CHRISTINE'S POV
Tatlong araw na ang nakakalipas ng makita ko ulit si Gabriella, ang laki ng pinagbago niya.
Mas lalo siyang gumanda, samantalang ako walang ginawa kundi kumain ng kumain.
Andito ako sa room ngayon at inaantay namin si sir Estribo, dahil may announcement ito samin.
"Chris, ang sarap talaga nitong cupcake mo!" Si Felix. Nasa tabi ko siya ngayon, hinahanap niyo si Andrea? Andun sa pwesto ng jowa niya. Hindi porket nagkajowa na eh, parang nagkakalimutan ata? Syempre joke lang.
"Parati naman yan ang sinasabi mo eh." Sabi ko at nag-scroll lang sa phone. Walang magawa eh.
Napahinto naman ako sa pag scroll ng makita ko ang post ni karl sa IG.
Being with her again is fun :>
Tapos may picture pa silang dalawa, naka-akbay si Karl kay Gabi at naka peace sign naman si Gab.
Hindi ko alam pero nainis ako bigla. biglang nag init ang buong mukha ko sa sobrang inis eh! Nakita ko pang nakapalit na ang pangalan ni karl sa AIDENNN. (Eyden. Tamang pagbasa)
Isa pa yan sa kinainis ko nung nakaraan, hindi niya sinabi na siya si Karl at hindi niya sinabing kasal kaming dalawa, halos ipagsigawan niya sa school mag-asawa kami samantalang sa harap ni Gabriella ay hindi niya magawa?
Kainis.. Pabagsak ko namang nilapag ang phone ko sa lamesa.
"Woah, chill ka lang girl. Anong nakita mo't naging ganyan ka ha?" Sabi ni Felix na may kunot sakanyang noo.
I crossed my arms and remained silent. Ganito ako pagnaba-badtrip na.
"Okay, goodmorning class.."
Tumayo naman kami at binati di sir Estribo. Inayos niya muna ang gamit nito bago niya kami lingunin.
"Announcement po tayo." Nakangiti nitong sabi, buti pa si sir good mood.
"We're finally having a School festival!"
Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni sir. Nawala naman ang badtrip ko sa sinabi niya. School festival? Cool!
\(☆o☆)/
"Omg kailan kaya..."
"Grabe first time!"
"Kaka-excite naman!"
"Yown!"
Usapan ng mga kaklase ko.
Gustong paramihin ang istudyante dito sa school na 'to ah.. Ang galing lang ng ideya. Sa school festival kasi na kahit outsider ay pwedeng pumasok, pwede silang maglibot-libot dito, para ng sa ganun kung nagustuhan man nila dito ay gugustuhin na din nilang lumipat rito.
Malaki naman ang HU na ito, kaya walang problema kung gaano karaming tao pa yan.
"Ahm, sir kailan po ba yang school festival?" Tanong hillary sa harap.
"January or febuary.. Pinaghahandaan pa kasi kung ano pwedeng activity o ganap ang mangyayari sa school festival na 'to.."
Tch, antagal naman. Actually isang buwan nalang bago mag january hihi, matagal na sakin yun eh bakit ba..
***
Napagdesisyunan namin ni Felix na mag-mall nung mag uwian, free naman today kaya nag mall na kami. Syempre hindi kasa ang dalawang may jowa hindi naman makasama si Andrei kasi may date ang gaga.
"Alam mo simula na magka jowa ang dalawa humihiwalay na satin." Nagtatampong sabi ni Felix.
"Hayaan mo na sila Felix, andito naman ako eh." Sabi ko at humugot ng isang damit, at tinitignan, cute~
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
De TodoDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.