29: THE NEWS

1.2K 33 0
                                    

ANDREA'S POV

"Hoy!"

Sigaw nang isang taong di ko kilala. Tsk! Panira naman nang tulog 'tong taong 'to. Umayos ako nang higa habang nakapikit at itutuloy ang tulog.

"Hoy!" Napadilat naman ako sa inis.

O_o

Sino bumili nang pandesal? "Hoy! Andito yung mukha ko." Inangat ko naman ang paningin ko sa nagsalita.

"H-hoy! B-bakit ka nakahubad at nakahiga sa kama ko!? Ha!?" Sigaw ko habang paatras ako nang paatras. Nakita ko naman siyang ngumisi. Nakahiga ito sa kama ko at nakaharap sakin.

"Last night... It was fun." Ngisi nitong sabi.

Hindi... Hindi.... Hindii!!! Hindi pwede! "Hayup ka! Umalis ka nga dito! Manyak! Manyak na unggoy!"

Sigaw ko habang hinahampas siya, nanghina naman ako dahil sa pagkabigla ng hilo. Tsk, meron padin akong sakit? Umayos naman ako nang higa, sobrang sakit talaga.

"Anong oras na?" Matamlay kong tanong. "6:24am" tipid nitong sagot habang nakahiga pa din sa higaan ko at nakaharap pa din sakin habang ako ay nasa kisame lang ang tingin.

"Hah? 6:24?" Ulit ko nang maalala kong may pasok pa pala kami. Bumangon naman ako pero hinawakan ni james ang noo ko at tinulak ulit pahiga.

"Di ka pwedeng pumasok." Sabi nito habang nakahawak pa din sa noo ko.

Napatingin naman ako sakanya. Bakit? Siya ba ang babagsak!? Hirap hirap humabol sa grades e.

"Tsk, Hindi pwede! Kailangan ko magaral!" Sabi ko at sinubukang bumangon pero hindi hinayaan ni james na makabangon ako.

"Ano ba!? Bitawan mo nga ako." Sabi ko sabay tabig sa kamay niya at bumangon ulit. Tinulak niya ulit ako pahiga but this time pumatong siya sa ibabaw ko.

Napatitig lang ako sakanya. Walang nagsalita saming dalawa, nagtitigan lang kami. Di ako makapagsalita, parang na-hypnotise niya ako gamit ang kanyang mata.

"Pag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede. Pag bumangon ka ulit diyan, i'll kiss you."

Sinubukan ko namang kumawala pero ang lakas niya. Umulit ako pero bigla siyang lumapit sa mukha ko. Sobrang lapit na isang galaw nalang ay mahahalikan niya ako.

"1st warning, wag mo nang paabutin nang 3rd warning andrea, or i'll give you a french kiss."

No thanks... "Oo na umalis ka na diyan, ang bigat mo kaya." Sabi ko. Umalis naman siya at tumayo.

"Nagugutom ka na?" Tanong nito. Nagugutom bako? Napatingin naman ako sa pandesal niya. Hmm, busog na ako. Joke!

"Hindi." Pagkasabi ko nun biglang tumunog ang tiyan ko. Napatingin naman ako sa tiyan ko at napahawak sabay tingin kay james na akala mo ay batang gutom.

"Ngayon... Oo."

Natawa naman siya at lumabas nang kwarto ko. Ewan ko kung anong gagawin niya. Pansin ko lang ah, minsan magkaaway kami ni james o kaya naman na parang di kami magkakilala, tapos eto, para kaming magkaibigan na ewan basta yun na yun hahaha. Nung parang sa clinic? Unang pagsasama naming dalawa ni james. Ilang beses na din ako inalagaan ni james, ewan ko kung ilan dalawang beses? O tatlo?

Maya-maya pa ay nakita ko siyang pumasok sa kwarto ko. "Oh, hindi ko alam kung ano yung mga kinakain mo at hindi. Kaya umorder nalang ako nang pizza."

Napangiti naman ako kasi paborito ko ang pizza, eto nga ang madalas na binibilin ko kay papa na pasalubong e.

"Salamat. Kumakain ako niyan." Sabi ko nalang at kumain kaming dalawa. Ang sharaaaaapp! Medyo di ko malasahan kasi may sipon ako.

Nang matapos kaming kumain lumabas si james at pagbalik nito may dala siyang saging.

THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon