CHAPTER 26: Crush

1K 40 1
                                    


Nancy

Pagpasok ko sa loob ng VIP room ay sinalubong pa rin ako ng dim light na paligid. Ngunit natutok ang paningin ko sa isang table sa gitna na may napakagandang pagkakaayos. 

Puno ito ng pagkain, may tatlong candle light, isang bote ng wine na may dalawang baso sa tabi nito at isang pumpon ng mga bulaklak. Mayroon ding set ng mga plato na para lamang sa dalawang tao.

So, ang ibig sabihin ay date nga ito. Blind date? Kanino naman? 

Pansin ko ang biglang pagtahimik ni Bonbon sa tabi ko.

Segundo lamang ay bigla akong nakarinig ng malamyos na musika sa background. Mahina lang ito sa umpisa hanggang sa lumakas ito nang lumakas.

Bigla akong napahinto kasabay nang pagtaasan ng mga balahibo ko sa katawan nang makilala ko ang pamilyar na tugtog.

Hindi ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko habang naririnig ko ang song na hinding-hindi ko makakalimutan kailanman dahil iyan ang song na ni-dedicate niya sa akin sa liham niya. 

Don't know what to do by Ric Segreto

Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko kasabay nang pangangatog ng mga tuhod ko.

Napahinto ako nang may maramdaman akong tila presensiya sa likuran ko. Nanigas ako mula sa kinatatayuan ko at hindi ko malaman kung lilingunin ko ba siya o hindi.

"My Princess."

At halos mawalan ako ng balanse nang tuluyan ko nang marinig ang tinig niya. 

Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko sa katawan kasabay nang panlalabo ng paningin ko.

N-Nandito siya. Nandito na siya!

Napakislot ako nang maramdaman kong bigla ang marahan niyang paghawak sa kaliwa kong kamay hanggang sa pagsalikupin na niya ang aming mga daliri. 

Pakiramdam ko ay may kuryenteng bigla na lamang dumaloy sa mga ugat ko at kumalat sa buong katawan ko.

Hindi pa rin ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko at hindi ko pa rin siya magawang lingunin. Hanggang sa gilid ng aking mga mata ay napansin ko na ang dahan-dahan niyang paglabas at pagtungo niya sa harapan ko.

Hinapit niya ang baywang ko palapit sa kanya at hinawakan ng kabila niyang kamay ang baba ko upang umangat ang mukha ko patingala sa kanya. Dahil sa tangkad niya ay umabot lamang ako sa hanggang sa dibdib niya.

Una kong napagmasdan ay ang maninipis ngunit mapupula niyang mga labi, paakyat sa matangos niyang ilong hanggang sa tuluyan nang magtagpo ang aming mga mata.

Halo-halong emosyon ang nabanaag ko doon. Sobrang pagka-miss, pangungulila, saya at pagmamahal habang nakatitig sa akin. 

Ngunit nang tuluyan ko nang mapagmasdan ang kabuuan ng kanyang mukha, kahit dim lang ang liwanag ng paligid ay kaagad ko pa rin siyang nakilala.

Kaagad akong napanganga at napatulala sa harapan niya. Ilang ulit akong kumurap upang siguruhing hindi ako nagkakamali sa taong kaharap ko ngayon!

S-Siya ba ang prinsipe ko?

"J-Johannes?" mahinang bulong ko sa kanya habang nakatulala sa kanya.

Siya nga ba? Totoo ba? Siya nga ba ang prinsipe ko na palaging nagpapadala sa akin ng liham at sinagot ko rin sa pamamagitan ng liham lang?!

Kaagad naman siyang ngumiti na halos ika-wala ng ulirat ko. 

Gusto ko yatang maglulupasay sa lupa!

Bakit ang pogi?! Prinsipe ko!

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon