32: Grimmies ex-bff

1.1K 30 1
                                    


ANDREA'S POV

"Asan kaya ang mga bakla?" Tanong ni felix. Hinahanap namin yung dalawang magjowa, di namin makita e.

"Hayaan mo na tara na kain na tayo." Sabi ko. At sumubo na. Oo nasa canteen ako ngayon, wala lang. Tinupad ko lang naman ang sinabi ko kay felix, kahit wala pang isang buwan.

Siguro magkasama yung dalawang yun at naguusap. Sana magka-ayos na yung dalawang yun.

Pagkaalis na pagkaalis nang teacher namin kanina agad agad umalis si hillary e.

"Ay oo nga pala andrea, anong nangyari?" Tanong ni grimmie. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Huh? Nangyari?"

Tumingin naman siya sakin at ibinaba ang kutsara. "Duh! Sainyo. Nung may sakit ka."

Ay chismosa pala 'tong kaibigan ko hahaha. "Ang alin yun?" Takang tanong naman ni felix. "Hoy kayo ah! Wala akong alam diyan sa sinasabi niyo." Dagdag pa nito.

"Kasi bakla! Inalagaan siya ni james nung may sakit siya." Pabulong nitong sinabi. Nabitawan naman bigla ni felix yung kutsara niya.

"Alam mo, masasabunutan na kita bakla!" Sabi nito. Ayan nanaman siya. "Dinala lang niya yung sulat galing kay lola at yung lugaw na ginawa mo at umalis na." Pagsisinungaling ko. Di matatahimik 'tong dalawang 'to e.

"Yun naman pala e." Sabi nito at kumain nalang ulit.

May umupo naman sa tabi ko, tinignan ko naman kung sino at si james nanaman.

"Uminom ka Ba ng gamot kaninang umaga?" Sabi nito, kumunot naman ang noo ko. Pake ba niya? Tsk, nakakinis na 'to lagi nalang sumusulpot sa tabi ko.

"Hindi, at kahit kailan di na ako iinom" sabi ko at kumain nalang.

"Tss... Sana ginawa mo nalang yung ginawa ko sayo kagabi. Tapos hindi ka man lang nagthankyou kagabi bago ako umalis, dalawang araw akong nagsta-- HMMM"

Agad ko namang tinakpan ang bibig niya. Aish! Ang galing galing mo namang kupal ka!

Tinignan ko naman yung dalawa na nakatingin samin. Nginitian ko naman silang dalawa.

Napatingin naman ako kay james at tinanggal agad ang kamay ko dahil naramdaman kong hinalikan niya ang palad ko. Dafukkk!

Ngumiti naman siya. "Eto oh, uminom ka kung ayaw mong dalawin kita sa bahay niyo." Sabi niya sabay lapag nang saging at gamot.

"Oo na! Umalis ka na nga dito!" Sabi ko. Nginitian niya ako sabay alis. Habang patagal nang patagal nagiging weird siya. Akala mo close kami kung gumalaw siya nang ganun.

"Umalis daw agad, hmmm.. Okay." Sabi ni grimmie. Sabay kain, nakita ko naman si felix na nakangiti lang. "Sigi na ngaa! Iyu na siya. Kashi naman e. Ang swheettt niyo!" Sabi nito.

"Hoy! Manahimik kayo diyan." Sabi ko nalang at kumain.

***

Mahaba-haba pa ang oras namin kasi wala daw si Mr. de jesus. Naglakad lakad lang kami dito sa napakalaking school ground. Nang makakita kami nang bench ay naupo kami duon.

"Uy dapat pala bumili tayo nang snacks!"Si felix.

Parang di naman 'to nabusog. Kakain lang namin at sobrang dami niyang nakain.

"Tara bili tayo chris!" Saka hinatak ni felix si grimmie at tumakbo. "Babalik kami!"

"Uy! Pagod na nga ako e!" At tuluyan na silang nawala sa paningin ko. Ako naman ay nagantay lang at nagpatugtog nalang.

Now playing: silhouette by kana-boon.

Japanese song. Isa 'to sa mga nagustuhan ko nung pinanood ko yung naruto shippuden. Alam niyo bang inlove na inlove ako dun!

THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon