01: The New Me

3K 61 0
                                    


Andrea's POV

Siguradong alam niyo na ang tungkol sa pangalan ko. Ako pa din naman si kate bartolome pero kelangan ko muna itago ang totoong ako.

*bang*
*bang*

"Nice shot" banggit ni kuya earl. Kasalukuyang nagta-training ako ngayon. Ilang years na nila akong pinagta-training. Sa loob ng 4 na taon marami akong natutunan at nalaman.

Marami na din akong sports na natutunan hindi lang iyon pati pagtugtog ng gitara ay natutunan ko din. At siyempre di ko inaasahang may talento ako sa pagkanta.

Namana ko daw ito sa mama ko at lola ko. Narinig ko nang kumanta si lola pero si mama? Hindi pa, at mukhang di ko na maririnig iyon.

Tinuruan naman ako ni kuya jonas mag japanese word, kasi dun siya nagaral dati, kaya magaling ito magsalita ng japanese.

Inabutan ako ni kuya earl ng tubig. "Thankyou" at habang tumatagal nagiging matured na ako.

"HAH! HAH! HAH!" nakita namin si kuya max hinihingal

"Kuya max!" Masaya kong bati. Inabutan ko ito ng tubig. "Hah! Salamat naman andrea."

Iniinom na niya ito. I smirked, pinisil ko ang plastic bottle para bumuga ang tubig sa loob.

"AHAHAHAHAHA! your face is epic!"

Sinimangutan lang ako ni kuya max. Nanahimik nalang ako. Sabi ko naman sainyo e matured ako konti lang. Tumalikod nalang ako para mapigilan ang tawa.

Kaso pag talikod nagulat ako pumunta sa harap ko si kuya max at BINUHUSAN AKO NG TUBIG SA MUKHA!

"Ahahahahaha! Your face is more epic!"

Psh! Nakagante lang e. "Tignan mo nga naman ang bata nagsama."

"Di kami bata 'no!" Sabay namin sabi ni kuya max.

Pftt... "Magpalit ka na sa loob kate at may paguusapan tayo." Tumango ako at pumasok nasa loob para mag palit.

Habang nagpapalit ng damit ay nakita ko ang picture ni lola at ni mama.

Napakaganda talaga ng mama ko. Syempre di magpapakabog ang lola ko. Hihi.

Wala rito si lola ngayon umalid ito matanda na siya pero ang kanyang itaura para bang mga nasa 30+ lang pero ang totoo e nasa 60 anyos na.

Kabog ang lola ko! Lalabas na sana ako ng makita kong bukas ang tv namin.

"Nagbabalita, may nakitang bangkay ng isang babae sa basurahan nitong mga nakaraang hapon. At isa itong istudyante na nagngangalang kate chariz flores. May limang saksak bawat katawan."

"Mga kuya tignan niyo po ito!" Tawag ko sakanila.

"Ano yun kate?" Tinuro ko nalang ang balita sa tv.

"Kilala na ba kung sino ang gumawa nito jasmine?"

"Wala pa pong may alam kung sino ang may gawa nito. Pero ang nakakagulat nito napansin ng mga pulis ay lahat ng tinatarget nito ay puro istudyante at puro kate ang nagsisimulang pangalan"

THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon