AUTHOR'S POVEto na ang araw na pasahan na nang kanilang mga proyekto. Ngayon ay ipinapasa na nila ito sa laptop nang kanilang guro.
Dahil mamayang home room nila panonoorin iyon. Habang ipinapasa ni hillary ang kanilang gawa ... Hindi naman mapakali si andrea.
"Huy! Okay ka lang?" Tanong ni christine na katabi niya. Nakipagpalitan kasi ito nang pwesto kay greg.
Hindi ito sinagot ni andrea dshil hindi talaga ito mapakali simula nang huling scene na ginawa nila.
"Andreaaa...." Tawag ulit ni christine kay andrea habang kinakawayan ang mukha nito.
'Pano ba 'to! Anong gagawin ko?'
Sa isip isipan ni andrea. "Andrea!" Sigaw na ni christine kay andrea. Napatingin naman ang lahat sakanya. Ang guro naman nila ay lumabas dahil may nakalimutang gamit sa faculty.
Natauhan naman si andrea nang mairita ito sa pagsigaw ni christine. "Ano ba yun grimmie? Ansakit ahh!" Inis nitong banggit.
"Anung ano? Tatlong beses kitang tinawag. Ano bang nangyayari sayo?"
"Wala naman" sabi nito habang kinakalikot ang tainga dahil sa pagkakasigaw ni christine.
"Anong wala? Ehh... Kanina ka pa diyan lutang?" Nakakunot nitong sabi.
"Wala ngaaa... Naantok lang ako." Pagsisinungaling nito.
HOME ROOM
Eto na ang oras na panonoorin nila ang ginawa nila. Ang unang grupo ay group 1 ang theme nila ay horror. Maganda naman sana kaso mukhang tinamad gumawa.
Ang group 2 naman ay love story gaya nang kina andrea. Maganda rin ito, gaya nang inaasahan dahil may isa silang kagrupo na mahilig gumawa ng istorya.
At syempre ang last group. Ay ang group 3. Hindi nanaman mapakali si andrea, dahil nahihiya siya kung ano ba ang itshura niya, kung maganda ba siya umakting o hindi.
'Ang galing pala talaga umakting ng unggoy na yun. Edi siya na may talent.'
Mas lalong hindi mapakali si andrea nang malaman na niya na malapit na ang huling scene, na kung saan ay maghahalikan silang dalawa.
At eto na... "Mahal na mahal kita eva, pangako hinding hindi na kita sasaktan pa"
And the kiss "KYAAAAAAAHH!!"
"OMAYGASHH! NAKAKAKILIG! PARANG TOTOO YUNG KISS NILA!" Komento nang isa nilang mga kaklase.
Sobrang pula na nang mukha ni andrea dahil nakita nanaman niya ang scene na iyon, hindi dahil sa mga sinasabi nila.
ANDREA'S POV
Putekk naman talaga kasi! Nakakainis! Bwisett! Malalagot talaga sakin yun! Di nanaman siya pumasok. Sino? Edi yung unggoy! Nakakainis.
"Wow! Anlaki naman nang score niyo!" Sabi ji grimmie samin nina hillary. Sabay kami ngayon naglalakad papalabas ng room.
Grade namin? 95 lang naman. Sus nahiya di nalang ginawang 100. Nakakainis lang kasi! Sobra.
FLASHBACK...
Eto na at sawakas last scene na ang gagawin namin. Matatapos na rin sawakas!
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
RastgeleDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.