Chapter 7: Words

1.2K 35 0
                                    

Nancy

"Nancy! Tao po!"

"Andyan na po!" kaagad kong sigaw nang marinig ko ang tinig ni kuyang Kartero sa labas.

Kaagad akong tumakbo patungo sa tindahan mula sa masarap kong pagkakaupo sa silya dito sa kusina! Nag-a-almusal kasi ako ng masarap na sinangag with fried tuyo, itlog na may kamatis at calamansi. 

Napakasarap naman talaga!

Nakita ko si kuyang Kartero na kumakatok sa tindahan. Siguradong may sulat na naman ako!

"Kuya Ed, kilala niyo na po ba 'yong nagpapadala ng liham ko?" tanong ko sa kan'ya?

Wala kasi talagang pangalan ang mga liham na natatanggap ko at ang masaklap ay wala ring address kung saan itong lupalop nagmumula! Basta na lang daw itong dumadating sa post office.

At kung magpapadala naman daw ako ng sagot sa liham ay ipadala ko na lang daw sa kan'ya at dadalhin niya rin sa post office. May kukuha daw doong tao.

Hala! Teka, hindi kaya 'yong taong kumukuha doon ay ang taong sumusulat din sa akin?

Dapat ay dito na lang niya idine-diretso sa bahay namin, 'di ba? Para makilala ko siyang hayp siya! Gigil niya ako!

Eh, baka naman lalo na 'yon hindi magpakita sa akin dahil natakot sa banta ko. Duwag pala siya, eh. Susuntukin ko talaga siya!

"Eh, pasensiya ka na, ineng. Hindi ko talaga naabutan doon 'yong taong kumuha ng sulat mo no'ng nakaraan. Saglit lang kasi ako doon. Kukunin ko lang ang mga liham na ii-ikot ko sa mga bahay sa buong maghapon. Babalik sa tanghali at aalis ulit. Sa hapon na ulit ako makakabalik kaya malamang, hindi kami magkita," mahaba niyang paliwanag. Muntik nang hindi makahinga.

Napahinga na lang din ako ng malalim. 

"Ano bang trip ng lalaking 'yon sa buhay at pati ako ay dinadamay?! Lagot talaga siya sa akin kapag nakita ko siya! Lalatiguhin ko talaga siya! B'wisit siya! Teka, wala pala akong latigo. Ah, sinturon na lang! Sinturon ni hudas barabas!"

Napahinto naman ako nang may naramdaman akong malagkit sa aking kamay.

"Kunin mo na ito, ineng. Kanina pa ako nangangawit dito at saka huwag mong suntukin 'yang mga itlog. Hindi ka naman nila ina-ano. Huwag mo silang idamay sa galit mo," sabi ni kuyang Kartero habang ina-abot niya sa akin ang puting sobre.

Napamulagat naman ako sa mga itlog na nasa harapan ko, na nagkabasag-basag na at nagkalat na iyon sa kanan kong kamay! 

"Naku po, lagot na."

"Nancy!" Boses ni mama na bigla na lamang sumigaw sa likuran ko.

Kaagad namilog ang mga mata ko kasabay nang paninigas ko mula sa kinatatayuan ko.

"M-Mama...ah, eh, hehe! B-Bayaran ko na l-lang. Hehehe!" Dahan-dahan akong lumingon sa kanya na may kasamang pag-peace sign.

Mabilis kong kinuha ang puting sobre mula sa kamay ni kuya Ed at saka mabilis na tumakbo papasok ng bahay! Mabuti na lang at hindi ako nakurot ni Mama sa singit!

                                                                                                                        March 25, 2016

Mahal kong Prinsesa,

       Alam mo bang halos magpapiyesta na ako ngayon? Dahil 'yong matagal ko nang kahilingan, sa wakas ay natupad na.

       'Yong araw na natanggap ko ang liham mo ay ang pinakamasayang araw na naramdaman ko sa buong buhay ko. Paano pa kaya kung sa personal na kita nakakausap? P'wede ko na sigurong hilinging hanggang doon na lang aking huling sandali. Dahil ayoko nang mabago pa ang aking kapalaran at dumating sa panahong bumalik sa dati, na hindi mo pa rin ako napapansin.

        Ang galing mo pa lang manakot. Pero alam mo ba kung anong mas kinatatakutan ko? 'Yong mawala ka at tuluyan na kitang hindi makita at kahit saglit lang ay hindi man lang makasama.

        P'wede ba akong muling humiling? Kahit kaibigan lang sana'y pagbigyan mo. Masaya na ako do'n, basta makausap ka lang.

                                                                                                                                  Nagmamahal,

                                                                                                                                    Prince J


Tinatanong ko ang sarili ko.

Bakit lahat nang salita niya ay parang kay bigat sa pakiramdam ko?

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon