Nancy"Kuya Ed!" sigaw ko kay kuya Ed nang matanaw ko siyang dadaan sa tapat ng tindahan namin.
Kaagad din naman siyang napalingon sa akin.
"Oh, Nancy. Ke aga-aga, eh abot sa kabilang kalye ang boses mo."
"Wala pa po ba?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
Ghad! February 14 na bukas, hindi man lang siya sumasagot sa sulat ko!
Ano bang nangyari sa lalaking 'yon? Hindi ba niya natanggap ang sulat at gift ko para sa kanya no'ng january? Nagtampo ba siya? Nagalit ba siya dahil hindi ako nakasulat kaagad sa kanya no'ng December?
Naman, eh! Mababaliw na naman ako dito sa kahihintay! Hindi ba niya nagustuhan ang gift ko?
"Naku, iha, maraming beses na akong nangalkal doon sa opisina pero wala pa talaga, eh. Antay-antay mo lang, ha? Malay natin mamaya meron na."
"Daan ka po 'agad dito 'pag meron na, ha?" Hindi ko mapigilang malungkot ng sobra.
"Oo na, sige na. Mauuna na ako." Kaagad na rin siyang sumakay sa akay niyang bisikleta at umalis.
"Sige po! Ingat po!"
Pumasok na lang akong muli sa loob ng bahay at naupo sa sofa. Para akong lantay gulay at walang kagana-gana.
Dinampot ako ang remote control at binuhay ang t.v. Wala pa namang bumibili sa tindahan. Ako lang ang tao ngayon dito sa bahay dahil nasa school ang dalawang bubuwit namin. Si mama at papa naman ay nasa palengke.
"Nans! Nand'yan ka ba? Tao po!"
Napalingon ako sa tindahan nang makarinig ako nang sunod-sunod na katok at malakas na boses ni Berna.
Kaagad akong tumayo at nagtungo doon. Natanaw ko naman kaagad sa labas si Berna sa labas.
"Oh, Berna, bakit?" Isa siya sa mga kapitbahay namin. Napansin ko ang bitbit niyang tuta.
"Hay naku! Madali ka! May ibibigay ako sa 'yo. Buksan mo 'yong pinto, dali!" bulalas niya sa labas kasabay nang pag-ikot niya patungo sa pinto namin sa kanang bahagi.
Kaagad ko rin naman itong binuksan.
"Ano ba 'yon? Ang cute naman niyan? Akin ba 'yan?" Namilog ang mga mata ko nang mas matunghayan ko na ang bitbit niyang puting tuta.
Kinuha ko kaagad ito mula sa kanya at niyakap.
"Ang cute!" Puting-puti ang kulay niya na may halong brown.
"Gusto mo ba? Sa 'yo na lang. Bigay kasi 'yan ng friend ko, eh. Kaso may allergy ako kaya hindi ako p'wede sa hayop."
"Hindi siya hayop, baby tuta siya," sagot ko naman sa kanya bago ko hinalik-halikan ang nguso ng napaka-cute na tuta. "Ang bango-bango pa niya! Itatabi ko 'to sa higaan ko."
"Sasabihin ko na lang na naibigay ko na sa 'yo, ha. Sige, aalis na ako."
Napalingon ako sa kanya nang mapansin ko ang pagmamadali niyang tumalikod. Ni hindi man lang hinintay ang sagot ko!
"Yiiieeh! May name ka na ba, baby ko?" Isinara ko na lang muli ang pinto at saka pumasok sa loob ng bahay.
Muli akong naupo sa sofa at kinalong siya.
"Ano kayang ipapangalan ko sa 'yo?"
Hinihimas ko siya habang nag-iisip ng magandang name para sa kanya.
"Baby?"
Ah, hindi.
"Ay, wait. Ano bang gender mo?"
Sinilip ko ang ari niya at nakita ko ang pututoy niya.
"Lalaki ka pala, eh. Anong bagay na name para sa 'yo?"
Napatunghay ako sa nakabukas na t.v habang nag-iisip. Sakto namang may commercial ng gatas ng baby.
"Bona."
"Bonakid?"
"Eh, lalaki. Hindi naman p'wedeng bona. Pangirlalo 'yon."
"Bon."
"Bon?"
"Bonbon?"
"Bonbon!" bigla kong sigaw na ikinagulat niya. Tumayo siya mula sa kandungan ko at nagkakawag ang buntot.
"Bonbon baby!"
Muli ko siyang niyakap at hinalikan. Dinila-dilaan niya naman bigla ang labi ko!
"Bonbon na ang name mo simula ngayon, ah? Bonbon. Bonbon, chuuuuu!"
***
PRINCE J
February 14, 2017
Mahal kong Prinsipe,
Galit ka po ba sa 'kin? :(
Bakit no reply? Nag-sorry na 'ko, ah. :(
'Di mo po ba nagustuhan 'yong gift ko sa 'yo?
Ano pa bang gusto mong gift ko sa 'yo para hindi ka na magalit?
Oo?
'Yon ba ang gusto mo?
Oo.
'Yong Oo ko ba ang gusto mo? Sa 'yo na! Ibibigay ko na! Huhuhu. :(
Alam mo ba na may bago na akong love ngayon. Ikaw sana kaso kinalimutan mo na 'ko. :(
Kaya si bonbon na ang bago kong love. Ang kyut niya! Mas kyut sa 'yo. Plus kasing kyut ko din. Oh, bongga!
Mahal na Prinsipe, 'pag hindi ka pa din nag-reply dito, babawiin ko na 'yong Oo. Bahala ka d'yan!
May bagong mahal,
Nancy
"Oh, naibigay ko na, ha. Ano pang hiling mo, mahal na prinsipe?" nang-aasar na namang sabi ni Cedric sa harapan ko.
I ignored him and immediately stood up.
I couldn't help myself to smile. Gusto kong magtatalon sa sobrang saya. Ano bang ibig niyang sabihin sa Oo niya?
I think I'm going crazy! Damn woman!
BINABASA MO ANG
Behind Those Sweet Words (Editing)
Mystery / ThrillerAll Rights Reserved (2019) A side story of The Real Culprit. Nancy Hernandez is just a simple waitress in a famous and expensive restaurant owned by the Delavegas. No boyfriend since birth and have never experienced dating. Until one day, she rece...