ANDREA'S POVNgayon ay nakaupo na kaming lahat at sobrang tahimik nang kapaligiran! Timing nga naman talaga.
'Lagot ka sakin bukas gorilla!'
"Andrea." Napatingin naman ako kay kuya jonas na seryoso. Shet, natatakot pa naman ako pag seryoso si kuya jonas.
"P-po?"
"Babae ba?"
Binatukan naman ni kuya josh si kuya jonas. Medyo natawa naman 'tong katabi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan! 5months pa malalaman kung babae ba o lalaki."
Pagtapos nitong sabihin ay tumingin siya kay james. Nakipagtitigan din naman si kupal.
"Pananagutan mo ba siya?"
"Kuya!" Sigaw ko nalang. Natawa naman si james. "Bakit? Kami na bahala ni jonas na itago sa lola mo at kay earl."
Tumango-tango naman si kuya jonas. Nspshawak nalang ako sa noo ko. Ano ba naman 'tong mga 'to. Ganun ba ang tingin nila sakin para isipin nilang buntis ako?
"Di ako buntis, okay? At tsaka di ko ibabagay ang virginity ko dito sa lalaking 'to 'no!"
Pagkasabi ko nun ay tinignan ko naman si james. Tinignan niya lang din ako at nagtitigan kami.
Nakita ko naman tumabi si kuya josh kay james at inakbayan. "Tsk! Hayaan mo na bata. Marami pang babae diyan. Yung mamahalin ka pa."
"Oo nga bata."
Sabi naman ni kuya jonas at nakiakbay din. Eto namang james na 'to nakangiti lang.
"Lahat talaga nang mga J iniiwan! Masanay ka na. Nadaanan na namin ni josh yan, diba pre?"
"Oo. Kaya wag kang magmamahal nang kagaya niya."
I rolled my eyes. Tumayo nalang ako at papasok sana nang kwarto nang...
"San ka pupunta? Wag mo namang iwan yang borfriend mo!" Hinarang ako ni kuya josh.
"Kuya, di ko boyfriend yan."
"Iba talaga manakit ang babae. Madali lang sakanila na sabihin na hindi nila boyfriend ang boyfriend nila." Sabi ni kuya jonas.
Kanina pa nakasalubong ang dalawa kong kilay sa irita. Di man lang ba nila inisip kung bakit may kasama akong lalaki dito at kung bakit wala ako sa school?
Iba talaga pag walang jowa. "Hahahahaha totoo po yung sinabi niya." Nilingon ko naman si james.
"Ahh.. Ganun ba? Akala ko pa naman boyfriend ka niya." Si kuya jonas. Ngumiti naman si kupal
"Soon..."
Napakunot naman ang noo ko. Soon? Anong ibig niyang sabihin?
***
"Mauuna na po ako." Pagpapaalam ni james. "Sige magiingat ka bata." Si kuya josh. Kung makabata naman ito, palibhasa kasi matanda na hahaha
'Hay salamat naman umalis na siya'
"Seryoso di mo siya boyfriend?"
"Hindi nga kuya. Ang kulit niyo naman!" Irita kong sabi. "E anong ginagawa niya dito?" Tanong naman ni kuya josh.
"Oo nga? At saka bakit dika pumasok?" Si kuya jonas.
Wow, ngayon napansin na nila? "Bakit ngayon pa tinanon sakin yan?" Sabi ko sabay upo sa couch. Medyo okay nako dahil nakainom nako nang gamot.
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
De TodoDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.