49: IT'S YOU

879 33 0
                                    


HILLARY'S POV

tsk! Dalawang araw na ang nakakalipas nang magkita-kita kaming tatlo, at eto ako ngayon, napupuyat kakaisip.

"Hillary, bumaba ka na diyan. Gabi na oh, hindi ka na nga kumain kaninang hapon."

Sabi ni tita Lei, kapatid ni mommy. "Sige po tita, baba na po ako." Sabi ko. Ngumiti naman ito at sinarado ang pinto.

Tumayo naman ako at lalabas sana nang kwarto nang biglang may tumawag sa phone ko.

*ring*

Lumapit naman ako sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag.

o_o

Andrei's calling

Anong gagawin ko!? Eh ayoko siyang kausapin! Hinagis ko naman ang selpon ko sa kama.

Tsk! Ano ba hillary umayos ka nga, it's time to move on! Ngayon hillary kunin mo ang selpon at kausapin mo siya nang NORMAL.

Umupo naman ako sa kama at kinuha ang phone saka sinagot ang kanyang tawag.

"Hillary!" Masaya nitong sabi. Hindi naman ako nagsalita, parang nilagyan nang rugby yung bibig ko eh, hindi ko maibuka.

" *sigh*i know galit ka pa sakin. Okay lang kahit hindi mo ako kausapin ngayon, basta pakinggan mo lang ako."

Ginawa ko din naman ang sinabi niya, since di rin naman ako makapagsalita.

"Sorry kung nagsinungaling kami sayo. Hindi ko na kasi mapigilan ang nararamdaman ko e, kaya nilihim ko sayo, masyado ko kasi siyang mahal hillary, at ganun din siya."

Napahawak naman ako sa bibig ko, umiiyak ako, dahil nasasaktan ako sa pinagsasabi niya. Napapamukha pa sakin na may mahal na siyang iba.

"Sana mapatawad mo kami hillary. Sus kahit galit ka sakin lab na lab pa din kita 'no!"

Bilang kaibigan? Tss... Bakit ko pa tinanong?  Huminga naman ako nang malalim at nagsalita.

"Andrei..." Tawag ko. Saglit naman siyang natahimik.

"Bakit?" Alam kong 'nakangiti ito ngayon sa pananalita palang e.

"Sa tingin mo ba... Makasarili akong tao?"

"Hindi 'no! Kahit kailan di ka nagdamot sa kapwa mo."

Natawa naman ako nang kaunti. "Hindi mo man lang ba naisip na ipinagdamot ko sayo kapatid ko."

Natahimik naman siya.

"Alam naman nsmin na may dahilan ka, kaya pinagbawal mo kami. Hillary wag mong isiping hadlang ka sa buhay ko o sa kapatid mo. Dahil kahit kelan hindi namin naisip yun"

Tuluyan naman akong naiyak. "Sorry! Sorry andrei!"

"Uy! Wag ka nang umiyak diyan! Sabi ko naman sayo hindi bagay ssyo ang umiiyak diba?"

"Sorry talaga!"

"Wala ka namang ginawang masama ano ka ba."

Pinunasan ko naman luha ko. "Pinapatawad na kita, kayo... Susubukan ko kayong suportahan nang kapatid ko."

Pipilitin ko andrei.

"Talaga?"

"Oo."

Kahit masakit, susubukan ko.

"Salamat hillary... Lab na lab kita"

Napangiti naman ako. "Lab na lab din kita."

Sobrang mahal..

THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon