ANDREA'S POV"Bye!" Sigaw ko sakanila nang makalabas sila nang room. Now it's me and him. Wala pa akong naiisip na igaganti sakanya. Tsk.
Inangat ko ang ulo ko nung makita kong may umupo sa table ko.
"Anong ginagawa mo diyan!?"sigaw ko sakanya. Aba't nginitian pa talaga ako ah!
"Kamusta, masarap bang maligo sa pintura?"
Nginitian ko naman siya."Oo! Kasing sarap ko." Sabi ko sabay tayo at aalis na sana ako nang hatakin niya ako at...
O_o
HINALIKAN NIYA AKO! for the third time!
Tsk! Ano ba 'to!? Eto nanaman ako! Di ko nanaman maigalaw ang sarili ko. Hindi ko siya maitulak! Ano bang nangyayari sakin? Naramdaman ko pang nakahawak siya sa bewang ko.
Di ako makahinga! Piling ko kapag huminga ako... Magulat nalang ako sinasabayan ko na siya sa pag halik! Maya-maya lang ay kumawala na siya sa pagkakahalik pero hindi niya tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. Nakatingin lang ako sakanya at ganun din siya.
'Magsalita ka naman!'
Bigla siyang ngumiti"Ang gwapo ko 'no?" Nanlaki ang mata ko at tinulak ko siya.
"Tss... Hoy! Akala mo papatalo ako sayo?"
"Ang gwapo mo."
Naalala kong sabi nung gabing yun. Sa kwarto ko. At n-naghalikan kami! So pang-apat na pala namin 'to!? Ang landi naman nito!
"T-that night?" Sawakas nakapag salita na din ako. Tinignan niya lang ako at hinihintay ang susunod kong sasabihin
"You kissed me... Don't you?" Inis kong tanong, pero nginitian niya lang ako. Diba! Manyak! Siguro may ginawa siya sakin nung gabing yun! Paano pag nabuntis ako!? Ano nalang sasabihin nila lola!?
'Ang OA ko naman yata magisip?'
"A-anong nginingiti mo diyan!? Sagutin moko! Manyak!" Sigaw ko sakanya. Nakita ko naman ang pagka gulat nang sabihan ko siyang manyak. Totoo naman e!
"FYI... Ikaw ang humalik sakin"
Aba't bakit ko naman siya hahalikan!? Napaka sinungaling nito.
"Uso-tsuki!" (Liar!)Bigla siyang lumapit sakin. Ako naman ay napa-atras. Baka magkaroon pa nang panglima masasapak ko na 'to "Ayaw mong maniwala? Bakit ka pa nagtanong?"
"K-kasi...." Utal ko. Sinubukan ko namang alalahanin ang buong pangyayari.
"Ang gwapo mo" at hinatak ko siya at hinalikan.
Aissshh! Bakit ko nga ba siya hinalikan!? Ganyan pala nagagawa nang alak!?
"Tss.." Sabi nalang nito at umalis. Tch! I can't believe na hahalikan ko yun? Grabe ayoko na uminom nang alak. Baka pag nalasing ako e baka kung sino nalang halikan ko.
***
Nakabalik na lahat sa classroom maliban nalang si gori. Hanggang ngayon wala padin siya.
"Pstt.. Asan yung prinsipe ko?" Bulong sakin ni felix. Di ako sanay na tawagin siyang fiona e.
"Aba't ewan ko. Hanapan ba ako nang nawawalang ogre?"
"Ang pogi naman nang ogre na yun girl!"
"Pogi ba yun? Palibahas parehas kayong ogre" pangaasar ko.
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
De TodoDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.