ANDREA'S POV
Our School festival is finally over. Balik nanaman ang lahat sa normal at gaya ng ipinangako sakin ng Black Bravo ay matatapos ang pagiging member ko pagtapos ng school festival pero pinilit din nila akong mag stay ng club but I refused.
Tututok muli ako sa pageensayo ko, hindi iyon natuloy nung mga nakaraang araw dahil sa school festival kaya ngayon ako mag start.
"Bakit hindi ka na lang nag stay sa club?" Tanong ni Kairo sakin na kasama ko ngayon sa park ng HU
"May iba pa akong gagawin bukod sa pag-aaral." Sabi ko habang may tina-type sa laptop na hiniram ko sakanya, ako naman ang pinagawa ni Renz ng powerpoint para sa 2nd report namin at siya naman ang nag research.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na umabante ito at tinitigan Lang ako.
"Stop staring.." Sabi ko ng di siya nililingon. Nakita ko naman itong sumandal.
"May I ask.. Is it true na nililigawan ka nung Dazai na yon?" Tanong nito at muling sumubo sa pagkain.
"He is.." Simpleng sagot ko habang tutok pa din sa laptop.
"Tss... Kung magpapaligaw ka naman na rin lang, sakin ka na sana nagpaligaw." Sabi nito na may inis sa kanyang pananalita.
"Kailangan ba sabihin ko pa sayo na ligawan mo ako?" Simple ko Pa din na sabi.
Bigla naman itong napatingin "Ibig sabihin papayag ka pag niligawan kit—"
"Hindi.. Hindi kailanman... Talagang Hindi... In English NEVER"
"Psh.. Bakit ba kasi ayaw mo?"
"Bakit ba gusto mo? Wala ka namang gusto sakin at ganun din ako.."
"Eh bakit!? Ikaw nga nagpapaligaw wala ka namang gusto!"
Napahinto ako sa pagtatype sa laptop at saka siya nilingon.
"Hindi ko alam kung bakit ka pa binigyan ni Lord ng bibig?"
"Aba't bakit!? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah!"
Dinampot ko naman ang ballpen sa side ng laptop at binato yun sakanya..
"Aray!"
Bumalik naman ako sa ginagawa ko at hindi na siya umimik pa at kumain na lang ng tahimik. Alam niya kapag nanakit ako ibig sabihin lang nun ay naiinis na ako.
Nang matapos ko ma-save ang file ay sinara ko na ang laptop saka nilingon si Kairo.
"You're done?"
"Mm.." Sabi ko at inabot sakanya ang laptop, kinuha niya ito at inayos para ilagay sa lalagyanan at bag..
Pinatong ko naman ang dalawang siko ko sa lamesa saka ko idinantay ang baba ko sa dalawa kong kamay..
"I like him, Kairo.." Sabi ko.. Nakita ko itong napahinto sa ginagawa at napatingin sakin kaya naman nilingon ko ito.
"I just need time.." I sincerely said and smiled at him.
—KINABUKASAN—
*Yawn!*
Lumabas naman ako ng kwarto ko at duon ako agad nakaamoy ng pagkain kaya bigla namang kumulo ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
RandomDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.