FOUR YEARS LATER
"Prince! Come back here!" habol ko sa anak kong sobrang kulit. Magesh!
Three years old pa lang siya, pero daig pa niya ang 12 years old sa bilis tumakbo! Pinapagod ako ng batang ito! Kanino ba ito nagmana ng kakulitan?
"Prince! Where are you?" Huh? Asan na 'yon?
Inikot ko na ang buong simbahan. Narito kasi kami sa rehearsal ng kasal ni Kenneth. Si Kenneth ay ang branch manager namin sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko dati. Nag-resign na kasi ako simula noong pinagbuntis ko si Prince.
After ni Kenneth makipagtaguan at habulan sa girlfriend niya, sa wakas napagod din sila, at ayon, magsasakalan na sila—este, kasalan pala.
"Hey, kanina ka pa ikot nang ikot. Sinong hinahanap mo?"
Napalingon ako kay Chris na nasa likuran ko pala.
"Si Prince, eh. Kanina nandito lang 'yon. Takbo kasi nang takbo, eh. Ngayon, hindi ko na makita." Medyo kinakabahan na ako kapag ganitong matagal-tagal siyang hindi magpakita.
"Mommy!"
Huh?
Napalingon ako sa may gate ng simbahan, at doon ko nakita ang aking anak. Anong ginagawa niya ro'n? Lumabas ba siya?!
"Prince!" Kaagad ko siyang sinalubong.
"Hey, little boy! Where have you been?" Binuhat naman siya ni Chris.
"Outside po. The kings called me and then he gave me this." Ipinakita niya sa amin ang hawak niyang ice cream in cone, na may bawas na. May mga kalat na rin nito ang mukha niya!
Napanganga naman ako.
"Who gave you that?" Inagaw ko ito sa kanya. Baka mamaya ay may lason ito, kung sino mang Poncio Pilato na nagbigay nito sa kanya!
Itinapon ko ito kaagad sa malapit na basurahan.
"Nancy," tawag sa akin ni Chris, na para akong sinasaway. Nakita ko naman ang anak kong namula ang ilong at pisngi, at humihikbi-hikbi na.
"I told you, don't talk to or accept anything from strangers. Do you know who he is?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko, pero hindi siya sumagot hanggang sa umiyak na siya ng malakas.
Sumubsob siya sa leeg ni Chris at yumakap. Hinagod-hagod naman ni Chris ang likod niya.
"Prince baby, come on. Come to Mommy." Sinubukan ko siyang kunin, pero ayaw talagang sumama ng bata. Humigpit pa lalo ang yakap niya kay Chris. "Prince, namimihasa ka na ng ganyan!" napasigaw na ako, na agad ko ring pinagsisihan dahil lalong lumakas ang kanyang pag-iyak at baka natakot pa sa akin.
"Nans, huwag mong sigawan ang bata," bulong ni Chris sa akin at pinanlakihan pa ako ng mga mata. Daig pa nila ang mag-ama!
Napahikbi na rin ako at naiyak.
Masama ba akong ina para pagbawalan ang anak ko ng ganun? Hindi namin kilala 'yon; baka mamaya marumi 'yung binigay na pagkain sa anak ko. Hindi ko na kakayanin kapag pati ang anak ko ay mawala sa akin! Mamamatay muna ako!
"Haayst," sabi ni Chris at kinabig din ako para yakapin. "Pasaway talaga kayong mag-ina. Tama na 'yan. Tahan na. Prince, look at Mommy. She's crying because of you."
Lumingon naman sa akin si Prince, pero humihikbi pa rin.
"Say sorry to mommy. Don't you love mommy?" tanong niya kay Prince na nakatitig na lang sa akin at sumisinghot-singhot.
BINABASA MO ANG
Behind Those Sweet Words (Editing)
Misterio / SuspensoAll Rights Reserved (2019) A side story of The Real Culprit. Nancy Hernandez is just a simple waitress in a famous and expensive restaurant owned by the Delavegas. No boyfriend since birth and have never experienced dating. Until one day, she rece...