CHAPTER 32: Pain

1K 35 0
                                    


Nancy

Hindi ko mapangalanan kung gaano ka-sakit ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala sa lahat-lahat nang nalaman ko.

Paano nangyari 'yon?
Paano niya nagawa ang lahat ng 'yon? Nakapatay siya? Paano? Bakit?

At hindi lang basta kung sinong tao lang ang pinatay niya. Ama pa ng mga kaibigan kong itinuturing ko ng mga kapatid.

Paano ko sasabihin sa kanila ito? Paano ako haharap sa kanila? Paano pa ako makikisama sa kanila kung alam ko sa sarili kong ang pumatay sa ama nila ay ang taong pinakamamahal ko.

Hindi ko lubos maisip kung paano ako nagmahal ng isang kriminal.

Kaya naman pala! Kaya naman pala idinaan niya sa sulat ang lahat! Kaya pala hindi niya makuhang magpakilala sa 'kin. Kaya pala hindi niya masabi sa akin ang address niya, ang contact number niya. Lahat nang dapat pagkakakilanlan niya. Itinago niyang lahat sa 'kin 'yon.

Bakit hindi niya sinabi sa akin sa umpisa pa lang? Bakit kailangan niya 'kong gaguhin? Bakit kailangan niya 'kong lokohin? At anong naging kasalanan sa kaniya ng ama ni Cail o ng pamilya ni Cail para gawin niya 'yon?

Maraming tanong sa isip ko na hindi ko na alam kung anong tama o mali.

Nasa tapat na ako ng bahay namin nang matanaw ko sa kabilang kalye ang pamilya ni Chris. Nagsasakay sila ng ilang maleta sa taxi.

Nakita ko si Chris na nakatayo sa gilid ng taxi at nakatingin sa akin. Tumawid siya ng kalsada at lumapit sa akin.

"Sinong aalis?" mahinang tanong ko sa kanya.

Nakatitig lang siya sa akin. Napayuko naman ako. Siguro sa ngayon ay magang-maga na ang mga mata ko.

"Okay ka lang? May nangyari ba?" tanong niya kasabay nang pagtangka niyang paghawak sa akin. Pero kaagad akong umiwas at ngumiti sa kanya.

"Hindi, wala 'to. Okay lang ako." Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. "So, sinong aalis?" tanong kong muli, pero mukhang alam ko na ang sagot base sa postura nyang bihis na bihis.

Lumingon ako sa likod niya sa kabilang kalye at hindi naman nakabihis pang alis ang kanyang pamilya. Nakatitig lang siya sa akin. 

Maya-maya'y bumuntong-hininga siya ng malalim bago nagsalita, "tinanggap ko na 'yong offer ni tito Ricky na trabaho sa business niya sa Italy. Doon na muna ako. Sayang din 'yon. Malaki-laki din 'yon." Sumilay ang munting ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin.

"Ganun ba? Okay 'yon. Mabuti." Napatango-tango naman ako. "Magiingat ka do'n." 

"Oo naman. Ikaw din." Dumaan ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata ngunit kaagad din itong naglaho.

"Pasalubong, ha. Pagbalik mo huwag mong kalilimutan. Oh, baka naman makalimutan mo na kami di--" Naputol bigla ang sinasabi ko nang bigla siyang yumakap sa akin.

Napahinto naman ako.

"Please, ngayon lang. Payakap lang kahit saglit," bulong niya sa tainga ko.

Hinayaan ko na lamang siya at niyakap din siya ng mahigpit. Hinagod ko ang kanyang likod dahil pakiramdam ko ay parang may mabigat siyang pinagdaraanan sa ngayon.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at paghinga niya ng malalim. "Ganito pala ang feeling kapag ka-yakap ka." Bigla na lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Mami-miss kita."

Medyo tinapik ko ang likod niya.

"Hindi kita mami-miss," biro ko naman sa kanya.

Kumalas na rin siya mula sa akin. 

"Alam ko naman 'yon," aniya habang may ngiti sa mga labi.

Natawa na din ako sa kanya. "Basta ingat ka don."

"Sige. Una na 'ko." Humakbang na siya paatras at tumalikod. Kumaway pa siya sa akin bago sumakay ng taxi. 

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.

Pagbaling ko sa bahay namin ay nadaanan ng paningin ko ang dulong bahagi ng kalye. Napalingon akong muli doon hanggang sa matanaw ko ang lalaking nakasandal sa unahan ng kotse at nakaharap sa gawi ko.

Muling lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Johannes

Kahit madilim sa pwesto niya ay kilalang kilala ko na ang pigura niya. Nakatitig lang siya sa akin sa malamlam niyang mga mata.

Nang makita kong tangka siyang lalapit sa akin ay mabilis na akong tumalikod at pumasok ng bahay namin. Na-realize kong mali ang mga nasabi ko sa kanya kanina. Marami akong masasakit na mga salitang nasabi sa kanya at sinundot ang kunsensiya ko.

Nabigla lang naman ako dahil sa gulat sa mga natuklasan ko sa kanya, kaya ko nasabi ang lahat ng 'yon.

Noong tanungin ko siya ay hindi man lang niya pinagtanggol ang sarili niya. Hindi man lang niya itinanggi na mali ang ibinibintang sa kanya, pero nanatili lang siyang tahimik. Para na rin siyang umamin sa pagkakamali niya.

Sa ngayon ay hindi ko pa siya kayang harapin. Huwag na muna siyang magpakita sa akin. Kailangan kong mag-isip-isip.

Umakyat na 'ko sa itaas at pumasok sa kwarto ko. Sumubsob ako sa kama ko. Iniyak ko na lang muli ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya.

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon