86: Babysitter

476 17 5
                                    


ANDREA'S POV

—Kinabukasan—

"Ate Andrea, thank you nga po pala kahapon ah, you saved me and my kuya." Nakangiti nitong sambit.

Andito nga pala kami ngayon sa unit ko, pinapunta ko dito si Grimss para turuan kami ni Aiyana na mag bake.

Nakwento ko na din kay Grimmie ang pangyayari kahapon.

"Alam mo Aiyana, Ate Andrea is a hero, right?"
Sabat ni Grimmie

"Mm!" Nakangiting tango ni Aiyana.

"Psh.. Parang baliw" bulong ko.

"Ah, Yana duon ka na lang sa lamesa mag decor ng mga cupcake para maluwag" sambit ni Grimmie at inilipat ang mga gamit sa lamesa.

Sumunod naman si Aiyana at duon nga ginawa ang pag de-decorate sa cupcake. Iniwan siya ni Grimmie duon at lumapit sa akin.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

Bigla naman kasing bumusangot paglapit sakin.

"Eh, kasi naman Andrea... Naiinis ako, okay na kami ni Karl nung nakalabas na siya ng ospital eh.. Tapos nung dumating nanaman si Gabriella parang nakakalimutan nanaman niya ako. Nakakinis."

Medyo natawa naman ako.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?! Nakakainis naman 'to eh!"

"Grimmie, isang tanong isang sagot at oo o hindi lang ang sagot.. Mahal mo pa ba si Karl?"

"Hindi!"

dO_Ob

"Whoah, chill.. Hindi naman ako bingi para isigaw ang sagot diba?" Natatawa kong sambit.

"Hmp! Wala na akong feelings para sakanya, nawala na yun bago pa kami kinasal."

Tumayo naman ako at lumapit sa sink para hugasan ang kamay ko.

"Hindi naman impossibleng bumalik ulit yang nararamdaman mo sakanya noon hindi ba?"

Sabi ko, hindi naman siya nakapag-salita.

"Pero... Iba na yung nagugustuhan ko, alam kong kaibigan na lang ang tingin ko kay Karl ulit.."

Bahagya naman akong nagulat at unti siya nilingon. Hindi siya nakatingin sakin, nakatingin lang siya sa lamesa at nakangiti na parang kinikilig na baliw.

No way...

Tuluyan naman akong humarap sakanya.

"Tell me... Si Lucas ba?"

dO_Ob siya

'I knew it..'

"P-Paano mo nalaman? Hindi ko naman sinabi sayo ah! Saka ngayon ko lang sinabi sayo na may gusto na akong iba ah, paano mo nalaman agad ha?" Sunod-sunod nitong tanong.

Natawa na lang ako. Wala naman akong ibang maisip na parati niyang nakakasama eh, madalas ko silang makita sa 7/11 diyan lang sa tapat ng building na 'to.

Siguro tuwing gabi...

"Hoy! Paano nga?"

"Easy ka lang, parati ko kasi kayong nakikita ni Lucas tuwing gabi.. Hindi mo naman sinabi sakin na may ganyan ka palang ugali."

Nanlaki naman ang mata niya.

"Hoy!!! Hindi ako manloloko ah! Saka Karl and I don't like this set up! T-Tsaka nagkukwentuhan lang naman kami ah.."

"Sigurado ka bang ayaw ni Karl ng set up niyo?" Seryoso kong tanong.

"W-What do you mean?"

"Sigurado ka bang ayaw ni Karl ng set up niyo?"

THE GIRL NAMED KATE BARTOLOME  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon