sa mga tali niya.
"Hmpp!!" sigaw niya sa lalaking bumuhos sa kanya. Napansin na rin niya ako.
"May sinasabi ka? Umuungol ka na agad, eh wala pa nga akong ginagawa." Humalakhak bigla ang lalaki sa harapan niya.
Nangangatal ang buo kong katawan sa galit na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Matalim ang mga matang ipinukol ni Zyra sa kanya.
Ngunit muli na namang humalakhak ang lalaki. "Mamaya, patitirikin ko ang mga mata mong 'yan." Lumapit pa siya kay Zyra at sinakal ang leeg nito. "Kaya kailangan kitang paliguan," bulong niya sa mukha nito at saka binitawan.
Bumaling naman siya sa akin.
Nanginginig ang katawan ko sa magkasamang takot at galit! "At ikaw naman... Pasalamat ka dahil bawal ka raw galawin, sabi ni boss. Pero, pwede rin naman naming hindi ipaalam hangga't wala pa siya. Hindi ba?" Muli na naman siyang humalakhak na parang demonyo. Ang pangit naman niya!
Hindi pamilyar sa akin ang mukha niya.
"Hoy! Ano na namang kalokohan mo? Andiyan na si boss!" sigaw ng lalaking nakasilip sa pinto. Kakamot-kamot naman ang lalaking narito sa loob at lumabas na rin.
May boss sila?
Napalingon ako kay Zyra at nakita kong nagpipilit siyang makalapit sa akin. Ang kaso, katulad ko, nakatali rin ang likod niya sa poste sa likod niya.
Ano bang kasalanan namin?
Napalingon muli ako sa pinto nang muli itong bumukas... At ganun na lamang ang paninigas ko nang makilala ko ang lalaking sumunod na pumasok.
What the... Colton?!
Ngumisi siya habang nakatitig sa akin. "Nancy. Nancy. Nancy," paulit-ulit niyang bigkas sa pangalan ko kasabay ng paglapit niya sa akin.
Kaagad ko siyang binigyan ng matalim na tingin. Bakit niya ginagawa 'to? Anong naging kasalanan ko sa kanya?!
"Patawarin mo 'ko... pero kasi... matigas ang bungo ng mahal mo," aniya kasunod ng paghalakhak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/196136107-288-k902546.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind Those Sweet Words (Editing)
Mystery / ThrillerAll Rights Reserved (2019) A side story of The Real Culprit. Nancy Hernandez is just a simple waitress in a famous and expensive restaurant owned by the Delavegas. No boyfriend since birth and have never experienced dating. Until one day, she rece...