CHAPTER 4: Box of Letters

1.4K 43 1
                                    


"Kumusta ka na, Nancy? Patagal nang patagal, paganda ka nang paganda," ani Colton habang titig na titig sa akin. 'Yong titig niya na may halong pagkamanyak.

"Ah, eh, matagal na--aray!--A-Akong maga--a-aray!--nda," putol-putol kong sagot kay Colton dahil sa sakit ng hita ko na kanina pa kinukurot ni Zyra sa ilalim ng mesa!

Kasalukuyan na kami ngayong kumakain sa isang mamahalin na restaurant na si Colton ang siyang nag-imbita sa amin kanina at kanina pa rin ako niyayayang umalis ni Zyra. Mukhang pasa-pasa na nga hita ko! Huhuhu. Isusumbong ko siya sa mahal kong prinsipe!

Noon pa man ay inis na inis na siya kay Colton dahil may pagkamanyak nga kung tumingin. Para kang hinuhuburan sa mga tingin niya! At mukhang hindi mapagkakatiwalaan.

Palagi si Colton pumupunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan namin para kumain at para titigan lang ako. Kung minsan nga ay natatakot na ako. Ngunit mga ilang buwan lang ay bigla siyang nawala at ngayon ay naririto na naman siya.

Naging classmate ko siya noong high school pero mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Repeater kasi siya noon dahil bulakbol at palaging napapasabak ang grupo niya sa kung saan-saang gulo.

"May problema ba?" tanong niya kasabay nang tangka niyang paghawak sa kamay kong nakapatong sa mesa.

Kaagad ko namang inalis ang kamay ko doon at inihawak sa tiyan ko. Hinimas ko iyon at nagkunyaring sumasakit.

"Ah, eh, k-kanina pa kasi sumasakit ang t-tiyan ko. A-Aray, masakit talaga, eh. Naparami yata nang kain. Ang dami mo naman kasing in-order." Ginalingan ko ang pag-arte, 'yong papasa ng Oscar award.

Pinilit niya kasi kami na kumain kahit sobrang tanggi na ang ginawa namin kanina ni Zyra sa kanya. Pero nagpumilit pa rin siya at 'sang katutak pa na pagkain ang in-order niya sa waiter!

Mapera na siya ngayon, ha. Ang alam ko kasi ay nagtitinda lang sa bangketa ang tatay at nanay niya noon. Hindi ko minamaliit 'yong gano'n, ha. Marangal na trabaho 'yon. Sinasabi ko lang 'yong pagkakaiba niya noon at sa ngayon.

"Sige, ihahatid ko na kayo. May dala naman akong sasakyan sa labas, eh. Para makauwi kaagad kayo nang mabilis," alok niya na ikinahinto ko at ikinatanga sa kanya.

Wow! Yaman na talaga nito, ah. Ano kaya ang naging trabaho nito at umasenso nang gano'n kabilis? Baka p'wede ako do'n.

Pero lalong hindi ako sasakay do'n, no? Baka hindi ako makalabas doon ng buhay! Gusto ko pang makita 'yong mahal ko.

"Ahm...m-magbabanyo na lang muna ako. Baka hindi ko na kayanin, eh. Magkalat pa 'ko sa sasakyan mo. Nakakahiya naman sa 'yo." 

Napalingon ako kay Zyra nang mauna pa siya sa aking tumayo. Kaagad na rin akong sumunod sa kanya bago pa niya ako iwanan!

"Halika na, beb. Baka may pila pa sa restroom, mahirapan ka pa lalo," aniya kasabay nang paghawak niya sa braso ko at paghatak niya sa akin paalis.

"Thank you talaga, Colton, ha. Mauna ka na, mag-ingat ka sa biyahe at salamat din sa food," sabi ko na lang bago kami tuluyang tumalikod ni beb Zyra.

"Walang anuman, basta ikaw. Sabihin mo lang kung anong kailangan mo, ibibigay ko," pahabol niyang sagot mula sa likuran namin pero hindi na namin siya nilingon pa.

Ewan ko ba, para akong masusuka sa mga sinasabi niya!

"Gees! Ang creepy niya! Natatakot ako sa kanya," bulalas ni Zyra nang tuluyan na kaming makalayo. 

"Ssshhh. Huwag ka ngang maingay. Baka marinig ka no'ng tao."

"Totoo naman. Tumatayo na nga ang lahat ng balahibo ko sa kanya, eh." Hinimas niya ang magkabila niyang braso.

"Lahat ba talaga? Pati sa baba?"

"Huh? Wala na akong buhok sa baba, no? Tongik!"

"Aray!" napadaing ako nang bigla pa niya akong binatukan! Brutal talaga 'tong babaeng 'to.

Lumabas na kami ng restaurant at nagtungo sa National Bookstore.

"Beb, pili mo naman ako dito ng maganda. 'Yong sweet," sabi ko habang namimili ng mga stationery na may mga heart na design. 

Hindi ko mapigilang samyuin ang amoy ng mga papel dahil sa bango nila na parang walang katulad. Hmm...kakagigil!

"Ang clingy mo, beb. Tama na 'yong yellow pad!" sagot naman ng bruhilda habang nasa harapan siya ng mga sign pen at doon namimili.

Napasimangot ako.

"Paano naman naging clingy, eh hindi pa nga kami nagkakasama. Ni hindi ko pa nga 'yon nakikita, eh." Ibinalik ko ang ibang stationery at iniwan sa kamay ko ang may mga heart na design.

"Ayon na nga ang sinasabi ko, eh." 

Hayan na naman siya. Lumayo na ako at mabibingi lang ako sa mga sasabihin na naman niya. Daig pa niya ang nanay kong paulit-ulit sa panenermon.

Lumapit na ako sa counter at mabilis na nagbayad. Nang matapos ay kaagad na rin akong lumabas nang hindi siya nililingon.

"Hoy, beb! Iniwan mo 'ko!" sigaw niya mula sa likuran ko.

Hindi ko siya nilingon at hindi ko rin mapigilan ang matawa sa kanya.

Hindi na kami nagtagal pa sa Mall dahil lumalalim ang gabi. Kaagad na rin kaming umuwi.

***

BAHAY

"Bonbon! Bonbon! Bonbon! Yuhoooo! Saan ka ba? Wiwitttt!" tawag ko kay dogie ko habang bitbit ko ang pasalubong ko para sa kanya.

Kaagad ko rin namang narinig ang malakas niyang tahol mula sa loob ng tindahan. Lumabas siya mula doon na kakawag-kawag ang buntot at nakatanaw sa kinaroroonan ko.

"Halika, dali!" 

Kaagad din naman siyang tumakbo palapit sa akin. Umupo ako sa harapan niya kaya nagawa niyang dila-dilaan ang mukha ko! Hmmm...amoy aso!

Askal lang naman itong alaga ko kaya okay lang sa kanya ang mga tira-tira na pagkain. Malaki at mataba ang katawan niya. Makinis ang kulay puti niyang balahib na may halong kaunting light brown.

Kaagad kong ibinigay sa kanya ang mga pagkain kong dala kaya naman tuwang-tuwa siya. Hinimas-himas ko ang ulo niya habang kumakain. 

"Napakabait naman talaga ng dogie kong ito! Kakagigil ka!"

Binigay lang ito sa akin ng isa kong friend na dati kong classmate noong nakaraang taon lang. Sa kaibigan daw niya ito at ibinigay lang din daw sa kanya. May allergy daw siya sa aso kaya ibinigay naman niya sa akin.

Eh, ang cute-cute niya pa noon kasi baby pa siya kaya kinuha ko. Pero ngayon, kata-cute na dahil damulag na siya. Napakabilis niyang lumaki pero mabait naman siya, lalo na sa akin.

Tumayo na ako at hinayaan siya sa pagkain niya.

"Ma, akyat na po ako!" sigaw ko kay Mama na nasa loob ng tindahan. 

Ngunit hindi siya sumagot at natanaw kong abala siya sa isang kapitbahay na bumibili. Si Papa naman ay naririyan lang sa labas at palaging nakatambay.

"Niana, Nuke. Matulog na rin kayo, ha. Mag-toothbrush muna at mag-halfbath bago matulog," sabi ko sa mga nakababata kong mga kapatid na kambal, na ngayon ay tutok sa mga home works nila sa sala. Boy and girl sila at parehong 12 years old.

"Opo!!" sabay din nilang sagot ngunit hindi man lang ako nilingon at patuloy lang sila sa kanilang mga pagsusulat.

'Yan naman ang gusto ko sa kanilang dalawa. Nagtutulungan sila sa mga aralin nila sa school at magkasundo. Minsan ko lang nakitang mag-away ang dalawang 'yan at kaagad din namang nagbabati.

Lalo na pagdating sa school. Kampihan silang dalawa at hindi naghihiwalay.

Umakyat na ako sa ikalawang palapag at tumuloy sa silid ko.

Kinuha ko muna ang isang hindi kalakihang box ko sa ilalim ng kama ko at binuksan. Naririto ang mga liham ng aking mahal na prinsipe, na paulit-ulit kong binabasa habang naghihintay ng susunod niya pang mga liham.

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon