ANDREA'S POVMorning! Magaling na ako! At papasok na din ako kasi mahirap ngang humabol sa grades.
Ipinagluto ko ang sarili ko nang hotdog at itlog at nagsaing. Maaga ako gumising kanina para makapag luto ako nang umagahan ko. Kasi 6:30 ang start nang klase.
Nang mailapag ko na ang pagkain sa lamesa ay may nakita akong nakalapag sa lamesa. Isang papel.
Hoy! Make sure na iinom ka muna nang gamot sa umaga, alam kong papasok ka.
-Your future husband.Napataas nalang ang isa kong kilay sa huling sulat. Magre-remind na nga lang may your future husband pa. Ang landi ah.
Anyways, nagpatugtog ako sa phone ko at kumain na. Yum! Kahit eto lang kainin ko sa umaga busog nako.
"Yeeeeshh" sabi ko nang maalala yung nakita kaninang madaling araw. Kasi bigla akong nagising nang alas kwatro, hindi ko na maibalik yung tulog ko kaya ang ginawa ko nalang mag grocery, ginamit ko nalang yung binigay sakin ni lola. Pagdating ko sa maliit na mall ay kumuha na ako nang basket at namili na. Pagdating ko sa mga prutas ay may nakita akong dalawang tao na naghahalikan. Like kadiri ah, mall 'to hindi hotel. Tapos nung nabayad ko na lahat nang pinamili ko ay naglakad na ako palabas. Tapos nung makalabas nako nakakita nanaman akong dalawang taong naghahalikan, same pa din yung babae pero yung lalaki iba na. Nagulat nga ako e hahaha aba two timer si ate. Wala pang masyadong tao nun kaya malayang malaya silang mag sex don hahaha.
Pagtapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan at pinaglutuan ko.
*ring*
Napatingin naman ako sa phone ko na nakalapag sa lamesa. Lumapit ako at tinignan kung sino tumatawag.
"Hello, felix?"
[Oy bakla! Miss na kita! Ayos ka na ba? Di kita mabisita diyan busy ako sa work ko e.]
"Hmm.. Okay lang baliw. Alam ko naman kung gaano ka ka busy e. Actually papasok ako ngayon."
[Huh? Magaling ka na ba?]
"Hmm.. Kakagaling lang kagabi."
[Baka naman mabinat ka niyan.]
"Ako pa? Sakit lang yan. Sige na see you."
Di ko na siya pinagsalita pa at binaba ko na ang tawag at saka pinagpatuloy na ang paghuhugas.
***
"Andrea!" Tawag sakin ni grimmie nang makapasok ako sa room. Lumapit siya sakin at niyakap. Akala mo naman antagal kong nawala.
"Namiss kita!" Sabi nito sabay bitaw sa pagkakayakap. Okay, namiss ko din siya hahaha.
"Bakla!" Si felix at gaya nang ginawa ni grimmie niyakap din niya ako. Namiss ko sila. Nakita ko naman si hillary na nakaupo habang si andrei naman ay parang sinusuyo si hillary.
Lumapit naman ako sakanila. "May problema ba?" Tanong ko. Ayoko sanang mangealam pero parang di talaga sila maayos.
"Andrea, mabuti naman maayos ka na." Si andrei. Nginitian ko naman si andrei saka tinignan si hillary. Nakatunganga lang siya.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay andrei. He shrugged his shoulder. "Di ko nga alam kung bakit di niya ako pinapansin e. Kanina pa ako nagsasalita sa harap niya."
Tumabi naman ako kay hillary. "Hey, you okay?" Sabi ko at hinawakan sa braso. Napatingin naman siya sakin na parang ngayon lang ako napansin.
"Andrea? M-magaling ka na ba?" Sabi nito at niyakap ako. Tumango naman ako. "Ikaw? May sakit ka ba?"
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
LosoweDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.