CHRISTINE'S POV
17 days na Lang at magpapasko na! Andito ako ngayon sa kwarto ng condo unit namin ni Karl. Oo nakatira na kami sa iisang bahay ni karl. REQUEST ulit ni Lolo.
Wala nanaman akong nagawa at napapayag nalang, ako naman ang nagsabi na mag condo nalang kami, pinili kong condo kung san nakatira si Andrea.
Ang kaso lang nasa 29th floor ako habang siya ay nasa 30th floor which is okay naman. Dapat dun din sa floor na yun kaso naunahan kami, kaya dito nalang kami.
"AHAHAHAHAH AIDEN, STOP IT!"
-_- Ako.
Andito nga pala ang mag-asawa, este mag-jowa, este mag KA-IBIGAN.
Eto ang isa sa kinaiinisan ko sa lahat ng makalipat kami ni Karl dito, parating andito si Gabriella. Halos araw-araw nandito siya.
Nagsinungaling nanaman si Karl tungkol samin, ang sabi niya kay Gabriella, na matagal na kaming nakatira dito dahil sa kagustuhan namin magkaroon ng unit.
Minsan nga iniisip kong tanga ba si Gabriella? Hindi man lang niya naisip na bakit nakasama ko pa si Karl sa bahay kesa sa kuno kong asawa na si Lucas. Diba? Tanga ba? O tanga-tangahan?
Madalas nanaman silang mag-kasama. Tulad dati. Nung makilala nila ang isa't isa lagi na lang ako nakasunod sakanila. Grabe ngayon ko lang na-realize na nakakaawa pala ako dati, Kasi si Karl at Gabriella lang naman ang naging Kaibigan ko noon. Tapos di na nila ako naalala pa. Pesteng childhood memories 'to.
"AHIHIHIHI! DEN-DEN! DON'T!"
Tinakpan ko naman ang dalawa kong tenga pero kahit na nakatakip ang tenga ko ay rinig na rinig ko ang mga punyetang boses nila. Napaupo naman ako sa pagkakahiga at ginulo ang buhok ko.
"ARGH! BWISET!" Sigaw ko. Tumayo naman ako duon at napagpasyahan na pumunta nalang sa unit ni Andrea.
Pagkababa ko ay nakita kong napatingin sila sakin, hindi ko naman pinansin yun at dere-deretsong naglakad.
"Christine, gusto mong maglaro?" Aya sakin ni Gab.
"No thanks." Walang gana kong sabi, ayokong makipag plastikan sakanya ngayon. Naiirita lang ako lalo. Pumunta muna ako sa ref at kinuha ang brownies na ginawa ko kagabi, saka naglakad ulit papalapit sa pintuan.
"Where are you going?" Tanong ni Karl.
"Somewhere peaceful place, i guess." I said without giving him a simple glimpes.
At tuluyan ng lumabas ng unit.
*THUD*
"Aray.." Paano ba naman, kakalabas ko lang ng unit nakabangga agad ako.
"Are you blind?"
O_O
Napangat naman ang paningin ko ng marinig ang boses niya.
"Lucas?"
Nakita ko din namang nagulat ito, napangiti naman ako ng makita ulit siya, ilang araw na kaming hindi nagkikita.
"Ikaw pala, Christine. Dito ka nakatira?" He asked.
"Mmm.. Bagong lipat lang. Ikaw?"
"Same.." Sagot nito.
Bigla naman akong nakaisip, kaya tinignan ko ito ng makahulugan. Mukhang na-gets niya naman ang titig na yun.
"No, you can't." He said without any hesitation, napanguso naman ako. Gusto ko lang naman tumambay sa unit niya eh.
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
RandomDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.