ANDREA'S POV
Makalipas ang isang buwan, hanggang ngayon ay nasa utak ko pa din ang nakakainis na paghalik na iyon. At nang dahil dun hindi ko magawang makipag bangayan sakanya.
Na kahit siya mismo ay tahimik. Sa totoo lang simula palang at nung gumagawa kami nang project, lagi kami nagtatalo't nagaaway hindi ko na sinama sa kwentong ito.
"Goodmorning lola." Sabi ko nang makaupo sa lamesa. Balita sa lola ko? Panay gala, dinaig pa ako. Grabe lang diba.
"Goodmorning apo" nakangiti nitong banggit habang hinahanda ang pagkain. "Kamusta naman sa school andrea?"
"Hmmm... Okay naman po La, marami na rin naman po akong kaibigan." Sabi ko sabay kuha nang pagkain sa lamesa.
"Wala ka namang nagiging problema sa school?"
Psh.... Sobrang dami-dami-dami. Pero hindi ko na sasabihin yun kay lola, baka mapalo pa ako. "Wala naman po."
Hayss, kelan kaya ako makakapagtapos ng pagaaral? Senior palang ako, gusto ko nang magtapos agad. Ako nga pala ay isang tamad na istudyante nang H.U di lang halata.
Pinagsisikapan ko lang talagang magaral nang mabuti para maging masaya sina lola at mga kuya ko, and syempre si mama at papa.
At ang pinaka ayoko sa lahat na subject na ayaw rin ng karamihan ay ang math!
Sobra siyang nakaka-stress, tapos kapag tinignan mo ang mga numbers, para silang nagsisigalawan, ahh basta nakakahilo.
Sinusulat ko nalang ang mga notes duon at sumasagot sa libro para dun malakas ang bawi tsaka sa proj. Na din
Pero pag exam, jusme nakakatulog nalang ako.
Tapos nako kumain, kinuha ko na yung gamit ko at aalis nako. Inuuna ko muna kasi ang pagligo bago kumain para deretso alis agad.
"Alis na po ako, Lola" pagpapaalam ko habang nagsusuot ng sapatos. "Ingat ka ha."
Sabi nito.
*
*
*"Goodmorning andrea! Aga mo naman today?" Bati sakin ni grimmie.
"Goodmorning din, wala naman, trip ko lang."
"Ahhh, akala ko kasi sasali ka nang club. Ako kasi sasali"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Clubs? Meron pala dito nun. "Saan ka sasali?" Tanong ko sakanya. "Sa Arts club ako! Gusto ko pa kasing i-level up ang pag da-drawing ko."
Masaya nitong banggit. Di ko alam na may talento pala 'to ahahahaha
"Ikaw gusto mo bang sumali?" Tanong nito sakin.
Hmm?? Mukhang masaya nga yun. Pero anong club naman kaya ang kukunin ko?
"Pass na muna siguro ako diyan."
Actually gusto ko sumali e, di ko lang alam kung ano ang kukunin ko.
"Ehh, sayang naman. San ka ba magaling?" Tanong ni grimmie.
Hmm... Sa ..... Argh! Di ko alam. Eh di ko pa naman alam kung anong merong club dito.
"Ewan ko. Basta pass muna ako" sabi ko sabay upo sa pwesto ko.
*
*Andito na lahat lahat. Walang late kahit isa. Dumating na ang adviser namin na si mr. Estribo
"Okay class, i want all of you stand up and get your bag. Pumunta kayo sa likuran."
Ginawa nga namin ang sabi niya. Ano naman ang gagawin namin? "Hays, ano bayan, sitting arrangement nanaman?"
BINABASA MO ANG
THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME (COMPLETE)
DiversosDISCLAIMER ❗❗❗❗❗❗ My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.