THREE YEARS AGO
April 6, 2016Nancy
"Beb, sasama ba tayo sa Mindoro? Nagpaplano ulit ang barkada na mag-vacation trip kila Caithy, eh," tanong ni beb Zyra habang naririto kami sa locker room at nagpapalit na ng mga uniform namin. Tapos na ang oras ng trabaho namin.
"Sige, pero magpapaalam muna ako kila mama."
"Sige, ako rin. 'Yon nga palang admirer mo nand'yan pa rin sa labas. Tss. Magdala kaya ako ng aso dito para ipalapa siya. Kainis." Halata naman talaga ang inis sa hitsura niya dahil si Colton ay ilang oras nang nakatambay sa isang sulok ng restaurant naming ito sa labas.
"Paano kaya tayo makakalabas? Baka sundan niya tayo, eh?" tanong ko naman sa kanya. Natatakot din kasi ako minsan sa lalaking 'yon. Iba siya kasi makatingin.
"Hindi kaya siya 'yong sumusulat sa 'yo? Eeeewww! Ang creepy!" Halos masuka-suka ang mukha niya sa pandidiri.
"Naisip ko na din 'yan...pero parang hindi, eh. Tingin mo ba sa hitsura ni Colton makakapagsulat ba siya ng gano'n? At saka, bakit idadaan pa niya sa sulat, eh halos araw-araw na nga siyang naririto? Eh, 'di sabihin na lang niya, 'di ba? Kinakausap niya rin naman ako, eh. Sa tingin ko hindi siya 'yon."
Tapos na akong magpalit ng magpalit at naupo na lang muna sa isang sofa. Nag-aalangan akong lumabas dahil alam kong nariyan pa siya.
"Pasulatin ko kaya siya para makita ko ang handwriting niya? Tingin mo? Pero 'wag na lang, 'di bale na. Ayoko lumapit sa kanya. Ang creepy, lalo na kapag ngumingiti. Lumalabas 'yong ginto niyang ngipin!"
"Eh, 'di lalo na kung nakita mo siya dati, no'ng kalbo pa siya. Buti nga ngayon, naisipan na niyang patubuin ang buhok niya."
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Weeeee???"
Kaagad ko siyang tinanguan.
"Beb, magandang magsulat si Prinsipeng kuwago. Daig pa niya ang sulat kong parang kinahig ng manok. Mabuti nga, hindi niya nilalait, eh."
"Eh, malay mo naman nagpasulat lang siya sa iba. Dahil ang sulat niya ay mas higit pa pala sa kinahig ng manok!"
"Meron pa ba no'n? May mas hihigit pa ba sa kinahig ng manok?" tanong ko habang napapaisip.
"Oh, tingnan mo 'yong sulat ng mga doctor. Higit pa sa kinahig ng manok. Buti na lang mga pogi sila kaya bawing-bawi."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Alam ko kasing may crush siyang Doctor, na napakapogi naman talaga at maputi.
"Oh, hindi kaya si Chris 'yong sumusulat?" bigla niya namang bulong sa tainga ko.
Kaagad akong napalingon sa kanya at pinakatitigan siya. Bakit naman magiging si Chris?
"Paano mo naman nasabi--aray!" Bigla na lamang niya akong binatukan!
"Manhid ka kasi! Kaya kailangan sa 'yo binabatukan para makaramdam ka!"
"Eh, kung siya na lang kaya ang batukan mo para magising siya sa katotohanan!" sigaw ko rin sa kanya ngunit halos mapatalon kami sa gulat nang bigla na lamang bumagsak pasara ang pinto ng locker room.
Sabay kaming napalingon doon at naabutan namin doon si Chris na kapapasok lang at blangko ang mukha.
"Ah, hi, Chris! K-Kanina ka pa ba d'yan?" kaagad kong tanong sa kanya habang may alanganing ngiti sa mga labi ko.
Baka kasi narinig niya 'yong sinabi ko, tapos ay isipin niya na assuming ako. Ba't naman siya magkakagusto sa akin, no?
"Ngayon lang," walang emosyon niya namang sagot bago nagdiretso sa locker niya.
"Ah, t-tara na, beb. B-Baka wala na si admirer d'yan sa labas," pagyaya ko na kay Zyra kasabay nang pagtayo ko at pagbitbit sa bag ko.
Kaagad din naman siyang sumunod sa akin.
Pagdating namin sa labas ay natanaw naming lumalabas na ng restaurant si Colton kaya nakahinga akong bigla ng maluwag.
"Paano ba namang hindi nakakatakot ang hitsura niya? Naka-sumbrero, naka-sunglasses kahit gabi. Naka-coat ng maluwag sa kanya at kulay brown pa. Idol ba niya si Cardo? Hindi naman niya makokopya 'yon dahil mataba siya at malaki ang tiyan. Eh, si Cardo med'yo maganda ang katawan at pogi pa. Para nga siyang holdaper, eh. Tapos, samahan pa ng pagngiti niya at paglitaw ng kadenang ginto niya sa ipin," mahabang sabi ni Zyra sa tabi ko.
"Eh, paano kung...siya pala ang soulmate m--aray!" Bigla na naman niya akong sinapak.
"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" sigaw niya sa akin.
"Ssshh! Hoy, ang i-ingay niyo. Nand'yan sila Sir. Lagot kayo," saway sa amin ni Tiffany na may buhat na walang laman na tray.
Bigla tuloy kaming napatahimik at napalinga sa buong paligid ng restaurant. Bahagya rin kaming nagkubli sa isang pader na malapit pa rin sa locker room.
"Sinong sir?" tanong ni Zyra kay Tiffany. Ngunit hindi pa man siya sumasagot ay natanaw ko na si Sir Dominic na may kasamang girlalo sa isang table.
"Beb, 'di ba si ma'am Bella 'yong kasama niya? 'Yong girlfriend niya? Dumating na pala siya? 'Di ba nasa states 'yan?" ani Zyra na isa ring tsismosa.
"Malay ko, hindi mo naman ako katulad. Tsismosa ka, eh," sagot ko naman kasabay nang pagsiko ko sa tagiliran niya.
"Gaga! Tara na nga."
Kaagad na niya akong hinila at lumabas ng restaurant.
BINABASA MO ANG
Behind Those Sweet Words (Editing)
Misterio / SuspensoAll Rights Reserved (2019) A side story of The Real Culprit. Nancy Hernandez is just a simple waitress in a famous and expensive restaurant owned by the Delavegas. No boyfriend since birth and have never experienced dating. Until one day, she rece...