CHRISTINE'S POV2weeks later....
So far... So good... Hindi na niya ako kinukulit, at good news, nawawala na yung nararamdaman ko sakanya.
At hindi pa kami nagpapansinan hanggang ngayon. Dahil nasasaktan pa din ako sa sinabi niyang low class ako!
*dingdong*
Rinig kong doorbell. Bumaba naman ako at binuksan kung sino ang nagdoorbell.
o_o
"Mom? Dad?!"
Niyakap naman nila akong dalawa. "Hindi niyo naman po ako sinabihan na uuwi po pala kayo."
"Nako anak, etong mommy mo sabi i-surprise ka daw kaya eto." Sabi ni daddy at pumasok, pinasok naman nang driver ang gamit nito.
"Nakoo, namiss ko talaga 'tong anak ko!" Masayang sabi ni mommy at kinurot pa ang pisngi ko.
***
Pinaglutuan ko naman sila nang simpleng pagkain.
"Kamusta na anak ko? Pasensya na kung hindi kita nakakamudta sa phone ah.. Busy lang talaga ang mommy mo"
"Ayos lang po.."
"May boyfriend ka na ba?" Biglang tanong ni daddy. Muntikan ko namang maibuga ang pagkain sa bibig ko.
"Ano ka ba daddy? Eh ikaw nga itong ayaw akong magboyfriend eh"
Nakita ko naman itong ngumiti. "Good.. Nga pala pupunta tayo kina karl, dahil ang lolo mo nanduon." Si dad.
"What? Really? Kelan pa po?"
"Kasabay namin siya kanina pero dumeretso siya sa bahay nila karl." Si mommy. Parang may mali ata? Ba't naman pupunta si lolo dito? At hindi Pa dumeretso sa bahay namin?
"Pagtapos natin kumain dito ay puntahan na natin sila, nagaantay na yung lolo mo duon."
"Opo"
***
Pagkapasok na pagkapasok namin ay hinanap nang mata ko si lolo nakita ko naman siyang nakaupo sa sopa. Lumapit naman ako sakanya.
"Lolo jojo!" Masaya kong sabi at niyakap ito.
"Apo kong si christine.. Anlaki nang ipinayat mo."
Kumawala naman ako sa pagkayakap sakanya, at umupo sa tabi nito.
"Lolo, bakit hindi po kayo dumeretso sa bahay namin?" Tanong ko.
"Kinausap ko pa kasi itong si tita emily mo."
Ahhh... Okay?
"Tawagin mo na si karl, kakausapin ko kayong dalawa."
T-teka ba't ako? *sigh* fine...
Umakyat naman ako, at huminto sa harap nang kwarto niya. Kumatok muna ako bago buksan yung pinto.
O_O
"C-christine?"
Tumalikod naman ako. Aiisshh! Wrong timing ka naman christine! Paano ba naman kasi! May babae sa kwarto at naglalampungan ang mga hayup! Yan hindi na virgin mata ko!
>_<
"Andiyan si lolo sa baba... Kakausapin daw tayo."
Sabi ko maglalakad na sana paalis. "Teka.." Sabi nito. Huminto naman ako, at inantay ang sasabihin nito.
"Pasara nang pinto."
Wow ah! Tss... Padabog ko naman itong sinara, at saka bumaba. Bwiset!
"Oh.. Nagaway ba kayo?" Tita emily.
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
RandomDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.