FELIX'S POV
"Pero nagta-trabaho pa ako, bakla. Paguwi ko daanan nalang kita." Sabi ko sa kabilang linya. Tumawag kasi si christine. Nagpapadala ng pagkain, sabi ko mag-antay siya dahil nasa trabaho pa ako, ang bakla ayaw. Sarap sabunutan nito, nagtatrabaho ako ng mabuti para sa pera tapos guguluhin niya ako. Gusto niya bang mawalan ako ng trabaho!?
"EEEEEHH!! Sigeee na felix, saglit lang naman eh, kailangan ko na talaga yan. Ang sama na ng pakiramdam ko."
"Per-"
"Felix, hindi ito ang tamang oras para makipag-chikahan." Napalingon naman ako sa nagsalita at duon nakita ko si sir Fuente, ang manager naming masungit pero gwapo.
"Ahm, sir. Pasensya na po. Yung kaibigan ko po kasi kailangan ng tulong ko, kinukulit ako." Sabi ko at binaba lang ang phone.
-_- siya, as always..
"Kung sino man yan, ibaba mo na." Sabi nito. Tumango naman ako at itinapat ulit sa tenga ang phone.
"Christine, ibaba ko na.. Promise dadaan ako sainyo.."
"Huhh??? Sige na Felixx!"
Napipikit naman ako ng mariin, tsk! Gustuhin ko mang puntahan si Chris, ay di ko magawa.
"Pangako, dadalan kita ng gamot, okay.." Sabi ko, at tuluyan ng ibinaba. Nilingon ko naman si sir lucas.
"Si Christine ba 'yon?" Sabi nito, tumango naman ako. Parang nagbago ata aura niya?
"Yes, sir." Sagot ko, inayos niya muna ang suot nito bago niya ako muling nilingon.
"Gugustuhin man kitang paalisin muna dito, ay hindi ko magagawa, maraming customer ngayon.."
"Naiintindihan ko po.." Sabi ko at lalabas na sana sa staff room ng tawagin niya ulit ako.
"Aalis ako ngayon, kung ano man ang pinapadala sayo ni christine, ako na ang magdadaan."
I blinked twice, Siya? He snapped his finger infront of my face. Napatingin naman ako sakanya.
"Ahm, okay sir.. Gusto niya po kasi ng Mocha cookie crumble, ham and cheese croissant, and double chocolate chunk brownie."
"Are you sure? Yun lang? Eh yung gamot niya?" Tanong nito. Pinigilan ko namang tumawa.
"Sir, ayan na po yung medicine niya." Nakangiti kong sabi. Nakita ko naman itong napatulala.
Pftt, tignan natin ang mangyayari sa inyong dalawa. Hay nako Baklang Chris, binibigay ko na sayo si Sir Fuente!
***
CHRISTINE'S POV
Hmp! Katampo si felix. Hahatiran niya lang ako ng pagkain, saka gusto ko lang siyang makasama, since nakabalik na sila mommy sa ibang bansa. Magisa nanaman ako ngayon dito.
T^T
Meron ako ngayon eh! Red days! Kaya pinapadalhan ko si felix ng pagkain, kasi ito yung sakit ko pag meron ako, Mas tumatakaw ako.
Kasalukuyan akong nagda-drawing ngayon, wala lang, ito naman lagi kong ginagawa kapag meron ako.
*Dingdong*
Napatayo naman ako ng may mag-doorbell sa bahay namin. Bumaba naman ako at pinagbuksan ang nag-doorbell.
Pagkabukas ko ay dibdib ang nakita ko kaya kailangan ko pang iangat ang ulo ko para makita ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
SonstigesDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.