CHAPTER 23: Friend

1K 46 0
                                    


KASALUKUYAN

PRINCE J

"Mr. Zorilla, may dalaw ka!" 

Sabay-sabay kaming napalingon ng mga kasama ko sa pinto nang umingay ang masakit sa taingang bakal niyon. A policeman came and opened the cell where we were.

I immediately got up and walked closer to him. He let me go out as usual whenever someone visited us in this place.

"Nalilimit yata ang dalaw mo ngayon, bata, ah," sabi ng isa sa mga kasama ko ngunit hindi ko na sila pinansin pa at tuluyan na akong tumalikod.

Ano na naman kaya ang kailangan ni Cedric, samantalang kagagaling niya lang dito kahapon.

Nang malapit na ako sa tanggapan ng mga bisita ay kaagad akong napahinto nang matanaw ko ang sinasabi nilang bisita ko.

What the hell? 

What the fuck is she doing here? It's been four years since I last saw her at napakabata pa niya noon.

Zhujhen Cail Marcial

Nagpatuloy ako sa paglapit sa kan'ya. She, on the other hand, stared at me without emotion.

She looks very different now. Far from her innocent face before. But you still won't see her as weak as before. Naroroon pa rin ang tapang, ang paninindigan niya, ang taas noo na kahit sino ay kaya niyang harapin at kaya niyang kalabanin. Kahit sa bata niya pa niyang edad.

I sat down in a chair in front of her. Mahabang mesa ang nakapagitan sa aming dalawa.

Napansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang nakatitig sa akin.

"Johannes," she said but I didn't answer and I just kept staring at her. "Kumusta, mahal na Prinsipe?...Mukhang nag-e-enjoy ka dito sa 'yong palasyo?" 

She grinned as I stopped at what she called me. What the hell? How did she know that?

"Anong kailangan mo?" walang emosyon kong tanong sa kanya.

She crossed her arms over her chest. Muling sumeryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin.

"Kailangan mong makipagkasundo sa akin sa ayaw at sa gusto mo. Susundin mo ang lahat ng sasabihin ko."

I stopped and sat up straight at what she said.

Namagitan ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Alam ko kung gaano siya katapang at sa tingin ko ay mas pinatibay pa siya nang mga nangyari sa amin sa nakaraan.

Kung tatanggi pa rin ako sa kanya, ano pang dahilan ng buhay ko kung mananatili rin lang ako habambuhay sa seldang ito nang walang kalaban-laban. Ni hindi ko mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng buong pamilya ko. Samantalang ang totoong kriminal ay malayang gumagala sa labas at naghahasik pa rin hanggang sa ngayon ng kasamaan niya.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot, "handa na 'ko."

I think she's the one I've been waiting for. Hindi na ako dapat pang mag-atubili lalo na sa panahon ngayon. Hindi malayong mangyaring matuklasan na rin ni Colton ang tungkol sa aming dalawa ni Nancy. At hinding-hindi ko mapapayagang pati ang mahal ko ay idamay niya sa gulong ito.

Cail smiled as she stood up.

"Good. Sa makalawa," aniya bago dumukot sa bulsa ng suot niyang coat. "Siya nga pala, liham. Ipinaaabot ng iyong mahal na prinsesa."

Kaagad ko na ring tinanggap ang iniabot niyang sobre. I don't have to ask anymore 'cause it's probably Cedric who has to do with it.

I immediately turned around and went inside again.

Napahinga ako ng malalim. 

Kailangan ko nang gawin 'to. Dahil walang mangyayari sa akin dito habang ang totoong kriminal ay gumagala at nagpapaka-ulol sa labas.

***

Nancy

"Anong gusto mo? Pili ka na, sagot ko na, ha," magiliw kong tanong kay Cail.

Tuwang-tuwa ako dahil dinalaw niya na naman ako dito sa restaurant! Ay, hindi lang pala ako ang tuwang-tuwa! Sila din! Ang mga alipores dito!

"Cail, ang daya, ah. Hindi kami nakarating sa debut mo noong nakaraan," ani Charisma na may hawak na tray.

"Kaya pala wala man lang nag-invite! Surprise pala ni Sir Rick 'yon. Pagkakataon ko na sanang mai-sayaw ka doon, eh," sabat din naman ni Bryan.

"Parang makakasayaw ka naman, eh balita ko si Sir Rick lang daw ang nakasayaw kay Cail doon. Asa ka naman na mahahawakan mo si Cail kahit dulo ng buhok niyan. Baka naipatapon ka pa ni Sir Rick sa Pluto!" sagot din naman ni Tiffany na siyang ikinatawa namin.

"Sus, jelly-jelly ka lang, eh," pang-aasar naman ni Chris sa kanya.

Nagulat naman ako dahil himalang nagkaroon siya ng dila ngayon. Ilang araw na kasi niya akong hindi kinakausap, eh. Kunsabagay, hindi naman ako 'yong kausap niya ngayon.

"Ah, tologo baaa?! Sapak gusto mo?!" Kaagad namang inambahan ni Tiffany si Chris ng kamao niya.

Mabuti na lang at hindi gaanong ma-tao sa mga oras na ito dahil late na rin naman ng gabi.

Panggabi ang shift namin ngayon. Si Chris ay na-change din ang oras nang duty dahil may bago kaming kasama na kaha-hire lang. Si Stiven.

"Kiss na lang para mas masarap," ani Chris kay Tiffany.

"Hoy! Anong kiss?!" bigla namang sumigaw si Bryan.

"Kumain ka na, Cail. Hayaan mo na 'yang mga 'yan. Magugulo talaga sila kahit saan," baling ko na kay Cail at iniabot na sa kanya ang pagkain niya.

Tumango din naman siya at sinimulang kainin ang ibinigay ko.

Kaagad akong napangiti. Ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa talaga ako sa kanya kapag tinatanggap niya ang mga bigay ko sa kanya.

Napakatahimik lang kasi niya. Kung sa ibang tao na hindi siya kilala ay mahihirapang i-approach siya dahil maiilang ka sa kanya. Kaya suwerte ng mga nagiging kaibigan niya.

Nitong mga nakaraan ay napapansin kong palagi siyang naririto sa restaurant. Siguro ay naboboring siya sa apartment ng ate niya. Naiiwan lang kasi lagi siya doong mag-isa.

One time nga, eh sumama pa siya sa bahay namin! Omg! Kumain siya doon at nakipaglaro kay bonbon ko na damulag!

Noong time na 'yon ay gumagawa ako ng liham para sa mahal kong Prinsipe. Nag-suggest siya na siya na lang daw ang magdadala sa post office dahil dadaan din daw naman siya doon.

May sakit kasi si Kuya Ed kaya hindi nakakapasok sa trabaho.

"May kasama ka ba? May hinihintay ka?" tanong ko nang mapansin kong maya't maya siyang lumilingon sa labas ng restaurant.

Ngumiti din naman siya sa akin. "Kaibigan ko."

"Oh, eh bakit hindi mo isinama dito sa loob?" Kaagad din akong luminga sa labas ng glass wall at hinanap ang kasama niya. 

Ngunit hindi ko gaanong maaninag dahil sa gabi na at may ilan pang mga kotse ang naka-park sa gilid ng kalsada. May ilang tao din doong nakatambay at naninigarilyo pa ang iba. Sino naman kaya sa kanila?

"Nahihiya siya, eh," sagot namang muli ni Cail.

"Ano bang name ng kaibigan mo para tatawagin ko na lang siya?"

Napansin ko ang pagtitig niya sa akin ng matagal at hindi kaagad sumagot.

"Johannes."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Johannes?

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon