JULY, 2016
Lumipas ang tatlong buwan.
"Kuya Ed!"
Nasalubong ko si kuya Ed na kartero dito sa lugar namin at marahil ay pauwi na siya.
"Oh, ikaw pala, Nancy. Kumusta? Magpapadala ka ba ng liham?" tanong niya kasabay nang paghinto niya mula sa pagmamaniobra ng bisikleta niya at pagbaba mula doon.
"Ahm. I-itatanong ko lang po sana k-kung naipadala niyo po ba 'y-'yong l-liham ko noong nakaraang buwan? No'ng April po iyon?"
"Ah, 'yong huli mong liham? Oo naman. Siguradong natanggap na niya 'yon dahil wala na doon sa post office, eh. Bakit?"
"Ahm, w-wala na po bang d-dumating sa akin na liham?" Naniniguro lang naman ako. Baka kasi sumagot pa siya, eh. Baka lang din nakaligtaan ni kuya Ed at hindi talaga niya naibigay.
"Ah, wala na, eh. Alam mo naman kapag meron, kinukuha ko kaagad 'yon at ibinibigay sa 'yo."
"G-Ganoon po ba." Napakagat ako sa labi ko.
"Pero titingnan ko pa rin. Malay natin, baka may naisiksik lang kung saan doon. Nagtataka nga din ako bakit parang hindi na yata sumulat sa 'yo 'yong misteryoso mong manunulat."
"S-Sige po! Baka nga po may nawalat lang kung saan. Ibigay niyo po kaagad sa akin, ha?"
"Oh, sige. Mauna na ako. Bukas, dadaan ako d'yan sa 'yo kung meron, ha?" Muli na siyang sumakay sa bisikleta niya.
"Hihintayin ko po kayo, kuya Ed! Salamat po!" Nginitian ko na lamang siya at kaagad nang umalis.
Night shift ako ngayon.
***
OCTOBER, 2016
Ngunit lumipas na ulit ang tatlong buwan, wala pa din akong natatanggap na liham mula sa kanya.
Nagi-guilty na ako. Baka dahil sa huli kong liham sa kanya kaya hindi na talaga siya sumulat.
Alam ko naman, masasakit talaga 'yong sinabi ko. Naiinis lang kasi ako sa mga sinasabi niya. Baka kasi niloloko niya lang ako. Baka pinagtitripan niya lang talaga ako.
Paano kapag naniwala ako sa kan'ya, 'di ba? Tapos niloloko niya lang pala ako. Sa huli pagtatawanan niya lang ako.
Bakit naman kasi hindi na lang siya magpakita sa akin? Sabihin na lang niya sa akin ng harapan. Kakausapin ko naman siya, eh. Asan ba kasi siya? At sino siya? Hindi naman siya nagpapakilala.
Aminin ko man o hindi. Nami-miss ko na ang mga liham niya.
Napapangiti naman talaga ako sa tuwing binabasa ko ang mga message niya.
Akala ko ba hindi siya susuko? Bakit isang sabi ko lang, sumunod kaagad siya? Akala ko ba hindi siya bibitaw?
"Hoy, beb! Tulaley ka na naman! Ano bang nangyayari sa 'yo? Lagi ka na lang tulala? Para kang laging nalugi," sita sa akin ni Zyra.
Narito kami ngayon sa locker room at tapos na ang shift namin.
Umiling na lang ako sa kanya at hindi siya sinagot.
"Lagi ka na lang gan'yan, pati sa trabaho. Bahala ka kapag nasita ka ni manager. Gusto mo bang mawalan ng trabaho?"
Umiling lang din ulit ako sa kanya.
"Ano bang problema mo? Alam ko namang meron dahil d'yan sa ina-asta mo. Parang matagal-tagal ka na rin gan'yan, ah. Sabihin mo nga sa 'kin, ano pa't naging bestfriend mo 'ko?"
"Wala, pagod lang ako. Tara na."
Bigla niyang inilapat sa noo ko ang palad niya.
"Wala ka namang sakit, ah." Tiningnan niya ako na parang nagdududa.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng locker room.
"Yong manunulat mo 'yan, no?" bigla niyang sabi mula sa likod ko.
Napahinto naman ako sa paghakbang.
"Sinasabi ko na nga ba, eh. Oh ano, niloko ka lang, no? Walang'yang 'yon! Huwag lang talaga siyang magpapakita sa 'kin! Mata niya lang ang may latay!"
"Mata lang ang walang latay," pagtatama ko sa sinabi niya.
"Ah, hindi! Mata lang ang may latay dahil bubulagin ko siya! Gano'n ang nangyayari sa mga lalaking may dinidiskartehan na pero tingin pa rin nang tingin sa iba!"
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Mukhang may pinaghuhugutan ka? Ikaw yata ang may problema, eh," balik ko namang sabi sa kanya.
"Tungek! Huwag mong ibalik sa akin. Ikaw ang may problema!"
"Bakit ka sumisigaw? Magkatabi lang tayo, eh."
"Eh, nakakainis ka kasi, eh!" sigaw pa rin niya.
Napatakip na lang ako ng tainga ko.
Mabuti na lang at naririto pa kami sa loob ng locker room at kaming dalawa lang ang nakakarinig nang usapan naming dalawa.
Binuksan ko na kaagad ang pinto para makalayo sa kanya. Nabibingi ako sa bunganga niya! Ang ingay-ingay niya ngayon. Samantalang mas malimit siyang tahimik at nagdodotdot ng cp niya.
Siya yata ang hindi nagkukwento sa akin, eh. Siguro may ka-chatmate siya at hindi sinasabi sa akin. Hmp!
BINABASA MO ANG
Behind Those Sweet Words (Editing)
Misteri / ThrillerAll Rights Reserved (2019) A side story of The Real Culprit. Nancy Hernandez is just a simple waitress in a famous and expensive restaurant owned by the Delavegas. No boyfriend since birth and have never experienced dating. Until one day, she rece...