CHAPTER 33: Plan

1K 36 2
                                    


Johannes 

"Na-track na namin ang pugad niya. His safe house is in Tandang Sora, QC, In a massage therapy clinic," dinig kong sabi ni Ghian.

Narito kami sa isang safe house. May mga monitor para sa mga cctv sa labas at sa mga lugar na pwede naming kabitan ng mga tracking device. Kumpleto rin sa mga armas.

"What do you mean?" dinig ko namang tanong ni Erhwin.

"Pagpasok mo sa loob ay aakalain ng mga tao sa labas na regular customer lang si Colton, kasama na rin ang mga bata niya. They have a secret door hiding behind a large painting," sagot naman ni Jettrei.

"How about their therapist?" tanong naman ni Cedric.

"Kasabwat sila," sagot naman ni Lyka.

"Cail?" tawag ni Erhwin kay Zhujhen na tahimik lang sa isang tabi. 

Hindi naman siya sumagot. Mukhang may malalim siyang iniisip.

Ako na ang nagsalita, "matalino si Colton. Madali niyang mata-track na may nakaalam na ng safe house niya. Actually, madali na sa kanya ang magpalipat-lipat ng lungga. Marami siyang source at marami na siyang pagmamay-ari. Baka nga sa apat na taon kong pagkawala ay marami pa siyang nadagdag." 

At lahat ng kayamanang tinatamasa niya ngayon ay nagmula sa mga malalaking tao na nangangailangan ng tulong niya. Kapag ang isang kilalang tao o may sinasabi sa buhay ay mayroong kalaban sa pulitiko o kumpanya na gustong ipatumba, si Colton ang nilalapitan nila.

At walang alinlangan niya ang mga itong tinatanggap para lang sa pera. Hayok siya sa kayamanan. Pulido naman talaga siyang gumawa. At may isang salita. Kapag nangako siyang matatapos niya, matatapos talaga niya. Gaya na lang nang ginawa niya apat na taon na ang nakalilipas.

Tinanggap niya ang offer ni Stella para lang sa pera. Ilang daan na ba ang naitumba ni Colton? Hindi ko na mabilang pa. Buhay pa siya ay sinusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno.

At kung walang taong puputol sa mga kahangalan niya ay patuloy siyang papatay at magpapakaulol sa pera.

"We need to know all of his property. We need to find out all of them," ani Zhujhen.

Sumang-ayon naman kaming lahat.

"Johannes, kailangan natin ng list ng lahat ng property niyang naabutan mo noon sa kanya. Saka natin alamin 'yong mga nadagdag sa loob ng apat na taon," dagdag pa niya.

Oo, napilitan akong sumama sa grupo niya noon dahil sa malaking pagkakautang sa kanya ng aking ama. Ang ama kong nalulong sa alak, sugal at droga.

Si Colton ang kinapitan niya noon hanggang sa lumaki nang lumaki ang pagkakautang niya at hindi na niya makayang bayaran pa. Nang dahil doon, ako ang naging kapalit, pambayad sa pagkakautang ng aking ama. Kailangan kong sumapi sa grupo niya at sundin ang lahat ng mga ipag-uutos niya. Wala akong nagawa dahil kung hindi ko susundin ay buhay ng mga magulang ko ang ipapalit niya. Pero ganoon pa rin naman ang nangyari. Kinuha pa rin niya ang buhay ng mga magulang ko!

Nagtagis ang bagang ko nang maalala ko na naman ang pangyayari noon sa kweba sa Bulacan. Apat na taon na ang nakalilipas.

"Wait, are you sure he didn't have any other hidden property from all of you back then? Baka meron pa kayong hindi nalalaman. Hindi niya lang ipinaalam sa inyo," biglang tanong ni Yuan na busy sa pangangalkal sa harap ng computer.

"Maaari, p'wede rin. Betrayal can happen in a group, even when one least expects it. One may have to resort to certain measures to keep oneself safe from such situations. Kasi alam mo sa isang grupo, hindi maiiwasan ang lamangan. Hindi ba't may kanang kamay ang isang namumuno sa grupo? Sino ang kanang kamay ni Colton? Meron ba?" tanong ni Cedric na ang paningin ay nasa akin.

Oo meron. Pero bihira lang namin siyang makasama. Lagi siyang nawawala sa eksena. Si Travis.

"Travis," sagot ko sa kanila.

"Travis?" tanong ni Erhwin na tila napaisip.

"Wala siyang ibang pagkakakilanlan at bihira lang namin siyang makasama. Tahimik lang siya sa grupo pero magaling umasinta," paliwanag ko.

Naalala ko na naman siya. Siya ang pinakamagaling sa grupo. Sharpshooter. Praktisado. Pero hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang pagkatao niya.

"Do you have an idea?" tanong ni Cedric kay Erhwin.

"I'm not sure," sagot niya at nagkibit balikat lang. Mukhang malalim ang iniisip.

Napatingin ako kay Zhujhen na nakatitig lang din kay Erhwin.

"How can we find this person now? Maybe he is our key to overthrowing Colton," tanong ni Lyka.

"We have no choice but to monitor Colton's every move," sagot ni Cedric.

"Ang tanong, kasama pa rin kaya ni Colton hanggang sa ngayon ang taong ito?" tanong naman ni Yuan.

"Hindi ko na rin alam," sagot ko.

"We need to divide into three: one group for spying Colton, one group for the properties, and one group here in our safe house for monitoring," paliwanag ni Erhwin at tumango naman kaming lahat.

"Ghian, Lyka and Jett. Alam niyong dito ko kayo naaasahan." Tumango naman ang tatlo. "Yuan and Honey, sa properties kayo."

"Copy!" sabay na sagot ng dalawa.

"At kayong tatlo," tukoy niya sa amin ni Cedric, ako at Zhujhen. "Hangga't maaari, ayaw ko sanang sumama ka pa, Cail dahil kay Stella. Nagkalat din ang mga bata niya. But I know you. There's nothing we can't do to make you stop here."

Ngumisi lang sa kanya si Zhujhen. "Buti alam mo, kami na ang bahala kay Colton."

Hanga talaga ako sa tapang nya.

"Kayong dalawa." Itinuro niya kaming dalawa ni Cedric. "Be alert, guys. Pakibantayan na lang din si Cail." 

Tumango kaming dalawa ni Cedric.

"Johannes, give me the Colton properties you remember so we can start tracing the places," ani Lyka sa akin, at nag-umpisa na kaming magplano.

Tulong tulong ang grupo. Ang isa pa naming pinoproblema ay si Stella na ayaw tigilan si Zhujhen na mapabagsak.

Pansamantala ko munang isasantabi ang nararamdaman ko. Kailangan naming mag-focus sa ngayon kay Colton. Alam kong malaki din ang pagkakagusto niya kay Nancy. Pero hindi ko siya hahayaan. Kailangan niyang mawala!



Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon