CHRISTINE'S"WHAT!?" sigaw naming tatlo kay andrea, pagtapos niyang sabihin samin na siya ang susbtitute coach nang basketball team.
"Bitch! Seryoso ka ba diyan or it's just a prank?" Si bading
"It's real." Simple nitong sagot habang kumakain nang cookie na binake ko kanina.
Andito pala kami sa lugar na puro puno tapos may mga lamesa dito parang park lang ganun.
"Teka... Ayun ba ang pinagusapan niyo ni Kuya max kagabi?" Si hillary.
Nakita ko namang tumango si andrea. "Wait... Who's kuya max? Yung lolo ni ben?" Tanong ko.
"Hah! Nakakatawa chris!" Sarcastic na sabi ni bading. Tinarayan ko naman.
"Asawa nang principal natin." Sagot ni hillary.
Napatingin naman kaming dalawa ni felix at kitang kita sa mga mukha namin na gulat na gulat kami. "Really? Edi sister in law mo yung principal natin?" Si bading.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni bading... Paanong sister in law?
"Eh, mrs. Ocampo nga e malamang max ocampo yun."
Tumingin naman kaming dalawa ni felix kay andrea. "Tawag ko lang sakanya kuya, pero ninong ko talaga siya."
Napa-ahh nalang kami ni bading.. Ngayon malinaw na. "Edi gabi ka na makakauwi niyan." Sabi ko.
"Mmm! Hay... Eto na nga ba sinasabi ko e."
"Don't worry andrea, sasamahan kita, tutal parehas lang naman tayo nang inuuwian e.." Sabi ni hillary sabay kagat sa cookie. Nasabi nila samin ang tungkol diyan. Pero di pa nila nasasabi kay andrei. Di pa nakakausap ni hillary si andrei e.
"Talaga? Buti ka pa.."
"Girl! Kahit gusto kong samahan ka para mapanood ang mga hottie! Di pwede e.. Sareh!"
"Syempre ako din 'no sasamahan kita, ayoko namang magpatalo kay hillary hahaha"
"Salamattt!"
"Tsk! Gusto ko pa man din, akalain mo ang swerte mo! Araw-araw mong makikita ang mga hottie na yun! Tapos makikita mo ang unti unting pagtulo nang kanilang mga pawis sa kanilang masarap na leeg! Tapos maghuhubad kapag init na init! Argh! Shet!"
Ungol ni bading. Mahina ko naman siyang binatukan. Masyadong malaki ang imahinasyon nitong hayop na 'to e.
"Hahaha pero kapag may time ako sasama ako promise!" Dagdag nito.
"Pero alam mo. Magiingat ka sa mga yun ah" sabi ko.
"Bakit naman?" Nakakunot nitong tanong. "Lahat nang mga lalaki dun ay nababaliw pag nakakita nang magandang babae"
"Tss.... Subukan nilang dumikit sakin.. Ibabalibag ko ang mga yan"
Sa sinabi niya parang siya pa tuloy ang gangster dito hahaha.
"Teka nga... Di ko pa alam ang pangalan nang team nila ah... Ano bang name nang team nila." Tanong nito.
"The Perfecto's" sagot ni hillary. "Pft! BWUAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni andrea.
Dahek, parang di babae 'to kung tumawa amp hahaha. Parehas lang kami wag siyang magalala ahahhaha.
"Ang baduy! Hahaha... Bakit the Perfecto's? Para naman silang tanga!"
"Kasi gwapo, magagaling, madiskarte. Lahat nang yan ay nasa bawat team."
"Make sense... " Sabi nito. "Pero ang baduy pa din pakinggan hahahaha."
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
RandomDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.