CHAPTER 38: Explosion

1K 34 0
                                    

"Halika dito! Akala niya siguro ganon-ganon na lang ako kadaling makukuha?" humahalakhak na sabi ni Colton habang kinakalagan na niya ang mga tali sa aking mga paa.

"Hayop ka talaga! Pabayaan mo na kami!" sigaw ko sa kanya.

Matapos niya akong kalagan, basta na lang niya akong hinatak palabas ng kwarto.

"Zyra!" tawag ko kay Zyra dahil naiwan siya sa loob sa ganoon pa ring posisyon. "Please, pakawalan mo si Zyra! Parang-awa mo na!"

"Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko yang bunganga mo!" sigaw niya sa akin habang itinutok ang hawak niyang baril sa bunganga ko. Napatahimik ako sa takot. Zyra.

Lumilingon-lingon ako sa pinanggalingan naming kwarto kung saan naiwan si Zyra.

Muli akong nagulantang sa malalakas na putok ng baril na nagmumula kung saan-saan.

"Putangina!" sigaw ni Colton nang madaplisan siya ng bala sa balikat!

Medyo nasubsob pa ako sa pader na nasandalan namin. Pagkakataon ko na ito habang iniinda niya ang sakit sa kanyang balikat.

"Aaaahh!!" sigaw ni Colton nang malakas kong kagatin ang braso niya at buong lakas kong tinuhod ang bayag niya. "Walanghiya kang babae ka!"

Hawak-hawak niya ang bayag niya gamit ang magkabila niyang kamay habang nagpagulong-gulong sa semento dahil sa sakit. Mabilis akong tumakbo papunta kay Zyra!

"Zyra!"

Pero bigla akong napatago sa tambak ng malalaking drum nang matanawan ko ang isang lalaking may hawak na baril at papalapit sa akin! Tumambol bigla sa kaba ang dibdib ko.

Gabi na kaya madilim na ang paligid. Sumiksik ako sa kumpulan ng mga malalaking drum.

Nangangatal ang buo kong katawan sa takot. Bigla akong napahawak sa puson ko nang makaramdam ako ng konting pananakit.

Ang baby ko!

Patuloy ang palitan ng putok na naririnig ko sa paligid.

Nararamdaman ko na ang mga yabag na papalapit sa akin, nang bigla na lang may malalakas na brasong kumulong sa katawan ko at isang kamay ang tumakip sa bibig ko.

Nanigas ako sa labis na takot at gulat! "Hmpp!!"

Gusto kong sumigaw at magpumiglas, pero bigla kong nakilala ang amoy ng lalaking nakayakap sa akin mula sa likuran. Mabilis niya akong inilayo mula sa tambak ng mga drum.

Nang makalayo na kami ay mabilis niya akong isinandal sa liblib na pader at hinalikan ng mariin sa mga labi habang nararamdaman kong kinakalas na niya ang tali sa mga kamay ko sa likuran.

"Uhmnn," ungol ko at mabilis na tumugon sa mga halik niya. 

Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya nang makalas na ang mga tali. 

"Johannes." Naiyak ako sa sobrang saya dahil sa wakas ay nayakap ko na rin ang mahal ko.

"Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" Tsinek niya ng paulit-ulit ang katawan ko. Kitang-kita sa kanya ang labis na pag-aalala.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry, mahal ko, sa lahat ng mga nasabi ko. Patawarin mo ako. Nagkamali ako. Hinusgahan agad kita, ni hindi kita binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Mahal na mahal na mahal kita, mahal kong Prinsipe—ummh." Naputol ang sinasabi ko nang muli niya akong halikan ng matagal sa mga labi.

Muli din siyang kumalas at tumitig sa aking mga mata.

"Kalimutan mo na ang lahat ng 'yon. Lagi mong tatandaan na higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko para sa'yo... Nag-iisa kang Prinsesa para sa akin. At gagawin ko ang lahat-lahat para sa'yo. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit... Mag-iingat ka lagi para sa'kin, mahal ko." 

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon