HILLARY'S POV"Salamat" pagpapasalamat ko sa babae. Andito ako ngayon sa mall, since it's sem break! First time ko lang maglalabas nang ganito. Kasi kapag nasa bahay ako, kailangan mabait ako hahaha dapat ipakita na nagaaral ako nang mabuti na hindi lang ako puro gala.
Now that i'm not living with my NOT REAL DAD, i can do whatever i want! It feels good to be free hahaha.
Ako lang magisa ngayon, dapat nga aayain ko si felix kasi siya ang dahilan kung bakit ako nandito, remember what he told me at the cafe. Na maglalabas daw ako at magpahangin para naamn mabawas-bawasan ang pagiisip ko sa problema. And guess what he was right! Kaso may work siya, busy lagi. Ewan ko ba.
Nawala naman ang pagiisip ko patungkol sakanilang dalawa, sa hindi ko totoong tatay. And that's a good thing.
Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan at kinain ang DQ ice cream ko.
Huminga naman ako nang malalim. Grabe never felt this before na magrelax. Kinuha ko naman ang phone ko at pinindot ang IG app. Unang bumungad sakin ang post ni christine.
"WHAT!?" Sigaw ko at napatayo ako, bigla kong narealize na nasa public ako at napatingin nalang sa mga taong kumakain din nang ice cream.
"Sorry." Sabi ko at nahihiyang umupo.
Hmp! Hindi man lang ako inaya! Nakita ko kasi ang post ni christine na isang litrato na bintana sa bus at makikita mo roon ang magandang tanawin. Nakita ko pa rito ang caption niya.
'Otw to ****'
Di ko alam na kasama siya nang training camp nang basketball team? At malamang andun si andrea. Paano naman nakasama si chris duon? E di naman siya member. Tsk! Nakakatampo ah!
De bale. I'll enjoy my ME time. Nilapag ko naman ang phone ko sa table at sumubo nalang nang sumubo sa ice cream.
"Oh? Hillary?" Napatingin naman ako sa tumawag sakin.
O_o
"Ikaw nga, anong ginagawa mo rito?" Sabi nito at umupo sa harap ko.
"K-kairo"
"Ako nga." Ngiti nito. Pagnakikita ko to naiinis ako. Di ko pa rin makakalimutan kung paano niya ako lokohin at pahiyain nang GIRLFRIEND
niya sa harap nang maraming tao."Sino kasama mo? Silla andrea?" Tanong nito.
Tsss.. Kita mo! Ni hindi nga niya ako makilala! Ni hindi pa nga siya nagsosorry sakin!
Tumingin naman siya sakin nang nagaalala. "Hey, you okay?" Sabi nito at bigla niyang inilapat ang palad nito sa noo ko. Tinabig ko naman ito at tumayo at kinuha ang bag saka umalis.
Tsk! Imbes na mag relax ako ngayong araw na ito bigla nalang may sisira. Tsk kainis.
"Hillary! Wait!" Sigaw nito. Nilingon ko naman siya, tumatakbo ito papalapit sakin.
"Just leave me alone!"
*blag*
"Omaygosh! Babe you okay?" Sabi nang pamilyar na boses. Napaupo naman ako, sa sobrang lakas nang pagkakabangga ko, napapikit naman ako sa sakit.
"Miss magdahan dahan ka naman pwed--"
Napatingin naman ako sa nabangga ko.
O_o
Andrei. Tinignan ko naman kung sino yung babae. Walang iba kindi si hailey. Kaya sobrang pamilyar ang boses niya. Nagyon ko lang na realize na nakaupo din pala si andrei.
Tumayo naman ako at ganun din siya. Tsk! Sobrang awkward, aalis na sana ako nang bigla akong hawakan ni andrei sa braso ko.
"Hillary..." Tawag nito. Nilingon ko naman siya. "Kamusta ka na?" Sabi nito.
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
RandomDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.