CHAPTER 39: Mourning

1.1K 42 4
                                    

"Beb, tara na. Kailangan na nating umuwi. Baka makasama na sa baby mo 'yan," rinig kong sabi ni Zyra na nasa aking tabi.

Ngunit hindi ko pa kayang iwan siya... Dito lang ako sa tabi niya, nakatitig sa bawat letra ng pangalan niyang nakaukit sa bato...

Johannes M. Zorilla
Born: June 28, 1995
Died: May 30, 2018

Wala pa ring tigil sa pagpatak ang aking mga luha... Para bang bukal na hindi nauubusan... Hindi ko na alam kung saan pa nagmumula...

"Iwan mo na ako. Hayaan mo muna ako dito," mahinang sabi ko.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Beb... naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?... Isang linggo na tayong narito simula noong nilibing ang bangkay ni Johannes. Hindi ka nakakatulog ng maayos dito... For God's sake, isipin mo naman ang baby mo. Hindi matutuwa si Johannes sa nakikita niya. Pinababayaan mo ang iniwang alaala niya sa'yo. Hahayaan mo bang mawala din siya?"

Muling bumuhos ang mga luha ko.

"Mahal kong Prinsipe... Paano ko maalagaan ng maayos ang baby natin kung wala ka na? Wala ka na sa tabi namin? ... Paano ko siya palalakihing mag-isa? Paano namin haharapin ang mundong wala ka na? ... Paano ko kakayanin ito ng mag-isa? Kailangan kita, mahal kong Prinsipe... Kailangan ka namin..."

***
Zyra

Hindi ko na alam kung paanong pangungumbinsi pa ang gagawin ko kay Nancy... Hindi na siya nakakakain ng maayos. Isang linggo na simula nang ilibing si Johannes, pero ni minsan ay hindi siya umalis sa tabi ng gravestone ni Johannes dito sa cemetery.

Dito na rin kami natutulog dahil hindi ko siya kayang iwanan. Minsan, ang papa niya ang narito para bantayan siya. Hinayaan na lang nilang magluksa siya.

Pero sobra na ito. Mabuti sana kung siya lang mag-isa. Eh, paano na ang baby nila?

Matapos ang nangyaring pagsabog noon ay nagsidatingan ang mga pulis, bombero, at mga medikal na katulong. Kasama na rin ang mga magulang namin.

May isang lalaking nagligtas sa akin sa loob ng kwartong pinagtalian at pinagkulungan namin ni Nancy. Hindi ko nakuha ang pangalan niya.

Pero pagkatapos niyang mailabas ako sa abandonadong factory, bigla na lang siyang nawala kasama ang iba nilang mga kaibigan na tumulong sa amin.

Kaya hindi na sila inabutan ng mga pulis na rumesponde. In-interview kami ni Nancy, pero wala naman silang nakuhang sagot kay Nancy dahil sa pagkatulala nito.

Sinabi ko na lang na kinidnap kami para humingi ng ransom money sa magulang namin at hindi namin nakilala ang mga tumulong sa amin dahil nakatakip ang mga mukha nila.

Nang maapula nila ang apoy sa buong factory, saka lang nila nakuha ang mga naiwang bangkay sa loob, kasama na ang sunog na katawan ni Johannes.

Nasunog na ang kalahati ng kanyang katawan kaya hindi na makilala ang mukha. Napatunayan na lang namin ni Nancy nang makilala niya ang suot na damit nito at jacket na siya pa ang nagbigay. Ilang piraso ng pagkakakilanlan ng damit ang nakapagbigay-patunayan.

Nasa sampung sunog na bangkay ang nakuha sa loob.

***

Ilang linggo pa ang lumipas, naisarado na agad ang kaso ni Johannes mula sa pagkakakulong at pagtakas sa bilangguan. Ito ay dahil wala na siya.

Nalaman namin na nakulong pala siya sa salang pagpatay sa ama ni Caithy at Cail.

Pero ang totoo, si Colton ang totoong pumatay dahil siya na rin mismo ang umamin noong gabing na-kidnap kami. Pinatunayan din ito sa amin ni Cail na siya mismong naroon sa pinangyarihan ng pagkamatay ng kanyang ama.

Nalaman din namin na nag-iisa na lang pala siya sa buhay. Meron siyang mga kaibigan na nagpahuli ng dalaw sa sementeryo.

Hindi ako sigurado kung si Colton ay napabilang sa mga nakuhang bangkay sa lumang factory.

Gusto ko sanang usisain ang mga imbestigador kung may bangkay ba silang nakuhang may gintong ngipin. Yon lang ang alam kong pagkakakilanlan ni Colton.

Pero nang magtanong ako, wala raw silang nakuhang ganoong bangkay na may gintong ngipin. Mahaba-habang interview tuloy ang nangyari dahil sa ginawa ko pang pagtatanong, at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya ng mga pulis.

Si Nancy, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakausap ng maayos. Bagaman, kumakain naman na siya.

Palagi siyang binibisita ng mga ka-trabaho namin upang kwentuhan siya ng mga kung ano-ano. Dinadalhan ng mga pagkain kaya laging napupuno ang bahay nila ng bisita araw-araw.

Hindi rin nawawala sa eksena si Cail. Lagi siyang nariyan at dinadalhan ng prutas si Nancy. Minsan nga gusto ko na magtampo, eh. Parang mas nakakausap kasi ni Cail si Nancy kesa sa akin.

Minsan nagkukulong sila sa kwarto. Silang dalawa lang. Minsan din nalalaman kong dyan natutulog si Cail, katabi si Nancy. Huhu.

Laging nakakulong sa kwarto si Nancy katabi ang mga liham ni Johannes at paulit-ulit niyang binabasa ang mga 'yon.

Haaay, sana lang ay huwag siyang mabaliw.

Ang hirap pa lang magmahal, lalo na kung nagkalayo kayo at saglit lang nagkasama, tapos mawawala din agad.

At ang pinakamasakit... ay 'yung alam mong kahit kailan ay wala na siyang pag-asang bumalik.


Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon